Chapter 30

6.8K 109 15
                                    

Lloyd was baffled and it's very evident on his face. He waited for me to say anything more than my three words like he expect a thesis of explanation coming from me. Ang mga mata niya ay parehong nanlaki ng bahagya at hindi siya kumurap ng ilang sandali habang titig na titig sa akin.

Nakuha ng pumasok at lumabas ni Nurse Lou sa aking kuwarto ay hindi pa rin naalis ang tingin niya sa akin.

"Ca... Can.. cer? You?" Alangan niyang tanong na lito pa rin sa lahat.

Ginalaw ko ang aking mga paa and dangled it on the bed para harapin siya ngunit agad naman siyang nakatayo sa kanyang upuan at pinigilan ako na para bang ayaw niya akong tumayo o kahit gumalaw lang muna ng kaunti. It looks like that I scared him from what happened to me.

Hinawakan niya ako ng pirmi sa aking balikat saka mariin na tinitigan. "Bee, don't."

"I'm fine, bug. Hindi naman ako tatayo. Gusto ko lang na humarap sa'yo. Sit."

He pushed me back to the bed para sumandal at buntong hininga kong itinaas muli ang aking mga paa then crossed my leg. I patted the bed near me at umupo naman siya doon saka gumilid na humarap sa akin.

Hinawakan ko ang kanyang kamay saka ako kumuha ng lakas ng loob bago ko kinuwento ang lahat sa kanya. Tungkol sa aking sakit, paano nagsimula, kailan ko nalaman, at ang ilan pang mga bagay. Wala akong kinaligtaan at ma-detalye ko itong ikinuwento sa kanya.

All throughout na nagsasalita ako ay wala siyang ginawa kung hindi makinig lang habang nakatingin sa akin and sometimes, he squeezed my hands in comfort.

"Why don't you wanna tell your family? Si Warayne? Don't you think that it's better if they know about this too? We can all help you, bee. I'm positive of that."

I smiled a bit at him. Alam ko iyon, I'm very sure that my family will take care of me and that is why I am afraid to tell them or for them to know because they will devote their time on me and they will miss a lot of what's life can offer outside. Iikot ang mundo nila sa akin at lungkot lang ang maibibigay ko sa kanila. No. I don't like that.

Ayoko na mawala ang mga ngiti nila sa kanilang mga mukha whenever I am with them or kapag naaalala nila na may sakit ako. I will not be the one to take away their smiles and laughs.

"You promised me."

He swallowed na parang gusto niya pang bawiin ang ipinangako niya sa akin kanina. Nagsukatan pa kaming dalawa hanggang sa sumuko siya at tumango nalang pagkatapos.

"Tell me that you are at least getting better. Are you on medication or what? Puwede kitang samahan dito sa ospital."

Hindi ako sumagot at napayuko nalang na tinignan ang aking mga kamay.

"Bee?" He called and I shook my head before looking back at him again.

"I'm not, bug. I refused chemo."

"Why? If that could get you better, then-"

"I really don't want to go down the line of chemo, Lloyd. I believe that that will just make me weaker and mapapabilis lang ang sobrang pagkakasakit ko, then what? I'll see my family suffer even more for longer time habang nasa ospital lang ako na walang magawa. I don't want that." Pirmi kong sagot na umiling pa. "I just want to do things with them while I can. With all the strength that I've got and not waste my time in the hospital being weak. No... I-" I stopped as tears strained my eyes.

I covered my face and cried my heart out in front of my friend. I just can't have this conversation with him, or with anyone else for that matter. It breaks my heart.

Naramdaman ko ang pag galaw niya sa kama at bigla nalang niya akong hinila para yakapin ng mahigpit. Umiyak ako sa kanyang balikat at nagtagal na ganoon ang aming puwesto hanggang sa kusa ng maubos ang mga luha sa aking mga mata. Nahihika-hika nalang ako sa pagtigil ko sa pag-iyak pero ang sakit sa puso ko ay hindi pa rin mawala-wala.

Timid Heart (Eligible Heiress #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon