Coldy

3 0 0
                                    

"Coldy, anak gumising kana kailangan mo nang pumasok ready na yung breakfast bumaba kana I'll wait for u"

I heard mom pero hindi nako nagsalita pa kasi sobrang antok na antok pako sa kakaiyak last night ang sakit sakit kasi sobrang sakit.

-Flashback-

I have a boyfriend and almost a year nadin ang relationship namin. Hindi ako ganun ka-panget para hindi nya magustuhan at mas lalong hindi rin naman ganun ka-ganda para hindi na pakawalan. Until one day nagkagusto sakin ang kaibigan nya hindi ko yun ini-entertain kinakausap ko sya yes but we're just friends and i told him na mahal na mahal ko yung boyfriend ko.

*my phone ring*
Love calling

It's 12midnight bakit gising pa sya, kinuha ko yung phone ko sa table na malapit sa kama ko at isinara muna ang laptop ko.

"Hi Love? Bat gising kapa?"
"Hm? Coldy may sasabihin sana ako sayo"

My heart beats so fast after kong marinig ang sinabi nyang yan ayoko nang pakinggan pero hindi ko alam kung bakit pinilit kong pasiglahin ang boses ko para nagtanong.

"What is it Love?"
"Hm? Coldy I'm tired.."

Naramdaman ko ang paginit ng gilid ng mga
Mata ko hindi nako nakapagsalita at nabigla nalang pero patuloy sya sa pagsasalita.

"I'm tired, hindi nako masaya. Hindi ko na kaya pakiramdam ko mas sasaya ka sakanya palagi kayong nagkakausap, palagi ka nyang iniintay sa twing uwian nyo na which is hindi ko yun nagagawa sayo!"

Nararamdaman ko ang paghikbi nya, nasasaktan sya nararamdaman ko. Para saan ba to bat ba kelangang magkaganto?

"Ano bang problema, ikaw! Ikaw ang mahal ko pero bakit ba mas pinipilit mong ipush ako sakanya? Mahal na mahal kita! Anong nagawa ko bkit hindi kana masaya?"

Hindi sya nagsasalita tanging paghikbi nya nalang ang naririnig ko, patuloy lang din sa pagtulo ang mga luha ko.

"Love iloveyou! Please? Ayusin natin to"
"Goodnight Love! And Goodbye!"

*call ended*

Hindi ako nakatulog umiyak lang ako ng umiyak, inopen ko ang photos ng phone ko nakita ko yung pictures naming magkahawak ang kamay, nakayakap. Tinititigan ko ang ngiti nya totoong saya ang nakikita ko sa labi at mata nya. Bat kelangang mangyari to masaya naman tayo love e masayang masaya ang sakit sakit. Hanggang sa hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako.

-End of Flashback-

Bumaba nako matapos kong maligo at magbihis ng uniform ko. Kiniss ko sa pisngi si Mom and Dad at saka na umupo sa upuan ko at nagsimulang kumain, wala kong ganang kumain pero pinilit ko lang wag lang mahalata nila Mom and Dad na may pinagdadaanan ako.

"Coldy? What's wrong?"
Laking gulat ko ng magsalita si Dad, umangat naman ang mukha ko at napatingin kay Dad maging si Mom nakatingin nadin sakin.
"Nothing Dad" I just smile to them para hindi naman mahalatang hindi talaga ako okay.

"I know you're not fine anak" hinawakan ni Mom ang kamay ko and they both hug me so tight. "kung may problema ka wag mong itatago samin yun, kanina kapa tulala hindi mo pa nababawasan ang pagkain mo, namumugto din ang mga mata mo. Anak hindi mo dapat sinasarili ang mga problema andito kami, pamilya tayo dito diba?"

I hug them back so tight, hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako. Ang kaninang mabigat na nararamdaman ko gumagaan na ngayon swerte ko talaga sakanila. Ako na ang umalis sa pagkakayakap sakanila "I'm so lucky to have you Mom and Dad thanks for everything, kayo yung taong hinding hindi ako iiwan at hinding hindi ako sasaktan iloveyousomuch Mom and Dad"

"We love you so much Coldy, so pano? Kelangan mo nang pumasok late kana tara na ihahatid ka na namin"
Pagooffer ni Dad, hindi nila ko hinahatid sa School ng madalas kaya naging sobrang gaan at saya ng araw nato para sakin. Iloveyousomuch Mom and Dad.

-Fast Forward-

Andito na ko sa school, while sina Mom and Dad nandun na sa Company namin. Yes may Company kaming pagmamay-ari pamana yun nina Lolo at Lola kina Mom and Dad So Hi I'm Coldy Sanchez and I'm a senior highschool eleventh grade student.

"Coldy, bat ngayon kalang? Kanina pa kita iniintay!!" Patakbo at masiglang paglapit sakin ni Zyra kinukulit nya ko ng kinukulit hanggang sa marating namin ang bench na madalas naming inuupuan at madalas na maraming makakakita kapag dumaraan.

"Sorry naman Zyra ang likot likot mo nanaman dapat dalagang pilipina tayo dito" napatawa naman kami pareho kasabay ng paghampas nya sa braso ko kaya nagkunwari akong galit "May paghampas ka e no? Close tayo?" Natahimik naman sya bigla at tumigil sa pagtawa nya kaya ako naman ang humagalpak sa katatawa. "Joke lang!"

"Coldy, nakita ko kanina si Sam may kasamang girl nagtaka ako akala ko ikaw yun e" nagulat ako at napasaradong agad ang bibig ko dahilan para mawala ang masayang ngiti ko bakas sa mga mukha ni Zyra ang pag-aalala "Coldy? Are you okay?" Pagtatanong nya habang hinihimas ang likod ko.

"Zyra, oo naman okay lang ako" pilit na ngiti ang iginanti ko sakanya naramdaman ko nalang ang pangingilid ng luha sa aking mga mata at doon nako niyakap ni Zyra. "Zyra Wala na kami ni Sam, He broke up with me last night" tuloy tuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko hanggang ngayon kasi ang sakit sakit padin ng nararamdaman ko.

"I'm sorry Coldy, hindi ko alam i'm sorry talaga pero wait e sino yung girl na kasama nya kanina? Anong dahilan ng break up nyo?" Nagtatakang reaksyon ang nakita ko sa Mga mata nya kaya pinunasan ko ang mga luha ko at pinilit na ngumiti.

"Zyra, Napagod sya sakin hindi na daw sya masaya sakin kesyo dun na daw ako sa kaibigan nyang nagkakagusto sakin" nararamdaman ko nanaman ang pagtulo ng mga luha ko habang pinipilit na pangitiin ang sarili "Wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin lang sya, nageffort ako palagi wag nya lang maramdamang may kulang ang sakit sakit pakiramdam ko niloloko nya ko" patuloy padin sa pag-agos ang mga luha mula sa aking mga mata

"Coldy, tumahan kana dyan! Hindi mo dapat iniiyakan ang ganung klaseng lalaki, napaka-manloloko nya hindi nya alam kung gaano kaportanteng tao ang hinayaan nyang mawala. Magsisisi sya!" Galit na pagkakasabi ni Zyra at agad na pinunasan ko naman ang luha sa mga mata ko at ngumiti nalang sakanya.

Pagkatapos ng mahaba-haba at walang katapusang drama sa isa"t isa agad na kaming dumiretso sa room namin naging maayos ako, hindi ko ipinakitang nasasaktan ako. Pinilit kong ngumiti, nagpanggap ako at maging ako din ata manloloko na niloloko ko ang sarili ko maging ang mga taong nasa paligid ko na tunay na masaya ako. Dirediretso ako sa paglalakad hanggang sa nakita ko si Sam, may kausap syang ibang babae kinikilig naman ang babae sakanya hanggang sa nagulat ako ng hawakan nya ang kamay nito at nagpatuloy sa paglalakad ng hindi ako nakikita. Pinangilidan nanaman ako ng luha at nakadama ng galit

"Coldy! Saan ka pupunta!" Pagpigil ni zyra habang patuloy sa pagsunod kay sam. Higit nya ang kamay ko dahilan para mapatigil kami sa paglalakad.

"Ang sakit Zyra, sobrang sakit! Nakakaramdam ako ng galit sakanya sobrang galit!" Hindi ko na alam kung ang dahilan ng pagluha ko ngayon ay galit o sakit basta ang alam ko lang gusto ko syang kausapin kung bakit nya ginawa sakin to, napaupo nalang ako wala nakong pakealam kung madumi ba ang inuupuan ko pero sobrang nanghihina ako sobra sobra. Lagot ka sakin sam.

To be continued.

IMBROGLIONEWhere stories live. Discover now