Chapter 1

12 0 0
                                    

6 years ago. Nagkaroon ako ng crush. Hindi ko siya nakita sa school. Nakita ko siya sa Apartment na tinutuluyan ng Tita ko. Kapitbahay nila yun kaya pag pumupunta ako lagi ko siyang nakikita. Kaya din lagi ako nandun para sumilay. Haha. Alam ng pinsan ko na crush ko yun. Lagi niya ako inaasar pag nasa kanila ako. Ang taba ko dati kaya nahihiya ako pag nakikita ko siya. Sakto lang yung tangkad niya dati. Moreno siya.

FLASHBACK

"Karl! punta ako sa inyo bukas ha." sabi ko habang naka ngiti.

"Sige. Kaya ka lang naman pupunta dahil kay NJ e." pang aasar niya

"Oi! Hindi kaya. Gagala lang naman sa inyo siya na agad?" pagtatanggi ko. Pero ang totoo gusto ko sumilay.

"Haha! tanggi pa. Ano foodtrip natin bukas?" tanong niya.

"Kahit ano. Hahaha." sabi ko

--------

Kinabukasan.

Kinuha ko ang Cellphone ko para itext ang pinsan ko.

to: Karl

Karl... punta na ako ha. :)

pagkasend ko nagpaalam na ako kay mommy na aalis na ako. Habang naglalakad ako iniisip ko kung makikita ko ba siya. 

Malapit na ako my gosh! pagdaan ko bukas yung pinto nila. Napatingin ako. Nakita ko siya.... nakatingin din kaya umiwas na ako ng tingin. nakakahiya kaya. haha. 

"Tao po" sarado kasi yung pinto

Pagpasok ko. "Karl! nakita ko siya! haha!! bukas kasi pinto nila. napatingin ako tapos nakatingin siya." sabi ko agad sa pinsan ko.

"Landi mo. napatingin o tumingin talaga? haha" pang aasar niya

"Oi hindi ako malandi no. napatingin lang! haha" sagot ko

"Tara na bili tayo pagkain." aya niya

"Sige." sagot ko habang nakangiti.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan?"

"Walaaa.." sagot ko. yes! dadaan nanaman kami. hahaha..

Pagkadaan namin lumabas siya ng bahay nila. Kinalabit ko pinsan ko.

"WOOH!! lumabas siya hahaha!" bulong ko.

"Tuwang tuwa ka naman. tawagin ko yan e" sabi niya

"wag! hahaha nakakahiya." sabi ko. tumawa lang siya

"NJ! Tawag ka." Tinawag niya. Sabay turo sakin ng pinsan ko.

"H-hala! h-hindi ah!" pagtatanggi ko. Tumawa lang ng nakakaloko yung pinsan ko. sobrang nakakahiya talaga. pero nung tumingin siya nakakakilig haha.

END OF FLASHBACK

Ganyan lang kami ng pinsan ko araw araw. Asaran. Yung asaran na imbis na mainis ako kinikilig pa ako. Hanggang sa Graduate na ako ng Grade 6 at yung pinsan ko naman ay lumipat na sa pinagawa nilang bahay. Nalungkot naman ako dahil di ko na madalas makikita si NJ. Minsan nalang. Kasi malapit lang naman bahay nila samin. Oo NJ ang name niya. 

Ultimate CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon