Black Dress (Episode03)

23 1 0
                                    

Karen's POV

Isang taon nang wala si Nice pero sariwa parin samin ni mommy ang pag susuicide nya. Kung gaano kahirap para samin ni mommy na kalimutan ang pangyayaring yon ay ganun lang din kadaling nawala at naibasura ng korte ang kaso namin dahil wala daw matibay na ebidensya ang ipinaparatang namin.

Madali lang din nawala at hindi na kumalat pa sa labas ang insidente na nangyari sa School dahil hapon nangyari ito at iilang mga College students lang ang naiwan sa Campus noon.

Habang lugmok kami at nagdudusa ay malaya at nakakapag aral parin ang hayop na dahilan ng pagkamatay ng kapatid ko.

"Jea anak. Paano natin mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa kapatid mo? Masyadong makapangyarihan ang mga Dominguez" Nakatulala lang si mommy sa sulat na pinadala ng korte. Nakasulat doon na walang basehan at purong kasinungalingan lang ang ebidensyang binigay namin.

"Paano anak? Sabihin mo sakin PAANO?!" pasigaw na usal ni mommy sabay tabig sa lahat ng gamit na nasa lamesa. Nagkalat ang mga bubog ng baso at pinggan sa lapag habang si mommy ay nanghihinang napaupo sa sahig habang humahagulhol sa iyak.

"Mom you need to rest. Wag mo munang isipin yan. Ang importante magpagaling ka muna at---" hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin ng putulin ito ni mommy.

"Wag isipin? Paano ko hindi iisipin ang kapatid mo Jea? PAANO?! " mom histerically screaming sabay kuha sa isang bubog at akmang hihiwain ang kanyang pulso kaya naman agad ko itong inagaw.

"Mom please don't be like this.. Hindi lang naman si Nice ang anak mo. Nandito pa ako. And i promise to you and Nice na ipaghihiganti ko sya sa Dominguez na yun." pagkatapos kong sabihin iyon ay diko narin napigilan ang mga luhang naguunahang pumatak sa mga mata ko kaya naman niyakap ako ni mommy at hinaplos ang likod ko, hindi ko din ininda ang sakit sa aking kamay dahil sa bubog na inagaw ko kay mommy, ang iniisip ko ngayon ay ang hakbang na gagawin ko upang mapabagsak ang mga Dominguez. Maya maya pa ay kumalma narin si mommy, sinamahan ko sya sa kwarto para makapag pahinga ito, ilang minuto palang sya nakahiga ay nakatulog na ito.




Fourth's POV





"You must be happy huh? you're one lucky bastard" aniya ni Robert, aking ama. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nya, napadaan lang naman ako dahil kukuha ako ng tubig.

"Hindi ka manlang ba magpapasalamat dahil naayos ko ang gulong pinasok mo?" dagdag pa nito habang winawagayway ang isang sulat ngunit hindi ko parin ito pinansin, sa halip ay kumuha lng din ako ng makakain.

"You shameless kid!" *pak* sa sobrang lakas ng sampal ni Robert ay nagecho pa ang tunog nito sa kusina.

"Dapat siguro ay hinayaan nalang kitang makulong ng magtanda kang bata ka!" gigil na gigil na sabi nito at akmang sasampalin ulit ako

"Tss why would i be thankful? Wala naman akong kasalanan" usal ko na nagpatigil sa ikalawang sampal nya. He just laugh sarcastically.

"Wala kang kasalanan?! Then tell me bakit ikaw ang tinutukoy ng babae sa diary nya? She wont commit suicide if she's only imagining things." ani nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Euphoria (Alvior Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon