Chapter 1: Bakit

17 1 4
                                    

Bakit sa lahat ng tao na nandito sa mundo, bakit sa kanya pa ako nahulog? Siya na nasa panaginip ko habang natutulog, siya na laging nasa aking isipan, ang kasama ko kapag nag tatawanan at nag bibiruan. Bakit sa kaibigan ko pa, sa lahat ng tao bakit siya? Nung una ko siyang nakilala, naalala ko yung ngiti na hindi ko matanggal sa aking mukha.

Naaalala ko pa nung kami pa'y nag uusap tungkol sa mga bagay na wala mang kwenta para lang may masabi sa isa't isa, ewan ko ba. Sa totoo lang marami pang lalake diyan na mas gwapo, mas matalino pero siya ang napili ko.

Maraming nagsasabi na para akong bulag sa pag ibig kung ano anong hugot ang lumalabas sa aking bibig. Marami akong gustong sabihin na hindi ko kayang aminin. Una, oo gusto kita, oo dati pa. Akala ko hanggang doon lang, akala ko aabot lang ng ilang buwan tapos wala na, balik na sa dati. Akala ko kuntento na ko na magkaibigan lang tayo. Pero hindi, dahil may nag iba tila sa pagtingin mo lang ako'y kakabahan, napapangiti kapag iyong ngingitian, tuwing kausap ka bigla nalang mauutal, gusto lang ba kita o mahal?

Pangalawa, bulag ka ba? Nasa tabi mo lang ako humahanap ka pa ng iba, ano ba. Pansinin mo naman ako kahit isang tingin lang, naalala mo pa ba ang aking pangalan? Memorado ko nga ang pangalan mo, kabisado pati ang kilos mo. Yung lagi mong pag ayos sa iyong salamin, yung laging pagpapatawa sa kin. Pangatlo, bakit siya? Bakit hindi nalang ako? Ano bang meron siya na wala ako?Sabihin mo yung totoo! Wag mo na kong paasahin, dahil masakit.

Ang hirap kimkimin ang pait at sakit. Ang hirap ngumiti at tumawa kahit gusto ko lumuha pero may pakialam ka ba kapag nakita mo kong nasasaktan? Dahil kahit ituring mo lang akong kaibigan, kuntento na ko. Tignan mo ko sa mata, sabihin mo na hindi mo ko gusto, dahil nakakalito.

Ayoko na, gusto ko nang sumuko. Gusto ko nang bumitiw dahil ako'y nababaliw. Pagod na kong magmahal ng taong ayaw magpamahal, habulin ang taong ayaw mag pahabol. Wag mo kong gawing tanga, nakakapagod na.

Nagtagal inamin ko sa aking kaibigan, sinabi ko na meron akong lalakeng nagustuhan. Ibinanggit ang iyong pangalan, tinago ko sa iba pero minsan obvious na, na crush kita. Hindi nagtagal nalaman mo na pero imbis na iwasan mo ko, naging kaclose pa kita.

Pero bakit?! Siya pala yung gusto mo bakit mo pa ko dinamay sa gulo. Naalala ko nung umaasa ako na baka naman magkakagusto ka sa kin kaya hindi pa ko nag move on. Maraming pagkakataon ang binigay sa kin upang makausap o pansinin man lang kita pero tinapon ko lang sa basura.

Tatlong taon, tatlong taon na sinubukan ibaon ang aking nararamdaman. Sa haba ng panahon umasa ako sa taong hindi naman ako minahal, hindi ko alam na gano'n na katagal. Marami pa kong gustong itanong gaya ng kahit isang saglit nagkagusto ka ba sa kin? Bakit, bakit siya? Bakit hindi nalang ako? Bakit patuloy mo pa kong pinansin, naawa ka lang ba sa kin? Sagutin mo naman ako.

Saglit lang sa isip ko lang pala to, hindi ko masasabi ng nakaharap sa'yo kaya isinulat ko nalang. Kasi kahit naging tayong magkaibigan parang hindi mo naman ako kilala, parang hindi mo man ako naaalala. Saglit wala naman palang tayo, meron lang ikaw at ako pero walang tayo.

Masakit, pero kakayanin ko, mahirap pero titiisin ko, nakakaiyak pero pipigilan ko. Ngingiti nalang, ipapakita ko nalang na ok ako para wala nang magtanong. Gusto kong malaman mo na kumapit ako para sa yo, hindi ako nag move on kasi naisip ko na pa no kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, sabi ko kakapit ako kasi malay mo dumating ang panahon na ikaw ang magkagusto, para hindi ka masaktan kapag sinabi kong gusto kita pero noon yon.

Nung una nag away ang puso't isip ko, pilit na kumakapit ni puso, pero si utak gusto nang bumitaw, yung isa gusto, yung isa ayaw. Sino ba ang uunahin, ang sarili ba o ikaw? Pero salamat sa lahat, hindi lang sa mga ngiti at tawa, pati na rin sa sakit at awa.

Sana maging kuntento ka sa kung anong nandiyan na hindi yung pilit kang humahanap ng iba. Sana kahit hindi naging tayo, magiging kayo. Minahal kita kahit nasaktan ako, minahal kita kahit gusto ko na sumuko, minahal kita higit pa sa sarili ko.

BakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon