Chapter 2 : Kapag Nagmahal Ka

4 0 0
                                    

Kapag nagmahal ka dapat sigurado na siya ang laman ng iyong puso. Asahan mong minsan komplikado, wala namang relasyon na perpekto. Wag kang maging makasarili. Alalahanin mo na siya ang iyong pinili. Kapag nagmahal ka matuto ka magsakripisyo, magmahal ka ng walang presyo.

Mahalin mo siya ng walang kapalit, higpitan mo ang pagkakapit. Wag kang bumitaw, pero kung siya ang umayaw, maging masaya ka nalang para sa kanya. Kung hindi ikaw ang napili niya, wag kang magalit, wag mo nang ipilit.  Dahil kung para kayo sa isa't isa gagawa ng paraan ang tadhana.

Kapag nagmahal ka ng isang tao asahang mong hindi ito planado. Matapos ang ilang taon, sa tinagal ng panahon hindi ka pa rin nakakapag move on. Nakita mo siya sa lugar na una kayo nagkakilala. Walang nag iba, yung ngiti niya habang nagsusulat sa paborito niyang kwaderno.

Linapitan mo siya at nagtagpo ang inyong mga mata. Masaya ka ngunit iyong naalala yung sakit na dinulot niya. Yung araw na umalis siya patungong ibang bansa. Wala man lang paalam, nalaman mo nalang na wala na siya. Nagantay ka lang sa wala. Umasa ka sa isang bagay na hindi naman pala mapapasaiyo.

Niyakap ka niya sabay sa salitang "Patawad." Biglang pagpatak ng luha sa iyong mata, hindi mo na kinaya at sinabi mo na ang mga salitang "Mahal kita, dati pa." Nagulat ka nalang sa mga salitang lumabas sa bibig niya "Mahal rin kita."

Lumipas ang ilang buwan sinagot ka na niya, sa wakas kayo niya. Matapos ang limang taon kayo pa, oo minsan may problema pero kinakaya. Maraming mga pagsubok ang inyong pinagdaanan pero nagagawan niyo naman ng paraan.
Basta't kasama mo siya kumpleto na ang iyong araw. Bawat araw na kasama mo siya palalim ng palalim ang pagkahulog mo sa kanya.

Eto na ang araw na matagal mo nang inantay, ang araw na hahawakan mo ang kanyang kamay, at isusuot ang sising na magsisimbolo ng inyong walang katapusang pagmamahalan. Ang araw na hahalikan mo siya at iyong matatawag na asawa.

Lumipas ang ilang buwan may kailangan daw kayong pag usapan. Niyakap ka niya at abot tenga ang ngiti nang kanyang sabihin "Mahal, magkakaanak na tayo." Hindi mo man matago ang saya nararamdaman mo. Makatapos ang siyam na buwan, buhat buhat mo na ang inyong anak.

Lumaki siyang matino, at napunta rin sa puwesto mo, nagmahal. "Mahal na mahal kita." Iyong sinabi bago ang iyong huling paghinga. Kapag nagmahal ka, kung kayo ay para sa isa't isa gagawa ng paraan ang Diyos para ituloy ang inyong sinimulan. Hindi man madali ang inyong mga pinagdaanan, sa huli panalo parin ang inyong walang hanggang pagmamahalan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon