[Dedicated to destinyandchances]
"Nikka, 'nak gising ka na."
"Five minutes pa, mi." Inaantok pa kasi ako eh. Alas quatro na ata ako nakatulog kanina eh.
"Hindi pwede 'nak. Male-late na tayo sa pupuntahan natin. Sige na, bangon ka na." Haaayy! Sige na nga. Wala din akong magagawa kundi ang bumangon nalang. Tutal ay ala sais na at maya-maya ay papasok narin ako sa university. Taob ako sa nanay ko eh. Masunuring anak kaya ako.
Ako nga pala si Nichole Selenica G. Perez. Nikka for short. I'm 20 years old. Only child. Hindi mayaman, hindi rin mahirap. Sakto lang ang pamumuhay namin ng mommy ko. Matagal na palang patay ang daddy ko. Sabi kasi ni mommy namatay daw siya nung bata pa lamang ako. Pero kahit ganoon ay masaya naman ako sa buhay na meron ako.
Pupunta nga pala kami sa sementeryo kung saan nilibing ang daddy ko. May mass kasi doon kaya dapat ay maaga kami ngayon. It's his eigth death anniversary today.
Natapos na ang misa at nagsisi-alisan narin ang mga tao dito. Habang kami naman ni mommy ay pumunta sa puntod ng daddy ko. Hinayaan ko na munang kausapin ni mommy si daddy. Wala lang, gusto ko lang silang pag-usapin na dalawa. Alam ko naman kasi na miss na miss na ni mommy si daddy kahit di sabihin saakin ng nanay ko ay siyempre alam ko yun.
Nang sa tingin ko ay tapos nang kausapin ni mommy si daddy ay lumapit na ako sakanila. "Maiiwan ka pa ba dito Nikka?" Tumango ako kay mommy. Umalis na siya at sinabing mamaya nalang daw kami magkitang dalawa sa bahay.
"Today's your eight death anniversary, dad. I know kahit hindi tayo masyadong nagkasama ay palagi mo kaming binabantayan. I miss you. Isa lang naman ang hinihiling ko sainyo daddy. Na sana ay bantayan mo kaming dalawa ni mommy. Pati narin si Kristofer, dad. Paki bugbog nalang po siya kapag nakita niyo siyang may kasamang iba. Haha" Tumawa ako ng kaunti as a tear roll down to my cheek.
Hindi nagtagal ay umalis narin ako dahil naalala ko na may classes pala ako ngayong sabado. At 15 minutes nalang ay male-late na ako sa klase kaya naman ay sumakay na agad ako ng kotse. Regalo 'to saakin ng mommy ko nung debut ko. Ah siguro nag commute si mommy pauwi. Kaya naman ay minadali ko na ang pagdra-drive ng kotse.
Bago pa man ako makababa ng kotse ko ay nakita ko na agad siya. Ang lalaking mahal ko, ang buhay ko, si Kristofer Marion Guevarra. Nakangiti siyang nag-aabang saakin habang nakasandal sa kanyang kotse. Kahit na dark tinted itong kotse ko ay makikita mo talaga ang kinis, kaputian, at kagwapuhan ng lalaking to. Grabe lang, hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na siya ang boyfriend ko. Sa dinami-dami ba naman ng naghahabol diyan ay ako pa ang pinili niya. I'M SO LUCKY TALAGA. Haha!
Si Kristofer yung tipong tahimik pero sweet at sobrang mapagmahal. Hindi siya basta basta nagdedesisyon. Isa siyang napakabait na tao. Una ko siyang nakita sa bahay ampunan, nagbibigay siya ng mga laruan sa mga bata. I stared at him. I noticed his smile, a genuine one nung nakita niya ang mga reaksyon ng bata sa bago nilang laruan. After that, I idolized him. Meron pa palang ganito sa mundo? Well, he has this good heart. Really good one. And what I like, no, what I love about him? He always makes his girl happy.
"Good morning, My Queen. :)" Sabi niya at hinalikan ako sa noo. Shete naman oh! Simpleng good morning niya lang saakin ay kinikilig na agad ako. Ano ba yan, ang lakas talaga ng impact niya saakin. Haaayyy Kristofer, hulog na hulog talaga ako sayo. Laking pasasalamat ko nalang at sinalo mo talaga ako. Hihi! :"> Napangiti ako sa simpleng gesture niyang yun. Ang sweet talaga neto kahit kailan.
One year and eight months na pala kaming netong si Kris. Ang swerte ko lang talaga at binigyan ako ng Diyos ng isang nilalang na magmamahal saakin ng lubos. I'm really blessed. Pasalamat narin ako dahil kailanman ay walang third party ang sumali sa relasyon naming dalawa. "Good morning din baby." Wala lang, trip ko lang siyang tawaging baby ngayon. Hihi! Eh sa wala kaming endearment na dalawa eh. Mas gusto na din namin yun. Ang kulit nga niya eh, against daw siya sa mga endearment na mga 'yon kasi daw di na kailangan ng ganung tawagan para lang maipakita niya yung pagmamahal niya saakin.
BINABASA MO ANG
Our Forever to Heaven [One Shot Story]
Teen FictionThey're a believer of forever. What would happen if one will be slipped away? Can they continue their story up to heaven?