Start."Mahal kita!" Humugot ako ng lakas para sabihin iyon.
Nakatayo ako sa harapan ng pinakagusto kong tao para makasama habang buhay.
"Ha? Mahal din kita Steph" tugon niya sa akin. "Ikaw talaga, Alam mo namng best friend kita eh" sabi niya na para bang wala lang.
Tanggap ko Bestfriend lang ako!.
"Bakit ka ba nag Mahal kita? Steph?" Sabi niya.
Pinilit kong ngumiti ngayon sa harapan niya ayokong ipakita na ang lungkot ko.
"Ah, wala para pag namatay ako nakapagpaalam na ako!" Baliwalang sagot.
Bigla siyang tumayo.
"Anong mamatay?, Steph?" Sigaw niya sa akin.
"Joke lang , Darren, Lab kaya kita " sabi ko sabay pout sa kanya.
Napabuntong hininga siya at umupo ulit sa bench na kinauupuan namin.
Tumingin ako sa mga Mata niya " Nga pala Steph, Ipapakilala kita sa Girlfriend ko" nawala ako sa katinuan ng pagkarinig kong girlfriend.
"Nagbibinata ka na , Darren! " pilit kong ngumingiti para itago ung sakit n nararamdaman ko.
Ngumiti lang siya sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Tayo na! " sabi niya.
"Ha?! Ta-yo na?" Muling tanong ko.
"Sabi ko tumayo ka na!" Sabay hila ako patayo.
Nauna siyang maglakad sa kin. Hindi ko tuloy lubusang hindi isipin.
Girlfriend? Sana ako na lang! .
Gusto kong sabihin sa kanya pero anong magagawa ko best friend lang ako at Hindi Girlfriend!...
"Oi, Steph , Tulala pamore" sabi niya at lumapit para hilain ako ng biglang may tumawag sa kanya.
"Steph wait lang"
Ngumiti ako senyales na pagpayag ko.
Bumalik siya na puno ng ngiti sa mga labi niya.
Alam ko na kung sino tumawag, Ung Girlfriend niya , Siguro.
"Sino tumawag?" Hindi ko maiwasang maitanong.
"Ah wala , Tara na , hatid na kita." Tugon niya.
Sumakay kami sa kotse niya. Agad kong binuksan ung radio para makinig.
NS. Pumapagibig.
BINABASA MO ANG
Stay by my Side.(Short Story)
NouvellesI LOVE YOU. SARANGHAE. JE'TAIME. WO AI NI. Watashi wa anata o aishite. Kahit iba-ibahin mo pa ng Language ang I Love You mas tagos parin sa akin ang. .... MAHAL KITA!.