The Grade-9 Charity

30 2 0
                                    

Umaga. 7 o'clock na. Kakatapos lang ng flag ceremony sa Vessel. Bumalik na rin ang Grade 9 sa room nila.

Pag pasok nila, kanya kanya silang punta sa mga upuan nila at pagkatapos ay  kanya kanyang kumpulan ng magkakaibigan.

"Ashley penge ngang pulbo"-JL

Si JL, mabait minsan pero masarap batukan madalas. Makulit kasi sya at mapang asar pero talo lagi sa grupo ni MJ.

"Ayoko nga"-Ashley

Si Ashey, lalaki sya. isa sa bestfriend ni MJ.

"Damot naman nito"-JL

"di ka naman na puputi kasi"-Ashley

"hahahaha!" tawa ni Alliza

Si Alliza, ang top 1 ng klase. Chubby, maputi at singkit. mahilig sumayaw.

"tawa naman to agad?"-Armando

Si Armando, inaasar na bakla. Pero kaloveteam ni Aprill.

Biglang pumasok si Aprill at Irish. kasabay nila MJ at VJ. Mga late.

"GOOD MORNING!"-Irish. with bright smile

Si Irish, ang pinakamadaldal na babae sa grade 9.

Si Aprill naman ang silent type. minsan madaldal pero di halata dahil mahina ang boses.

"Anyeong haseyo!"-Earl

Si Earl, ang Kris Aquino sa room. magkabuhok kasi sila. Pero matalino sa math. KPopper sya, pati si Alliza at Irish.

"Ewan sayo"-Albert. habang ginagaya ang pagkakasabi ni Earl ng 'anyeong  haseyo'

Si Albert, ang outcast sa room. Tinakwil ng grupo nila MJ dahil nagkaaway sila. Pero kaibigan nya si Armando at Christian.

"Oh? 7:05 na!"-Sophia

Si Sophia, ang baliw sa group nila Alliza. parang may sayad. minsan parang lutang.

"oh ano naman?"-MJ

Si MJ, ang bully ng room pero sya ang tagapagpatawa sa room nila

"ooh! Epal kasi!"-VJ

si VJ, kambal ni MJ. sila ang may ari ng school

Pumasok na si Teacher Pia, TLE kasi ang first subject.

"Good Morning" bati ni tchr. Pia sa grade 9

"Good Morning tchr. Pia" bati nila Earl, Klarish, Sophia, Aprill, Irish at Alliza.

yung mga girls lang sa room ang nag'greet kay tchr. Pia, yung mga boys kasi pasaway

Si Klarish, isa pang outcast dahil medyo may pagka'special child.

"Marrion wag ka ngang maingay!"-Tchr. Pia

"hahaha! Hyper na naman si Jom!"-Zaldy

Si Marrion a.k.a. Jom, ang hyper. parang tanga minsan. kung anu anong naiisip gawin

Si Zaldy, ang itim na pusa ng grade 9. actually, si MJ lang ang nagsabi nun dahil maiitim sya.

"ayan na naman si Tchr Pia!"-sabi ni MJ na kunyare naiinis with matching nanlalaking mata pa. binubwiset nya si Tchr. Pia

"HAHAHAHA!"-James

Si James, inaasar ding bakla, pero di sya bakla. ang dakilang tagatawa ni MJ.

"pilit yung tawa ni James" bulong ni Irish kay Sophia

"oo nga. parang tanga yan si James eh" sabi ni Sophia

"James para ka daw tanga sabi ni Sophia"-Christian

Si Christian, pinakamaliit sa grade 9. ang utusan nila, pero mabait.

"Oy si Tchr. Venus!" sabi ni James kila MJ, Ashley, Jom, JL at Zaldy

Dahil gumagamit sila ng cellphone.

Nagsiayos naman sila dahil baka maconfiscate and mga cellphone nila.

At nagtuloy na ang araw na yun ng puno ng kalokohan nila.

Author's Note: tinapos ko na ang chapter 1 dahil pinakilala ko lang ang mga characters. hindi totoo tong scene na to pero di malayong mangyari to sa room ng grade 9 xD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Grade 9 Charity (2014-2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon