Chapter 1

15 2 0
                                    

Warning: May mga pagbabago po akong ginawa hehehe. Kung may nagbabasa man po nito. Remove niyo po muna sa library niyo then add niyo po ulit. Salamat ng marami!

------->>>>>>>--------->>>>>>>>>>> <<<<<<<<<<<<<---------<<<<<<<----------

Sa ilalim ng katamtamang sikat ng araw ay puwang masayang nagkukuwentuhan ang tatlong madre sa gilid ng daan, bitbit ang mga pinamili sa palengke ng San Augustin, para sa gaganapin na hapunan ng mga bata sa Mary's Child Orphanage.

Mary's Child Orpanage ay isa sa mga lumang ampunan na maaaring matagpuan sa nasabing lugar, kilala ito dahil kilalang tao noon ang siyang nagpatayo ng ampunan.

Masayang nagkukuwentuhan ang tatlong madre ng may marinig ang isa sa kanila na mahinang hikbi na pawang galing sa ungot ng isang sanggol. Napatigil ito sa paglalakad na siyang dahilan rin nang pansamantalang pagtigil rin sa paglalakad ng kasamahang madre.

Mga ilang dipa lamang ang layo ng basaruhan sa mga madre, hanggang sa sabay sabay nilang narinig ang muling pagiyak ng isang sanggol. Gulat ang mabilis na rumehistro sa kanilang mga mukha.

Mabilis na pinuntahan ng madre ang basurahan. At sumilay rito ang isang sanggol na nakalagay sa katamtaman na kahon. Mas lumakas ang iyak ng sanggol nang makalapit ang madre rito. Kaya mabilis na kinuha ng madre ang sanggol at sinubukang ihele sa mga bisig nito.

"Shhh. Tahan na. Lalalala~" kanta nito upang maibsan ang pagiyak ng sanggol.

"Sister Elisabeth. Patawarin nawa ang taong nagiwan sa sanggol na ito rito." naawang sabi ng isang madre kay Sister Elizabeth. Bago nito ilagay ang hintuturong daliri na may laway sa bandang paanan ng sanggol.

"Kawawa naman ang batang iyan, Sister. Baka gutom na gutom na ang sanggol kaya malakas itong umiiyak ngayon." nagaalalang sabi naman ng isa pang madre, ang pinakabata sa kanilang lahat.

Buhat buhat pa rin ni Sister Elisabeth ang sanggol- na hanggang ngayon ay malakas pa rin na umiiyak- nang bigla silang may narinig na malakas na busina.

Napatingin sila sa isang magarang sasakyan, Sports car kung tawagin. Kulay abo ito at kumikinang pa sa ilalim ng init ng araw.

"Si Ma'am Rachelle yata ang dumating, Sister Elizabeth." sabi ng isa pang madre sinusubukan na patahanin ang umiiyak na sanggol.

Napatingin silang lahat dahil sa pagbukas ng isang higanteng tarangkahan. Kulay kayumanggi ito na ginamitan ng mga matitibay na kahoy at bakal.

Hinintay nilang muling umandar ang sasakyan bago maglakad diretso at bitbitin ang iniwan na sanggol.

Ngunit ilang segundo na rin ang nakakalipas hindi pa rin umaandar ang abong sasakyan, tila nagdadalawang isip kung ipapasok ba ang sasakyan o hindi.

Patuloy pa rin sa pagiyak ang bata halos mawalan na ito ng hininga dahil sa sobrang iyak.

Tarantang taranta naman ang mga madre at patuloy na sinusubukang ihele ang sanggol.

Hindi nila napansin ang pagbaba ng isang babae sa loob ng sasakyan, dali dali nitong pinuntahan ang mga madre at ang sanggol sa kinalalagyan, habang ang kotse ay naiwang nakatiwangwang sa labas ng tarangkahan.

"Sister Elizabeth. Ano pong nangyayari?" takang tanong ng babae.

Tila nagulat naman ang mga madre dahil sa biglaang pagsulpot ng babae.

Pilit na pinatahan ni Sister Elizabeth ang sanggol ngunit hindi pa rin ito tumigil sa pagiyak.

"May nagiwan po ng sanggol sa may basurahan ninyo, Miss Rachelle. At hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pagiyak ang bata. Kahabagan nawa ang sanggol na ito at tumigil na sa pagiyak." nagaalang sabi nito habang nakapokus ang atensyon sa sanggol.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Black Garden: Full Of White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon