H.E.R

66 4 3
                                    

Alistair Clint POV
Ring~ring~
Ting~Ting~
Ting~Ting~

Naalimpungatan ako sa tawag at notification ng cellphone ko.

1 missed call from Babe ♥️
2 message received from Babe ♥️

Dahil wala na akong pantawag ay binuksan ko ang text message niya

"Babe"
8:03 AM

"Babe let's talk, meet me at ***** park, 8:30 AM"
8:04 AM

Agad akong bumangon at ginawa ang mga dapat gawin sa umaga atsaka mabilis na naligo.

Makalipas ang ilang minutong pagbiyahe ay narating ko din ang park. Agad siyang hinanahap ng aking mga mata, at siya'y nakita kong nakaupo sa swing at nakatingin taliwas sa gawi ko. Hindi na ako nag aksaya pa nang oras at siya'y aking nilapitan pero 'di pa ko tuluyang nakakalapit sa kaniya'y nakita ko na ang pagtaas at pagbaba ng kaniyang mga balikat at mga luhang umaagos mula sa kaniyang mga mata.

Hindi niya naramdaman ang presensya ko, marahil ay may malalim na iniisip. Kaya naman tinawag ko siya "Haidlaine babe" nagulat siyang tumingin sakin at maya maya pa'y nagsimula na siyang umiyak ulit.

"B-Babe..." aniya. Kung kanina ay umiiyak lang siya,ngayon ay naging hagulgol na ito.

Nag-aalala akong makitang umiiyak siya ng hindi nalalaman ang dahilan. Agad ko siyang nilapitan at lumuhod sa harap niya habang siya nama'y nasa swing, medyo huminahon na siya pero umiiyak parin.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. "Bakit, babe? May problema ba? Bakit ka umiiyak? May ginawa ba ako?" nag-aalalang tanong ko.

Umiling-iling lang siya habang pinipigilang mapahagulgol ulit, "H-Hindi pa ako h-handa, babe."

Naguguluhan akong napatitig sa kaniya. Hindi ko makuha ang kaniyang ipinupunto. Kaya nagsalita ulit ako at tinanong siya. "A-Anong ibig mong sabihin babe?"

Hindi niya muna ako sinagot. Napayuko siya, nakapikit na pinunasan ang pisngi at suminghap ng hangin, na para bang nagagawa nitong palakasin ang loob upang masabi ang nais sabihin "B-Buntis ako babe."

"A-Ano?" Di makapaniwalang tanong ko. Parang nabingi ako sa sinabi niya. Buntis siya? Halo halong emosyon ang naramdaman ko ng sandaling iyon. Nagulat, natakot at nabahala. Hindi ako natatakot sa responsibilidad pero, kingina?! Paano na 'to? Nag-aaral pa kami. At masyado pa kaming bata para sa ganitong klaseng sitwasyon !! For Pete's sake!!!

"H-hindi ko alam babe...." naguguluhan niyang sabi at muling yumuko hawak ang kanyang ulo. Nang bigla siyang magsalita "Ang pagduwal ko, ang pagiging pihikan sa pagkain, ang mga wild cravings ko, ang pagiging maselan sa mga naaamoy na bagay.....ipinagwalang bahala ko ang bagay na iyon , a-akala ko dahil wala lang akong gana at masamang ang pakiramdam ko." nagsimula na naman siyang umiyak.

Nagugululuhan man at natatakot ay kinakailangan namin harapin ang katotohanang ito, na sanhi ng aming nagawang kamalian.

"Babe, kailangan itong malaman ng parents natin. 'Di natin pwedeng ipagsawalang bahala ang bagay na ito."

"Pero n-natatakot ako babe. Lalo na sa Daddy ko."

Hinawakan ko ang kamay niya at pinalakas ang kaniyang loob "Babe, nandito ako, sabay natin silang haharapin okay?" hindi siya nagsalita bagkus ay niyakap ako.

Makalipas ang tatlong araw ay napagdesisyonan naming harapin ang kaniyang mga magulang.

Lumapit kami sa salas kung saan sila naroroon "Mom, dad si Cli-" Hindi pa man natatapos si Hera sa sasabihin sa kaniyang ama ay agad na akong sinugod nito.

H.E.R [ O N E  S H O T ]Where stories live. Discover now