Chapter 16 - Awkward

83 5 0
                                    

Jes Revan's POV

Hey, everyone!

Ang hirap talaga minsan kapag math na ang subject. Lalo na kapag problem solving na. Hindi lang kasi basta-basta kaya mahirap talaga. Pero dahil naiintindihan ko naman, hindi na ako masyadong nahihirapan. Sa totoo lang, dalawang item na lang ang sasagutan ko. Meron pa kaming 30 minutes para matapos ang quiz. At kapag hindi namin natapos, minus 2 pa. Tsk! Ang higpit talaga minsan dito.

“Jes, anong sagot mo sa number 4?” bulong ni kuya David sakin.

Nasa likod ko lang kasi ang upuan niya. Nakapagsitting arrangement na rin kasi kami. Eh gusto kong malapit kay kuya kaya lumipat muna ako dito kahit hindi siya katabi.

“Here.” abot ko sa kaniya nung papel ko. Bilisan mo ha.” sabi ko pa at lumingon ako sa katabi ko.

Katabi ko nga pala si Zaine. Sa totoo lang, wala namang nakaupo dun sa tabi ni kuya David pero hindi ko alam kung bakit dito sa tabi niya ako umupo. Nararamdaman ko na mas komportable ako sa tabi niya. Dahil kapag kay kuya David, hindi ako titigilan niyan hangga't hindi nakakakopya ng mga sagot ko. Haha!

“Tsk!” si Zaine.

Mukhang nahihirapan siya sa pagsagot. Pasimple kong tinignan kung anong number na siya at number 2 pa lang. Meron na lang kaming bente minutos para matapos. Napapailing siya sa tuwing hindi makuha ang sagot.

Takte! Bakit kasi hindi ako nakinig kahapon!” dinig ko pang sabi niya kaya natawa naman ako ng mahina.

Tsk. Kaya naman pala nahihirapan dahil hindi nakinig. Kaliwa din pala ang pansulat niya. Parehas kami. Hahaha! Lumapit ako sa kaniya ng mas malapit pa kaya gulat naman siyang napalingon sakin.

*Tug* *Tug* *Tug*

Napalunok akong tinignan siya. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Ang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ito ang unang beses na naramdaman ko ito.

‘Damn it!’

Pinilit kong itago ang kaba ko sa pamamagitan ng pagngisi sa kaniya. Yun ang ayaw na ayaw ko. Ang makita ng tao na kinakabahan ako. Tsk!

“B-bakit?” utal na tanong niya.

Medyo lumayo ako sa kaniya ng konti at hinawakan ang kamay niyang may ballpen. Hindi lang simpleng paghawak yun kasi hinigpitan ko. Tsk! Hindi ko inalis ang paningin ko sa kaniya. Kahit pa, ang bilis talaga ng tibok ng puso ko.

Ehem!” tikhim ko. “Tulungan na kitang magsagot. Mukhang nahihirapan ka eh.” seryosong sabi ko sa kaniya.

Kinuha ko ang ballpen niya at tinuruan siya. Natutuwa naman ako dahil mabilis naman pala siyang matuto. Hehehe!

Natapos ang oras at tapos din siyang nakapagpasa ng papel. Napakamasayahin niya. Nakangiti siyang tumingin sakin at tinapik ang balikat ko.

“Thank you, bi!” sabi niya.

‘Bi---what?!’

Nagulat ako sa isip ko pero hindi ko yun pinakita sa kaniya bagkus ay nagtaka ako ng parang siya pa ang nagulat sa pagtawag sakin nun. Hindi ko na lang pinansin yun at nginitian siya. Hindi ako makapagsalita. Feeling ko kapag nagsalita ako ay mauutal ako.

‘Bi, ha? Hahaha! Ang cute.’

Naupo na ulit siya sa tabi ko. Tama ba ang nakikita ko? Namumula siya. Bakit naman siya namumula? Dahil ba sa pagtawag niya sakin ng 'bi'?

Book 1: Love Or HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon