SIMULA

49 3 0
                                    

Simula

I don't know if I'm just tipsy or what. Kanina pa ako rito sa bar and nakakailang inom na rin ako ng shot sa in-order kong whiskey. Wearing just a simple fitted black dress na pinatungan ko lang ng croptop jacket with black sandals and white sling bag.

Hindi ako dapat maglasing!

The loud music filled my ears. Nahihilo na rin talaga ko sa iba't ibang ilaw dito sa loob. Isama mo pa ang mga nage-enjoy at naglilisawang mga tao sa dance floor.

"Hey."

Lumingon ako sa nagsalita. Hindi ko pa sya nakilala noong una. But when I clearly see her face, inirapan ko na.

"Kanina pa ako rito," I said with irritation.

"I'm sorry. Sumabak pa kasi ako sa traffic. Galing akong work, you know," yeah, right!

Umupo sya sa tabi ko at binaba ang bag wearing her black skirt paired with light pink croptop off shoulder. "Whatever, Danny."

Tumawa sya. "Ang init masyado ng ulo mo, Alunsina!" Anito sabay kuha ng shot na nasa lamesa at diretsong lagok. "Anyway, let's just enjoy! I'm sure kanina ka pa nakaupo rito," sabi niya sabay hila sa 'kin sa dance floor.

Yeah, right. I should enjoy. Or most probably forget. But for Pete's sake! I have responsibility at home!

Pumayag lang ako rito kay Danny na pumunta ng bar dahil may boyfriend na raw siya at gusto niyang ikwento sa akin.

Pwede namang siyang pumunta sa condo ko o 'di kaya'y ikwento sa 'kin 'pag nagkita kami bukas sa opisina. Gusto pa talagang dito sa bar.

I enjoyed dancing with Danny, though. Hindi naman talaga ako magpapakalasing, medyo tipsy lang dahil sa likot ng ilaw dito.

Sobrang wild nitong magsayaw. Partida at hindi pa 'to lasing. What more kung lasing na talaga.

Nagpatuloy ako sa pagsayaw not minding whoever it is I am dancing with. Nawala na rin sa paningin ko ang kaibigan ko na dapat kasama ko sa pagsayaw. I don't mind anyway. Sanay na ako do'n na biglang nawawala sa paningin ko when we are in the bar.

Kung kani-kanino na ako nabubunggo dahil sa sobrang wild ng mga nagsasayaw dito sa dancefloor. I continued. Hindi na iniinda kung sino ang mabubunggo or what so ever. I'm enjoying, right?

Umiikot na naman ang paningin ko. Pero kaya ko pa namang umuwi, siguro. Pinaghalong alak at pagod siguro dahil sa kasasayaw.

Napaangat ako ng tingin sa second floor ng bar na 'to and I think I saw someone familliar. So, so familliar. Nanlamig ako at halos maestatwa sa kinatatayuan.

Someone dance from my back kaya bahagyang nawala ang iniisip ko at tinuon ang atensiyon sa kasayaw. Ngunit sa likot ng isip ko ay muling napadpad ang mata ko sa taas. Wala na 'yong nakita ko kaninang nakatitig sa akin. O baka naman namamalik-mata lang ako. That's it. Namalik-mata lang ako, alu ko sa sarili.

The music change. Wala na rin 'yong sumusubok sumayaw sa akin kanina. Napansin sigurong nag-i-space out ako.

Mas naging mabilis ang beat. I think dalawang song itong pinag-mixed. Mas lalong naging wild ang mga tao. Well, pati rin naman ako. The song's giving me such energy!

Not until may naramdaman akong humawak sa braso ko. I thought it was just someone trying to hit on me kaya pinagpatuloy ko ang pagsayaw.

Pero natigil ako nang nalipat ang kamay niya sa baywang ko. But I still continue after, though. Maraming ganitong tao sa ganitong klaseng lugar. Those moves, tsk.

"Yna," he whispered in my ear.

I was really stunned for a moment pero nang nakabawi, I decided to look at the person behind me. Back with my posture. Pero halos balutin ako ng takot, sa totoo lang.

Flames of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon