Tooog Tooog Tooog!
Teka may lindol ba?
Napatayo bigla.
Pagtingin ko sa magkabilang side ko.
Si Jess at Jodi lang naman.
Sila ay nagtatalunan sa kama ko.
Ang bait noh? Lagi nalang may nangiistorbo ng tulog ko.
“Problema nyo ba?”
“Hoy! Ginawa namin to para magising ka!” Sabi ni Jodi.
“Magising?”
“Oo! Ang hirap mo kayang gisingin Kai” Sabi naman ni Jess.
“Ganun? Ang brutal nyo namang manggising”
“Tara na! ikaw nalang yung hinihintay sa baba ee”
“Oo na eto na Jess mukhang gutom ka na naman ee”
“Tama! 11 palang nagugutom na daw sya” Sabi ni Jodi.
“Lagi naman yang nagugutom ee tara na nga” Sabi ko sa dalawang makulit kong kaibigan.
Naglakad na kami papuntang kusina.
Mhmm ang bango ah?
Pagdating namin sa kusina, nandoon na si Levy, Seb, Jas at Nick.
“Teka sino may birthday?”
Lahat ng mukha nila parang nagtataka.
“Jas meron kasing spaghetti ee haha, pag may ganyan may birthday haha”
Nagtinginan silang lahat sa akin.
“Di ba nakakatawa?”
“Sa tingin mo Kailee?” Tanong ni Jas.
Tsk ay grabe! Di man lang nagkunwari.
“Ok lang yan Kai” Sabay tapik sa likod ko. “Kaibigan ka pa din namin” Bulong ni Jodi.
“Ay! Shiiiiiiiii! Tahimik!”
Nagtawanan silang lahat.
Wala ba kong kaibigan dito?
“Kai dito ka sa tabi ko” Sabi ni Seb.
“Ok” Pumunta na ko sa tabi ni Seb.
Pagkaupo ko napatingin ako kay Jas at Levy na nasa tapat ng upuan namin ni Seb, ang sama ng tingin nila sa akin.
BINABASA MO ANG
Memory Loss
RomanceHello guys! Kung gusto nyong malaman kung pano maINLOVE?, MASAKTAN at kung paano babalik ang MEMORY because of LOVE, Try this one at kung mahilig din kayo sa Vampire stories na tulad ko, Bagay na bagay sa inyo to PROMISE :) Sana magustuhan nyo. #lov...