Chapter 16. Vampires are real

180 7 0
                                    

"Oh bat kayo bumalik agad?" Tanong ni Nick.

"Sila Jas nakita mo Nick?"

"Ah nandoon sa taas nililinis yung sugat ni Sebastian"

"Huh? Anong sugat yun Kai?" Tanong ni Jodi.

"Oo nga?" Dagdag ni Jess.

Napatingin ako sa kanilang dalawa.

Talagang nagswimming sila na di man lang napansin yung mga nasa paligid nila.

"May nakaaway sila kasi kanina" Sagot ko.

"Naikwento nga nila sa akin, sayang wala ako dun" Sabi ni Nick.

"Kahit di ka na tumulong Nick, Nagsitakbuhan nga silang apat agad ee"

"Talaga?" Tanong ni Jess.

"Oo"

"Well kung si Lev nandoon, ganun nga yung mangyayari" Sabi ni Nick.

"Sabihin mo masyadong war freak"

"Nagsalita yung hindi war freak" Bulong ni Jodi.

Tinignan ko sya ng masama.

"Mauna na ko, pupunta ako sa kwarto ko"

"Sama kami!"

"Manggugulo lang kayo dun Jodi at Jess"

Naglakad na ko papuntang kwarto ko.

***

KNOCK KNOCK.

Pagbukas ko. "Oh Nick? May kailangan ka ba?"

"Ahm actually may gusto lang akong sabihin sayo"

"Ah ganun ba? Sige tara pasok sa loob"

Pinaupo ko sya sa kama ko.

Pati ako umupo na rin.

"Ano ba yun Nick?"

"Ahm tungkol kay Lev"

"Anong tungkol kay Levy?"

Hinawakan nya kamay ko. "Sana intindihin mo nalang sya? Kung medyo nakakainis yung ugali nya wag mo nalang pansinin, mabait yun ayaw nya lang ipakita"

"Ahm naku sanay na ko dun, kaya ok lang, ang bait mo namang kapatid para sabihin pa to sa akin bat di nya nakuha yang ugali na yan?"

Napatawa si Nick. "Haha mabait yun promise"

CLICK

"Oo na sige na nga"

Napatingin kami ni Nick sa nagbukas.

"Lev?"

"Levy? Di ka marunong kumatok?"

"Anong gingawa nyo? Anong oo na?"

Nagtinginan kaming dalawa ni Nick.

Sabay tingin sa mga kamay namin na magkahawak.

Inalis ko agad.

"Haha teka wala lang..."

Napatigil ako.

BOOM!

Ayan umalis na sya agad.

Di man lang pinakinggan yung sasabihin ko.

Sinara pa yung pinto ng napaka lakas yung parang matatanggal na sya.

Napakamot si Nick sa batok nya.

"Tignan mo yung ugali?"

"Ahm, sige ako nalang yung magpapaliwanag Kailee"

Memory LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon