Chapter I: Kwento ni Patchie..

64 0 0
                                    

"Mararanasan mo rin yung pagmamahal ko na nasira dati, mapaparanas ko rin yun sayo.." 

Naniwala ako. Naghintay. Nagmahal. Nagpakatanga. Nasaktan.. 

Ako nga pala si Patchie, babaeng amazona. Dejoke! Babaeng walang kadala-dalang masaktan, umasa at mahalin ang lalaking sobrang gago na tulad ni Choy.

Oo, sawakas nag break na kami. Halos mag punyagi nga yung mga friends ko e. Kasi finally nagising na daw ako sa pagkaka-comatose ko. Finally nauntog na daw ako, buti nalang di daw ako binilhan ng helmet ni Choy. Parang ewan tong mga to e, sa halip na damahin yung pighati ko natuwa pa e. Pero di ko rin sila masisisi.. Kasi naman teh, kung may award lang ang pagiging tanga kotang-kota na ko! Award na award teh. Pak na pak. Wala eh, mahal ko. Mahal ko pa rin. Mahal ko talaga. Mahal na mahal.

Tuwing babalikan ko lahat ng mga pinagdaanan namin, lahat ng saya, lungkot at adventures na pinagsamahan namin, di ko maiwasang tanungin yung sarili ko.. "Ano nangyari sa atin Choy? Anong problema? Diba okay naman tayo? Bakit ganon?"

 Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko mahanap yung sagot, naiwan ako sa kawalan habang siya, ayun andun sa alapaap. Sakit no? Naiwan ako bigla sa ere, parang ibon tapos tinamaan ng bato yung isang pakpak, unti-unting bumagsak sa lupa nang walang kalaban-laban. 

"Friend, ano ba?! Di ka ba napapagod? Nasasawa? Paulit-ulit ka nalang sinasaktan niyan ni Choy. Ikaw naman tong si gaga na tanggap pa rin ng tanggap sakanya. Parang gago to." 

Oo nga naman. Bakit nga ba? Di ka naman gwapo. In fact, kaya nga Choy nickname mo kasi short for tabachoy e. Wankoba. Lakas ng dating mo sakin e. Ngiti mo palang natutunaw na ko. Oh, alam ko mapanghusga kayo..

Di naman siya panget porke't chubby may looks din naman siya pero di naman sobrang gwapo. Malakas lang siguro sex appeal kaya ganon. Matangkad siya, malaking mama. Badboy yung datingan, pero sweet yun maalaga pa.

Masungit yun, suplado, pero pag nakausap mo na hindi siya mahirap pakisamahan. Laging naka powertrip yun lalo na pag tropa niya kasama, natatawa nalang ako pag nakikita ko syang ganon. Diba kasi pag mahal mo yung tao makita mo lang siyang masaya o nag-eenjoy okay ka na e solb ka na.

Matured siya mag-isip kahit bata pa kami, pero andun pa rin yung pagiging playful at naughty kiddo niya. Malambing yun sobraaaaaaa, mahilig mang-surprise. Di mabigay ng materyal na bagay pero dadaanin ka naman sa effort. Halos perfect na nga daw siya sabi nila..

Matampuhin nga lang, maraming bawal sakanya, pati damit mo sisitahin, seloso din yun pero ang cute niya magselos. Sanay na ko sakanya, mula pagkabata kilala ko na siya eh. Tanggap ko siya kung ano o sino siya, di naman siya mahirap mahalin. May isang bagay lang na di ko maalis o mabago sakanya.. Yung takot niya na magmahal ulit. Yung ibigay ulit yung buong siya, ipagkatiwla yung puso niya sa iba. Ang hirap pero sinubukan ko. Ginawa ko lahat.. 

Di sa pag-aangat nang bangko, pero ako yung tipo ng babae na walang arte. Go sa trip ng tropa, one of the boys ika nga nila. Babaeng bakla din minsan, "never a dull moment" nga daw pag kasama ako ng mga friends ko. Biba, palabiro, galawgaw, maharot, madaldal, MATAKAW. Oo, sobra akong matakaw, mas matakaw pa nga ko sa maton eh. Eh ano naman? Maganda naman ako, lumelebel naman teh. Oh e yun na nga, ako yung tipo ng babae na madadala mo kahit saan, midnight roadtrip or foodtrip, etc.

Themesong nga ata ng buhay ko yung kanta ni Donnalyn na Kakaibabe e. Pramis. Di ako yung tipo ng gerlpren na mdaming pinagbabawal, yung kailangan kada kilos ni guy e alam, o yung tamang hinala na selosa na praning, may tiwala kasi ako kay Choy. Ayoko namang nasa akin lagi yung atensyon niya kailangan niya rin ng time with his friends. Magsasawa siya kung kami palagi magkasama, dapat may pa-miss effect pa rin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Right love, on the wrong time..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon