OZIAS POV
Naghintay pa kami ng konti pag tapos ko tawagan si dad may tono sa pananalita niya na galit siya pero nandun parin yung pag aalala!
Nandito kami ngayon sa guard house naghihintay. Pwede naman maglakad kaso malayo layo yung bahay namin dito at gabi na!
Maya-maya lang ay dumating na si daddy dala dala ang kotse niya
Di siya bumaba nang kotse
"Sakay na!" malumanay na utos niya samin pero hindi siya nakatingin sa amin!
"D-Dad? Pwede p-pong isabay na natin si Holi" kinakabahang tanong ko!
At tumingin siya samin "Sakay na"
Binuksan ko ang pintuan sa likod para doon kami sumakay na dalawa! Una kong pinapasok si Holi at sumunod ako. Pinaandar ni dad yung kotse.
"Zy! Alam mo ba nakapatong ulo mo sa balikat ni kuya pogi kanina doon sa jeep! HAHAHAHAH" tininignan ko siya ng masama dahila para mapatigil siya sa pagtawa niya. Napatingin naman ako kay dad. Nananatiling nakatuon siya sa kaniyang pagda-drive.
"Kuya pogi? Sino yun?" nagtatakang tanong ko kay Holi.
"Yung katabi mo sa jeep. Di mo ba nakita? Ang gwapo kaya!" kinikilig niyang sabi.
"Tss!" singhal ko.
Wala ako sa mood makipagbiruan sa kaibigan kong to. Dahi kinakabahan ako kay dad! Halata sa muka niya na galit siya, di lang niya pinapahalata siguro dahil nandito yung abnoy na katabi ko.
Strict si dad lalo na sa boyfriends. Study first daw e HAHA.
Napatingin ako sa labas. Malapit na kami sa bahay ni Holi.
"Kilala mo ba yung babae na kasama ni Kelly?" nagulat ako sa tanong niya. Walang preno ang bibig kahit kailan.
Dahan dahan ako napatingin kay dad sa at this time ay nakatingin na siya sa amin. No! Sa akin!
'Paktay na talaga ako'
Kinurot ko sa tagiliran si Holi!
"Aray ah!!" binigyan ko siya ng makahulugang tingin. Agad naman niyang naintindihan ito.
"Holi, you're here" biglang sabi ni dad. Tsaka sinulyapan ako.
"Thanks po tito! Ingat po" paalam ni Holi tsaka bumaba.
"Welcome hija" sabi ni dad.
"Pssst! Dito na ko!" Paalam niya sakin. Tumango na lang ako. Di ko magawang mag salita dahil sa kaba!
Walang ano ano ay pinaandar ni dad ang kotse.
Nanatili kaming tahimik habang nagda drive si dad. Maya maya lang ay nasa bahay na kami. Pumasok ako sa loob at alam kong naka-sunod si dad sakin.
Nakita ko si mom na nakaupo sa couch. Nang makita niya ako ay agad niya akong nilapitan at sinalubungan ng yakap.
"Where have you been!? Huh!?" nag aalalang tanong ni mom. Tinignan niya ako sa muka at hinawakan ang aking pisngi. Tinignan din niya bawat sulok ng katawan ko. "May nangyari ba sayo? May masakit b—"
Natawa ako sa kaniya.
"Mom! HAHAHAHAH I'm okay! Wala ka dapat na ipag-alala" natatawa na sabi ko.
"Kasi naman eh! San ka ba galing na bata ka!?"
Napatingin ako kay dad. Nakangiti siya sa'min pero nung mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay nawala ang ngiti niya. Shit!.
"Galing po ako sa bahay ng classmate ko. Hindi po ako nakapag-paalam kasi biglaan din po" dire-diretsong sabi ko kay mommy.
"Okay, honey! By the way, kumain ka na ba? May inihanda si yaya sa mesa" tanong ni mommy.
Di pa pala ako nakakakain pero di naman ako nakaramdam ng gutom.
"Hindi na po mom. Busog pa po ako" palusot ko. "Matutulog narin po ako"
Humalik ako kay mommy bilang goodnight kiss. Tumingin naman ako kay daddy. "Goodnight daddy""Goodnight" cold.
Naglakad na ako paakyat ng kwarto ko.
Yes. Mayaman kami. May ari nang kumpanya si dad kaya masyado siyang busy. Tumutulong rin si mom sa kaniya.
Si mom ang mas close ko sa kanila. Dahil hindi ko naman masyadong nakakasalamuha si dad dahil sa work niya.
Naligo muna ako dahil nalalagkitan na ako sa sarili ko. Then naglagay ng kung ano ano sa mukha ko na pampaganda bago matulog.
Humiga ako sa kama at inisip ang nangyari kanina.
'Who is that girl?'
Ultimate crush ko si Kelly. Mabait siya matalino, matangkad, gwapo at mayaman din. Pero ibang iba siya sa lahat ng nakilala kong mayayaman kasi wala siyang pakialam dito. Pantay lang ang pakikitungo niya sa lahat.
Inaantok na ko. Pumikit na ako at nakatulog.
ZzzzzzZzzzzZzzzz....