INFINITY FOUR

17 1 0
                                    


Gelcey's POV

Gumising ako nang maaga para makapag handa at hindi mahuli ako sa klase.Today is the first day of school. Hindi ako gaanong excited dahil hindi ko kaklase sila Dara at Lisa. Napabuntong hininga na lang ako at saka bumangon.

"Hayyy! bahala na nga lang " sabi ko sa sarili ko

Hinanda ko na ang sususotin ko at saka lumabas para mag handa ng kakainin.

Kumuha ako ng bacon and eggs at linuto ito habang hinihintay ko din maluto. Nagluto na din ako ng fried rice.

Pagkatapos kong makapagluto ay agad akong kumain at nag tooth brush.

Nang makatapos akong ihanda ang sarili ay agad akong lumabas at nag taxi na lang  kahit na may dala akong kotse dito at pumunta na ako ng Clange University,kung saan ako nag- aaral.

Naabutan ko naman sa labas ng room sila Lisa at Dara na hinihintay ako. Agad ko naman sang yinakap at binigyan ng isang masiglang ngiti

"Eyyy Gel!Long time no see! bungad saakin ni Dara.

Baliw!Haha nagkita palang tayo diba noong Enrollment ah? natatawang sabi ko naman dito.

Childish din ang isang ito kapag tinatamaan ng ewan haha.
"Pero seryoso namiss kita Gelcey" sabi naman ni Lisa ng nakasimangot.

Huy ano ka ba! Wag ka na sumimangot dyan.Andito ako oh.Buhay na buhay!sagot ko naman sakanya.

Yinakap ko sila ulit nang mahigpit na mahigpit.Namiss ko kaya ang mga babaeng ito.

Nang mag ring ang bell ay agad na kaming nag paalam sa isa't isa at pymunta sa kani-kanilang room at saka umaatend ng flag ceremony.

Pagkatapos non ay nagstart na ang class.Wala naman masyadong pinagawa.Kaya nabobored ako at hindi mapakali.Maraming bumabagabag saisipan ko pero binalewala ko na lang ulit yon nang makita ko sila Lisa at Dara sa labas ng room.

Bigla naman ako naging hyper at linapitan sila.Nag kwento sila ng unting bagay about sa first day nila.

"Grabe!First day of school pero may first output agad saaming ipinagawa" napairap na sabi ni Dara.

Tinanong naman nila ako kung kumusta ang atmosphere sa room. Agad ko naman silang sinagot na a-ayos naman,mykhang magkakasundo ko naman ang mga kaklase ko at wala naman kaming ginawa masyado.

"Ayyy!Ang daya!Buti ka paaa! sabay na sabi nila.
Napabuntong hininga na lang si Lisa at nag paalam na mauuna na siya saamin pumasok ng room dahil mayroon pa sakanilang ipapagawa

Tumango naman kami ni Dara at nag paalam sa isa't isa.

***

Pinalabas agad kami ni Ma'am Alvarez para sa Lunch break namin. Agad naman akong lumabas at hinintay na palabasin din sila.

Nang pinalabas na sila Lisa at Dara ay napangiti naman ako at saka linapitan silang dalawa. Napatingin naman ako kay Dara nang papalabas siya, nakita ko si Acey na papalabas sa kanilang room.

Nagkatinginan kami ngunit agad ko naman iniwas ang tingin ko sakanya at bumalik ang tingin sa dalawa kong kaibigan.

Lumingon ako at nakita naman si Acey na paalis na.Napangiti na lang ako at napaisip na hindi talaga ako nag eexist sa mga gusto kong maging kaibigan.

Pumunta kaminh tatlo sa bahay nila Dara. Ang bahay-tambayan naming tatlo. Nagmano kaming dalawa ni Lisa kay tita at tito at saka pinatuloy kami para kumain.Sabay sabau kaming pumasok at kumain ng lunch.

Pagkatapos namin ay nag paalam na kami sa mama at papa ni Dara.

Nang makarating na kami sa paaralan ay pumasok na kami sa room.Halos pader lang naman ang harang saaming tatlo.

Nang matapos ang klase namin ay agad naman along lumabas at nakita sila. Nabigla ako sa nakita ko.

Hindi ako nagkakamali.Kasama ni Lisa siya ngayon at kinakausap.Ngayon ko lang din nakitang naguusap sila ni Lisa.Napatingin naman silang dalawa saakin at ganon din ako sakanila.Sinalubong ko sila ng may ngiti at tinanong  si Lisa kung saan si Dara. Sabi naman nito ay may ginagawa pa ito.Tanging pag tango na lang ang naisagot ko sakanya dahil hindi pa din ako makapaniwala sa nakikita ko.

Magkakilala sila ni Lisa?!at mukhang makakasama pa namin sa paguwi. Napatingin nanaman ako dito at bigla din itong napatingin saakin.

Bigka ako nakaramdam ng awkwardness,wala akong ibang mai-react sa ngayon kaya napangiti na lang ako sakanya.

WAAAAHHHH?!!!! G. TOTOO BA ITO?!!

Nang lumabas na si Dara ay agad naman kaming nag sama-sama.Kagaya ng lagi naming ginagawa ay nag lakad kami papunta sa plaza at nag usap usap.Medyo madistansya din pero hindi ko na ito inintindi dahil habang nakikinig ako sa usapan nila ay nawawala naman ang lungkot at pagod ko.Lalo na wala ang pagod ko nang hindi ako nagkakamali na kasama namin siya sa paglakad.

***

Umupo kami sa isang bench sa plaza at nag kwentuhan habang kumakain ng street food.

Pagkatapos noon ay nag paalam na kami sa isa't isa para umuwi.

Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sa araw na ito.

Pagka-uwi ko ay yumakap ako kay mama at bag bihis ng pambahay.Pagkalabas po ng kwarto ko ay nakita ko naman sila sa hapag-kaininan at sumabay din aoo dito kumain.

Pagkatapos kong kumain ay agad kong hinugasan ang kinainan namin at pumasok sa kwarto para gawin ang nga assignments.

Pagkatapos kong magawa ang lahat ng iyon ay pumunta na ako sa higaan at naalala ang nangyare kanina. Hindi ko pa sya nakakausap dahil nanng magkasama kaming 4 kanina ay silang dalawa ni Lisa ang nag kukwentuhan habang ako naman ay nakikinig lang sakanila at sasagot o tatango lang kapag may tanong sila o sasabihin.

Hindi ko namalayan na sa pag alala ko ng mga bagay na yon ay unti unti na akong nakaidlip.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

INFINITYWhere stories live. Discover now