Chapter 1

80 0 0
                                    

Ako si Adam, 19 yrs old. Isang IT student. Meron akong bestfriend. Bea ang pangalan niya, 17 yrs old siya at magkablock din kami, parehong IT course namin. Mejo matagal na akong single dahil sa kanya kasi mahal na mahal ko siya at alam niyang may nararamdaman ako sa kanya kasi di lang siya maganda, sobrang maalaga, sobrang bait, at higit sa lahat ,mahal na mahal niya ang pamilya niya at yun ang pinaka dahilan kung bakit ako napamahal sa kanya, pero parang biro lang sa kanya ang lahat. Sa katunayan nga halos parang magsyota na turingan namin kaso yun nga bestfriend lang. "NA-FRIENDZONE" sabi nga nila.

Minsan sinubukan ko narin siyang ligawan kaso ang lagi niya lang sinasabi. Darating din ang oras na yan. Kaya todo asa parin ako kahit minsan napanghihinaan na ng loob.

Isang araw sa kwarto ko nagkukwentuhan kami habang naglalaro ng Playstation. At bigla akong napatanong

"Be, pano kaya kung isang araw may ipakilala nalang ako sayong babae na girlfriend ko pala, ano gagawin mo?"

Napangisi siya at sinabi niya habang nakangiti na "SIYEMPRE MAGIGING MASAYA AKO PARA SAYO! Bakit bes meron na ba?"

sabi ko naman"Haha baliw wala! Diba nga hihintayin kopa na pumayag ka? Hahaha!"

At bigla niya lang sinabi na "magconcentrate ka na nga lang sa nilalaro mo! Mamamatay ka na ohh"

Nung sinabi ko yun biglang naging seryoso ang mukha niya na di ko alam kung bakit.

Haay ang sakit ng pakiramdam ko nung mga panahon na yun. Parang feeling ko wala talaga akong pag-asa sa kanya kasi di na nga siya nagreact sa sinabi ko, mukha pang nagalit!

All of meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon