Chapter 2

14 0 0
                                    

At nung nag gabi, nag text ako sa kanya.

"Be, sorry kanina kung may nasabi akong mali. Sorry talaga"

Tapos ang nireply niya , "Uy bes, di naman ako galit ahh haha ikaw talaga. Sige na may tatapusin pa akong assignment. Loveyou bes!"

Nung gabi na yun di ako makatulog. Naguguluhan na ako, sumasabak ako sa gyerang walang kasiguraduhan ang panalo.

Nung gabi din na yun naghanap ako ng kaibigan na mahihingan ko ng advice at nakausap ko si Mike, ang matalik kong kaibigan. Kinwento ko ang mga nangyari at ang sinabi niya sakin.

"Ano ba yan pre pag nag kukwento ka sakin tungkol lagi sa problema mo kay Bea. Subukan mo kasi na layuan mo muna siya. Dun mo makikita kung mahalaga ka talaga sa kanya. Pag namiss ka niya at siya mismo lumapit sayo para tanungin kung ano problema niyo kung bakit di mo siya pinapansin. Edi ibig sabihin nun mahalaga ka sa kanya."

Biglang pumasok sa isip ko na gawin yung sinabi ni Mike, pero inisip ko paano kung tuluyan naman siyang lumayo sa akin?

Hay bahala na basta kung yun na lang ang natitirang paraan isusugal ko na lahat.

Kinabukasan, pumasok na ako at nakita ko si Bea sa room. Sa puntong yun, gagawin ko na yung inadvice sa akin ni Mike kaya nginitian ko lang si Bea at ngumiti lang din siya sa akin.

Napapansin ko din na labas siya ng labas ng room namin, di ko alam kung bakit pero diko talaga siya kinakausap.

At buong araw talaga kaming di nagpansinan, at umuwi na siya ng di ko nalalaman at di nagsasabi sa akin.

Nung mga oras na yun, gusto ko na lang magpunta sa sulok at umiyak kasi parang wala nga akong halaga sa kanya kahit bilang kaibigan man lang kasi di man lang siya nagkusa na lapitan ako o kamustahin man lang.

All of meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon