Chapter 5

13 0 0
                                    

Napahinto ako sa pinto ng ER ng marinig ko ang sinabi ng doktor na

"Were sorry mam,we did our best. nurse, time of death 1:30am"

Nanlaki ang mata ko nung narinig ko ang mga salitang yun at ang mga tuhod ay napahinto lalo na nung si Bea ang nakita ko sa kama ng ospital habang iniiyakan at nakayakap ang kanyang nanay at ate.

Sinasabi ko na lamang sa sarili ko na, "Totoo ba ang lahat ng nangyayaring to o nananagininip lang ako sa pagkatulog ko." Bigla nalang ako umiyak at niyakap ang labi ni Bea.

Sobrang nasaktan ako nung mga gabing yun. Ngayon ko lang napagtanto na ang napansin ko pala ng malaking pagbabago kay Bea nung araw na pinagselos ko siya kay Kim ay yung pangangayayat niya at lalo ako nakokonsensya pag naaalala ko ang mga nangyari sa amin nung huling mga linggo ng buhay niya na hindi ko pagpansin sa kanya.

Nung nagpunta na kami sa morgue ay nagkaroon kami ng panahon makapagusap ng nanay ni Bea para ikwento ang mga nangyari.

"Alam mo nak, sobrang saya ni Bea nitong mga nakaraang linggo, diko alam kung bakit, ngayon ko lang siya nakitang ganun kasaya kahit sabi ng doktor ay may nararamdaman na pala siyang sintomas ng komplikasyon sa katawan."

Nagsimula nanaman siya lumuha nung nabanggit niya na marami din siyang pagkukulang kay Bea, na halos araw araw nakagugol ang panahon niya sa paghahanap buhay sa iba't ibang lugar kaya ganun na lang ang nangyari.

Nung ikwento niya yun , bigla niya akong niyakap at sinabi niya na..

"Anak, maraming maraming salamat sayo dahil pinasaya at binigyan mo ng kulay ang buhay ng anak ko habang ako ay malayo sakanya,sa totoo lang, malaki ang utang na loob ko sayo."

Pinapasabi niya rin na may ginugugulan ng panahon si Bea nitong mga nakaraang araw, at binigay ng nanay ni Bea sa akin ang isang scrapbook ng mga pictures ng memories namin habang magkasama kami. At may kasamang sulat na nakaipit sa dulo,

HI BESTBOYFRIEND :)

bago ko simulan to gusto ko humingi ng sorry sayo para sa lahat at sa paglilihim ko sayo kung ano ang tunay na kalagayan ng katawan ko, alam mo naman kasi na ayokong dumagdag sa problema ng pamilya ko tong sakit kong to na wala naman nang lunas :)

Alam mo, sobrang saya ko na nakakilala ako ng isang katulad mo,

Para sa akin ikaw ang pinakapogi at pinakamatapang sa lahat ng lalaki sa buhay ko kasi sobrang komportable ako pag kasama kita. Mahal na mahal na mahal kita, nakuha kong itago pagmamahal ko sayo para sa ikabubuti natin :) pinilit kong pumasok ng school masilayan man lang kita bago ako mawala at syempre tiniis ko lahat ng sakit wag lang ako mawala sa tabi mo habang di ka pa nakakahanap ng makakasama mo o papalit sa akin, at sobrang saya ko dahil nandiyan na nga si Kim. Alagaan mo din siya ahh, suklian mo lahat ng ibibigay niya sayo! Maging mabait ka rin sakanya tulad ng trato mo sa akin noon. Pasensya na kung nung napansin ko na sumuko kana sa panliligaw sakin e di na kita pinapansin, tinutulungan lang kita para pag pumanaw nako, sanay kana na wala nako sa piling mo ;) pero alam mo miss na miss na miss na kita! Kaya dinadaan ko na lang sa iyak pag namimiss kita para mabawasan din yung sakit ng sakripisyong ginagawa ko para sayo, at bes pag nabasa mo to sure ako na wala nako. Pwede bang iflying kiss mo nmn ako ohh papuntang langit ahh para masalo ko :* hahahaha hangang dito na lang . Mahal na mahal na mahal kita !

Love,

Bea

Nung nabasa ko tong sulat na to, halos mamatay ako sa kakaiyak. Naging miserable ang buhay ko kasama si Bea dahil sa putakteng PRIDE na yan. At pinagsisihan ko lahat ng ginawa kong pagkukunwari, di ko man lang nasabi at naparamdam sakanya na siya lang talaga ang nilalaman ng puso ko

All of meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon