Sumilip ako sa bintana ng kotse ko para tignan kung ano ung putok na un.
Halos lahat ng mga sasakyan ay nakahinto at di gaanong umuusad dahil sa sobrang traffic.
Ano bang nangyayari at bakit may nagpaputok ng baril?
Teka putok ba talaga ng baril ung narinig ko?
O baka gulong ng kotse ko?
Nakita kong may lalaking may hawak na baril ang tumatakbo papalapit sa car ko.
Itataas ko na lang sana ang window ng car ko dahil sa takot na baka idamay ako ng lalaking may baril.
Pero bago ko pa maisara ang window, bigla na lang may baril na tumutok sa akin at binuksan ang pinto ng kotse ko.
My ghad! Di ko pala nailock ang door ng kotse.
Hinila at pinwersa akong ilabas sa kotse ko.
Kung hindi lang talaga ako shunga eh dapat nilock ko sana ang pinto ng kotse ko.
-_-
Nanginig ako sa sobrang takot. Gagawin pa yata akong hostage ng pangit na'to.
Oh ghad, pls heeeelp.
Gusto ko pang mabuhay ng matagal.
Ang OA ko na ah...
Itinutok sa akin ng lalaki un 45 mm gun niya. Hintakot ko na lang, baka bigla niyang maiputok sa'kin ang baril... Wag naman sana.
''kuya parang awa nyo na 'wag ninyo akong patayin. Kung anuman ang problema nyo sa buhay eh siguradong may solusyon yan.'' pakiusap ko kay manong hostage taker.
''heh! Tumigil ka. Sumunod ka na lang sa'kin at di kita papatayin. Kelangan ko lang makatakas at ikaw ang gagamitin ko.''
nawindang ako sa sinabi ni manong hostage taker. Ano ba itong napasukan ko? Baka tuluyan na akong mabaliw nito.
Nasa late 40's na yata itong hostage taker ko. 5'5'' ang height nya, mas matangkad siya ng 4 inches sa'kin. Kayumanggi at medyo malaki ang katawan...
Ah basta! Mukha siyang bakulaw...
Kapre...
Impakto...
Mangkukulam...
Lalaking mangkukulam?!
Imagine, ano kaya ang itsura ni manong hostage taker?
Ung hawak niyang baril magiging walis then...
With matching witch hat.
:)
ano ka ba pia?! Nasa panganib ka na nga kung anu-ano pa ang iniisip mo.
Nakuha mo pang magpatawa...
Korni naman.
''manong hostage taker, please pakawalan nyo na po ako... Gusto ko pa pong mabuhay.''
''heh! Manahimik ka kung hindi babarilin kita at siguradong basag ang bungo mo.''
hala si manong kumukulo na ang dugo niya sa akin. Mas mabuti pa manahimik na lang ako baka tuluyan na niya akong patayin.
Nagpupumiglas na rin ako at pilit na makawala sa mamang hostage taker. Maiyak-iyak na ako dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko. Nagtatapang-tapangan lang naman ko kanina eh.
Napapalibutan na kami ng mga pulis, sasakyan, at mga usisero't usisera. Parang eksena lang sa isang pelikula.
Instant artista na ako pero ngayong araw nga lang.
''Bitawan mo ang babaeng yan, wag ka nang mandamay pa ng iba! Mas lalong madaragdagan ang kaso mo!'' matapang na sabi ni manong pulis.
''Wag kayong lalapit kung hindi papatayin ko 'to!'' -hostage taker
''Sige na po pakawalan nyo na po ako...'' pagmamakaawa ko ulit...
Baka sakaling tumalab pero mukha talagang halang ang kaluluwa ng taong 'to.
''sige mga pulis lumapit kayo, siguradong basag ang bungo ng babaeng ito!''
Naku! Babasagin talaga ng lokong ito ang bungo ko.
Bago pa ako tuluyang patayin ng kumag na ito ay dapat makagawa na ako ng move para makawala.
Pero bago pa ko makapag-isip ng paraan para makatakas ay may biglang sumulpot na guy mula sa likuran namin at pinukpok ng mahabang 2x2 na kahoy.
Waaaaaahhhh..!
Pumikit na lang ako at sumigaw nang sumigaw...
Mukha na yata akong baliw.
''Hey! Miss stop screaming you're hurting my ears.''
halos di ko napansin ang lalaking nasa harapan ko na pinipigilan ako sa pagsisisigaw.
Di ko alintana ang mga taong nakatingin sa akin... Or let just say 'sa amin'.
Eh sa gusto ko talagang sumigaw...
Kaya wala silang magagawa.
''Hey miss I said stop screaming! Ligtas ka na.''
di ko pa rin pinakinggan ang mga sinabi ng lalaki. Patuloy pa rin ako sa pagsigaw.
Napatigil ako sa pagsigaw nang biglang...
0_0
OMG!
He's kissing me!

BINABASA MO ANG
Love Me ( On Going )
Teen FictionA romance story.. The characters, places, situations and the whole story is a product of the author's imagination. This story is a about the 26 years old guy and 22 years old lady. Dahil sa utang ng tatay ng babae sa isang mayamang pamilya ay kailan...