Ndrew's POV
SHIT! Napamura ako sa sobrang inis.
Traffic! Traffic! Traffic! I hate traffic! Nagmamadali pa naman ako. Kailangan kong makarating kaagad sa restaurant siguradong naghihintay na sila doon.
Sana kasama nila ang babaing un, gusto ko na siyang makita. Ang tagal ko ding hinintay ang pagkakataong ito..
When I saw an opportunity to have a connection with her family's business, hindi na ako nagsayang ng oras... I grabbed it!
Kahit may konting mali akong ginawa...
Argh! Kung kailan pa kasi ako nagmamadali eh saka pa nagkatraffic ng ganito... Bumper to bumper. Ano ba kasi ang problema ng mga sasakyang ito? Bakit ba kasi ayaw umusad?
Tawagan ko muna sila papa at mama siguradong nandoon na rin sila sa restaurant.
''Hello Pa!?''
( Hello, Ndrew nasaan ka na ba? Kanina ka pa namin hinihintay.)
''Pa, medyo malelate ako nang dating. Masyadong matraffic dito sa Edsa at mukha yatang may gulo pang nagaganap dito.''
Habang nakikipag-usap ako kay Papa sa cellphone ay may narinig akong putok at sabay napatingin naman ako sa direksyon ng isang lalaking tumatakbo na may hawak na baril...
At nang mapadaan sa isang kotse na nakabukas ang bintana ay biglang huminto at tinutukan ng baril ang driver.
"Ndrew, ano ung narinig kong ingay jan? Putok ba un ng baril?" nasa tono ng ama niya ang pag-aalala.
"Wala po un papa. Pumutok po ung gulong ng katabi kong sasakyan." pagsisinungaling ko para di siya mag-alala.
"Ganoon ba. Oh sige mag-iingat ka jan at hihintayin ka namin dito, ok?"
"Ok po. Bye papa." paalam ko habang nakatuon pa rin ang paningin ko sa lalaking may baril at sa babaeng hostage nito.
May mga pulis ng dumating at napapalibutan na sila ng mga ito.
Mga apat na sasakyan ang pagitan ng kotse ko sa kotse ng babaeng hostage. Masasayang lang ang ganda ng babaeng yan kung dito lang siya mamamatay mukha pa namang may gimik dahil sa tantiya ko sa ayos niya ay mukhang pupunta ng bar. Ang galing ko ding kumilatis ng tao, noh? Haha...
Nakikipag-usap na ang mga pulis sa hostage taker at mukha yatang walang planong sumuko ang lalaking hostage taker.
Grabe na ang perwisyong idinudulot ng hostage taker na yan. Kung tulungan ko na lang yang mga awtoridad para matapos na ang eksenang kanina ko pa nakikita.
Lumabas ako ng kotse...
Wait a minute... May 2x2 na kahoy akong nakatago sa may compartment ng car ko. Pwede na ung pang self-defense. Kahit papaano may alam din akong way ng pang self-defense, hindi puro business lang ang alam ko at lagi kong iniisip. Ang hindi alam ng lahat ay marunong ako ng Muai Thai at noong nasa highschool pa ako ay kabilang ako sa varsity ng taekwando at nagsasharp shooting din ako. I'm into sports din naman aside from academics.
Kinuha ko na ang kahoy. Buti na lang nakatalikod sa akin ang bad guy na ito, mas madali ko itong mapapatumba.
Madali akong nakalapit sa kanila at nagbigay ako ng signal sa mga pulis na kumalma lang sila. Ang swerte ko talaga dahil hindu pa rin ako napapansin ng hostage taker.
Kailangan kong ihampas ng malakas itong kahoy pero dapat alalay lang baka kasi matuluyan ito... Imbes na siya ang makulong eh baka ako pa ang mabilanggo hehe joke lang ^_^
I'm ready to hit him...
1
2
3
Pak!
Sapul ang loko!
"Waaahhh!"
Ouch! Ang sakit sa tenga.
"Hey miss, stop screaming, you're hurting my ears!"
Anong klaseng babae ito?! Grabe kung makasigaw. Naririndi na ang tenga ko. Naiinis na ako.
Hinawakan ko ang dalawang balikat ng babae at niyugyog ko ito ng kaunti para matigil na siya sa kakasigaw.
"Hey miss! I said stop screaming. You're safe now."
Bingi siguro ang babaeng 'to, ayaw pa rin tumigil sa pagsigaw.
Without knowing and out of my mind, I didn't expect my next move.
What did I do?
I kissed her?!
To be continued...
BINABASA MO ANG
Love Me ( On Going )
Fiksi RemajaA romance story.. The characters, places, situations and the whole story is a product of the author's imagination. This story is a about the 26 years old guy and 22 years old lady. Dahil sa utang ng tatay ng babae sa isang mayamang pamilya ay kailan...