Mystery

33 0 0
                                    

❤EXO❤PART III

Kris POV

"uhhmm...." Kinapa ang phone sa side table. Sino naman kaya to ang aga aga nang iistorbo.

" Hello" 

" Yes, speaking! "

" WHAT!" napamulat ako bigla.

" Ok uuwi ako jan ngayon din" agad akong bumangon at naligo para makaalis na.

Tumawag kasi ang secretary ng lolo ko. Isinugod daw ito dahil sumasakit ang puso. Teka nga . Mabilis akong tumakbo sa rooftop ng tinutuluyan ko.

Maya maya pa ay umangat sa ere at tuluyang lumipad. Oo alam ko na may kapangyarihan ako. Bata palang ako alam ko na at ng malaman ni lolo sa kapangyarihan ko ay sinabi na din nito ang kwento ng Exo Planet. At naikwento na din nito na isa siya sa mga guardian noon na siyang pinadala dito sa Planet earth upang magmasid kung anu na ang nangyayari at mahanap na din ang mga itinakdang tagapagtanggol.

Si lolo na din ang nagsanay sa akin.At lagi niya din akong pina aalahanan na walang sinu man dapat maka-alam sa kapangyarihan ko at sa Exo Planet. Madalas niya ding sabihin na tanging kabutihan lamang ang makakatalo sa kasamaan kaya dapt gamitin ko ang kapangyarihan ko sa kabutihan. Two years ago ng ipadala ako ni lolo sa America para mag aral at pamahalaan ang negosyo nito na nakabase sa America. Ngunit kanina ay tumawag ang secretarya nito, at napilitan akong gamitin ang kapangyarihan ko makabalik lang sa China para makita ang kalagayan nito. 

Makalipas ang isang oras ay nakarating na ako. Dumiretso na agad ako sa hospital. 

" Mr. Wu please."

" Room 405 sir" sagot nito.

" Thanks"

Habang paakyat ako ay nakasalubong ko si Mie.

" Mie, asan na si lolo? Ok ba siya? Nakausap mo na ba si doc?"

" Actually Kris......" 

Hindi ko na napatapos si Mie kasi nag aalala ako kay lolo.

Malaki ang kwarto ng lolo ko. May sala ito at may maliit na kitchen. May naririnig ako na tunog ng tv mula sa kwarto, ng may marinig ako ng sigaw. Agad ko tinakbo ang kwarto nito.

" Lolo?"

Pero napakunot ako kc nakatalukbong ito at ng tingnan ko ang pinapanood nito ay horror. Yan isa yan sa ugali ng lolo ko isip bata at laging masayahin.

" Lolo?" bahagya nitong hinawi ang kumot at sumilip.

" Apo...." sagot nito na parang natatakot at nakakita ng multo sa likod ko.

Ngumiti ako.

" Lolo, dont scare me coz im not" matapang kung sagot at sabay lingon.

Napaupo ako nagulat kasi ako akala ko multo na si Mie. Panu ba naman kasi nakabusangot yung mukha. Nahulog ang dala nitong mga yogurt milk. Nagulat din ata sa akin.

" Yan! yan lagi ang ginagawa ng lolo mo naku sakit na ng ulo ko jan." at umupo sa may sofa sa kwarto.

" Lolo I thought may sakit kayo?" tanung ko.

" Kagabi kasi bigla nalang sumakit yung puso nya, kaya isinugod na namin siya dito pero nung ma check na siya ng doctor lumabas din na yung tiyan nya ang masakit napadami ata ang kain niya ng gabing yun. That means gawa gawa lang nito ang sakit sa puso niya. Ewan ko ba dyan sa Lolo mo at kung anu anu naiisip." nakasimangot na sagot ni mie.

" Lolo is that a true? " baling ko kay lolo

Nakaupo lang ito at umiinum ng yogurt milk at kunwaring nanonood. Maya maya ay lumingon ito at ngumiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EXO FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon