One. Awkward Beginnings

344 7 0
                                    


I have to pee. No shit.

Grabe, naiihi na ako. Parang lalabas na siya ano mang oras. Alam mo yung feeling na ihing-ihi ka na? Yung tipong nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa sobrang pagpipigil?

Shit, baka mapaihi ako sa underwear ko.

...

God, please forbid that from happening.

I can't really go out right now. It's Professor Acedo's boring world history class, and I'm forbidden from leaving my seat. Nahuli niya kasi akong natutulog sa upuan ko habang nagtuturo siya. As if ako lang ang natutulog sa klase niya.

After that, I'm now prohibited from leaving. Napaka-unethical! I'm not even allowed to leave for bathroom breaks!

When the final bell rang, hindi ko na nasabihan ang kaibigan kong si Presea Montez na hintayin niya ako bago umalis.

I ran inside the comfort room, entered the nearest cubicle, at inilabas ang kayaman ng De Luna Family. Hindi ko na nga nai-lock ang pinto nung cubicle eh. Muntik na nga hindi umabot, halos masira na ang butones ng pantalon ko sa pagmamadali.

And at long last, nailabas ko din ang pesteng ihi na yan. Medyo matagal ang ginawa kong pag-ihi, na hindi ko na i-eelaborate pa.

After flushing the toilet, palabas na sana ako. Since nagmamadali na nga ako at naiwan ko pa ang bag ko sa room, di ko agad naisara ng ayos ang pantalon ko.

Ngunit bago pa ako tuluyang makalabas, biglang may pumasok at itinulak ako papasok ng cubicle.

What the- Babae yung pumasok!

And more importantly, bumukas ulit zipper ko! Shit!

The girl immediately locked the door, pushed me down the bowl, and sat on my lap.

What the- am I in heaven?!

Pero... Wag muna. Bata pa ako. 19 pa lang ako.

"Pag may kumatok, sabihin mong tumatae ka at hindi mo mailabas, okay?"

Wait...

That voice...

I've heard that voice before. Not this near, but from far away. I'm one of those guys who admire her from afar. She's a third year, just like me. Magkaiba man ang course namin, madalas na parehas ng mga araw ang klase namin.

Kahit na alam ko na, tinignan ko pa rin ang mukha niya. Just to make sure I'm not hallucinating.

There was no mistaking it. The girl sitting on my lap is the campus' resident Play Girl, Lana Samaniego.

Woah, this is too good to be true!

Am I dead? Did I somehow slip on the bathroom floor? Kasi sa panaginip lang pwedeng mangyari ang ganitong sitwasyon.

She looks at me. "Naiintindihan mo ba?"

Tumango lang ako.

"At, pwede pasara naman nung zipper mo? Ang laswa eh, kita yung puting briefs mo."

Naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha at isinara agad ang zipper ng pants ko.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng pabalag na pagbukas ng pinto. Panigurado, ito yung humahabol kay Lana.

Dahil nasa unang cubicle kami, dito siya unang kumatok.

"LANA BABES! NANDYAN KA BA?!"

Huminga ako ng malalim at inihanda ang aking kahihiyan.

"BRO! TUMATAE AKO! BAKA MAWALA KONSENTRASYON KO!"

Natahimik ng ilang saglit yung lalake. "Ah ganun ba? Sige pagpatuloy mo lang yan."

I MADE THE PLAYGIRL CRY (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon