Three. Playgirls and playgrounds

226 10 0
                                    


Makikipag-date ako kay Lana.

No matter how long and hard I think about it, di pa rin ako makapaniwala.

And more importantly...

... Wala akong pera.

Shit, a date for someone like Lana probably costs thousands. Ilang buwan na pag-iipon yun!

Sinilip ko ulit ang payatot kong wallet, humihingi ng himala na may laman pala itong papel na may tatlong mukha. Pero 50 pesos lang talaga laman niya.

Kanina pa ako nagpapanic. Who wouldn't panic in this situation? Di ko na nga napakinggan ng ayos ang mga lectures kanina eh.

Anong ipapakain ko sa kanya? Saan kami pupunta? Shit, is being her boyfriend really a gift from above or an impossible obstacle?

Shit, kakapalan ko na lang mukha ko. Lalakasan ko na lang loob ko. Ako si Ran De Luna, di ako ipinanganak ng walang balls.

Pero...

Shit, I'm so nervous I feel like I'm gonna fart any second now.

Tumunog na ang bell.

Oh God, please save me.

"Hoy Ran? Mukha kang problemado ah." Banat sa akin ni Presea habang nakaupo kaming dalawa sa cafeteria. "Break na kayo ni Lana?"

"Tae hindi. May date kami ni Lana mamaya. Di ako handa." Sambit ko at napabuntong-hininga.

"Hindi handa in what sense?"

"Financial sense."

"Ouch."

"Nagkasakit kasi si number 33, kaya yung date sana nila mamaya ay naging date namin." Patuloy ko, "Masaya ako at makakasama ko si Lana pero di ko talaga alam kung anong gagawin."

"Okay, first of all, you call yourselves by number? Anong number mo?" Tanong ni Presea.

"41. Last place."

"Weird. I just can't believe 41 guys let themselves be fooled around by a single girl. Just look at that."

Lumingon ako at nakita si Lana, may kasamang dalawa pang lalake. Naglalakad sila sa labas ng cafeteria, talking and laughing.

"Hindi naman ganoong liberated ang Pinas para maging okay ang ganyang gawain."

"She has her reasons." Nasambit ko na lang.

"Whatever it is, I don't get it." Sabi ni Presea, "So about sa date ninyo later, pwede kitang pahiramin ng pera-"

"Talaga-"

"Pero hindi ko gagawin yun."

"Bestfriend naman!"

"Alam naman niya na mahirap ka, so she's not expecting anything grand. Just be yourself and it'll work out." Sabi ni Presea, "But I still don't like her."

Matapos ang klase ay pinuntahan ko si Lana sa classroom nila. Nakita ko siyang naghihintay sa may pintuan.

"Rule no.1, never make me wait." Sabi sa akin ni Lana. Tumango ako.

Ngumiti siya at hinawakan ang braso ko. Be yourself daw, sabi ni Presea. Just how does that work anyway?

"So, my newest boyfriend, saan tayo pupunta?"

My mind went on overdrive. As things stands now, there's only three possible places we could go:

A) Sa Park. Kung saan maraming naglalako ng streetfood at naggagalang aso.

I MADE THE PLAYGIRL CRY (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon