HIS ADMIRED POSSESSION 3

3.6K 113 3
                                    

"Nakipagkita ka ba sa akin para makipag usap o para titigan ang maganda kong mukha?" with confidence na tanong sa akin ni Asther na unexpectedly ay naging kaibigan ko sa pagpuslit-puslit ko ng punta sa City. 'Di ko nga akalain na parehas pala kaming taong-lobo dahil ang galing niyang kontrolin ang sarili niya upang makapagpalit anyo sa di nakikita ng mga ordinaryong tao ng di nila nalalaman ang tunay nitong katauhan.

Maniwala kayo o sa hindi, matagal na akong may naririnig nuon sa Wolfgang na matalik na kaibigan ng Alpha namin na si Amiro na Asther ang pangalan pero 'ni minsan ay hindi ko pa siya nakita ng personal sa sarili naming pagmamay-ari na eskwelahan. Siguro dahil hindi kami duon tinakda na magkita at nakakatawang isipin na ang Asther na malapit sa Alpha ay ang siyang babaeng kaharap ko ngayon.

"Asther, di ko naman itatanggi na maganda ka pero sana wag mong kalimutan na hindi ikaw ang tipo ko ng dahil lang sa may anak ka na kundi dahil mas matanda ka rin sa akin. Ayaw ko namang pumatol sa para ko ng ate."

"Wow! Na-hurt ako du'n ng very light ha! Ang sabihin mo kaya ayaw mong pumatol sa akin ay hindi dahil sa tingin mo ay ate mo ako, iyon ay dahil sa kakambal mong si Oro." sabi niya sabay kuha sa bulsa niya ng isang kahon ng sigarilyo at alok nito sa akin. Tumanggi ako dahil nung una kong beses na i-try ang paninigarilyo ay pakiramdam ko, huling araw ko na sa mundo habang siya ay mamamatay sa katatawa sa akin. How supportive di ba? 'Wag sanang mamana ng anak niya ang ugali niya. Hahaha.

"Teka, nasabi mo na ba sa kanya? Ilang buwan nalang at aalis ka na ng blue stone at papasok sa Demirkan. Balita ko, maraming gwapo sa skwelahan na iyon."

"Paano ko sasabihin? Madalas siyang wala sa bahay nitong mga nakaraang araw. Kanina nga umalis ako, wala siya." ininom ko ang kapeng binili niya sa akin dahil libre niya daw ako at hindi ako pwedeng tumanggi. Nasa isang coffee shop kami ni Asther pero sa labas kami naka pwesto kung saan may mga built-in na payong ang mga lamesa dahil hindi kami pwede sa luob dahil naninigarilyo siya.

"At di rin alam ng mga magulang mo kung saan siya nagpupunta?"

"Hindi. Ako nga tinanong nila kung alam ko eh kaso parehas nila ay hindi ko alam. Pakiramdam ko tuloy parang ang layu-layo namin sa isa't-isa kahit na magkambal kami at magkasama sa iisang bahay."

"May nangyari ba sa kanya nuon na natatandaan mo na dahilan ng pagbabago ng ugali niya?"

"Ha? W-wala naman. Bakit mo natanong?"

"Impossible kasing magbago ang isang tao ng walang dahilan, Ori. Lahat may dahilan. Root cause analysis ba. Ako, kaya ako nagka-anak ay dahil sa pag lapastangan ni Crate sa akin but don't get me wrong. Hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi ko kasama ang anak ko dito at iniwan siya kay Amiro at Miranda."

"Wag ka magalala. Hindi ko naman iniisip na isa pabaya kang ina pero tama ka. May dahilan kung bakit ganun si Oro. Ang kaso, hindi at ayaw niyang sabihin sa akin. Duon ako nasasaktan at nahihirapan. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na aalis ako ng blue stone. He's unpredictable kapag galit siya unlike me na mabilis basahin."

"Baka naman kasi nageexpect ka rin something in return. Something that is more what you want for you to happen with your twin brother. Siguro nga tama na humiwalay ka muna sa kanya. You never know, baka tama ang desisyon mo na iyan at dito mo mahanap ang mate mo na para sa'yo na syempre tulad natin. Gaya nu'n oh." nginuso niya ang isang matangkad na lalaki na nakapila sa may counter sa luob ng cafe at sakto namang lumingon ito sa amin at ngumiti. Mukha namang hindi siya tulad naming taong-lobo pero parang may kakaiba sa kanya na hindi ko mawari.

HIS ADMIRED POSSESSION (BL•FOA PREQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon