Kira's POV
Ayaw na ayaw ko talaga kapag umuulan,ayaw na ayaw ko din nagdadala ng payong kahit na lagi akong pinapaalalahanan ni Mama na magdala ng payong pero wala eh matigas talaga ulo ko hindi ko pinapakinggan si Mama lagi ko na lang sinasabi sa kanya na "Wag na Ma,Hindi naman yan uulan ang init-init eh,tsaka kasabay ko naman na umuwi si Ashley may dala namang payong yun incase na umulan man hahaha".
Yan lagi ang linyahan ko,Wala naman magawa si Mama. Tinatamad talaga akong magdala ng payong kase hindi ko naman nagagamit sa pag-uwi galing sa eskwelahan kase nakikipayong nalang ako sa kaibigan kong si Ashley papuntang sakayan ng jeep dahil medyo mainit pa tuwing uwian namin. Kapag wala naman si Ashley sige lang maglalakad ako ng walang payong papuntang sakayan ng jeep kahit na minsan ay sobrang init,thankful pa nga ako kapag mainit kaysa naman sa umuulan dahil lagot na naman ako kay Mama dahil uuwi na naman ako na mukhang basang sisiw.
"Tara na uwi na tayo,Nasaan na payong mo? buksan mo na daliii...Ang Init!" sabi ko sa kaibigan kong si Ashley na lagi kong kasabay umuwi.
"Oo na eto na po oh! Hindi kase nagdadala ng payong tapos grabe magreklamo sa init. Oh baka naman may dala kang payong diyan tamad ka lang magbukas,Kung yun ang ikinatatamad mo ako na po magbubukas. Nasaan ba?" akmang kakalkalin na ni Ash yung bag ko at iniwas ko na lang.
"Iiihhh wag na! Tara na Ash sa susunod ko na lang gagamitin. Daliii!!!" sabi ko naman kay Ashley at hinatak na siya.
"Haysss Kira,tamad talaga neto. Pano pag wala ako tapos umuulan pa wala kang dalang payong,Panigurado uuwi ka na namang basang sisiw dahil alam ko may dala ka man payong o wala di mo parin gagamitin tapos reason mo "keri lang yan,malapit lang sakayan ng jeep,kayang kaya takbuhin." panenermon na naman sa akin ni Ashley.
"Wow,you got it,Memorize mo na talaga mga dahilan ko hahaha Apir tayo dyan prend" sabay hagalpak ko sa pagtawa.
"Haysss Ki,bahala ka mag-aabsent ako bukas!" huling sabi sa akin ni Ash nang makarating na kami sa sakayan ng jeep at sumakay na sa magkaibang jeep dahil magkaiba ang daan papunta sa amin at sa kanila.
Kinabukasan ay umabsent nga si Ash so it means ako lang mag-isa uuwi neto,Sana na lang ay wag umulan naku...
Habang nagkaklase kami sa last subject namin ay kapansin-pansin na dumidilim na ang kalangitan nagbabadya na ang malakas na ulan.
"Naku naman eto talagang si Ashley wrong timing kung mag-absent,uuwi na naman ako netong basa huhu" sabi ko sa aking sarili habang nakatingin sa bintana at tinatanaw ang unti-unting pagbuhos ng malakas na ulan.
Kainis naman,sana tumila din mapapagalitan na naman ako neto kay Mama.
Hanggang sa uwian namin ay hindi pa tumitila ang ulan pero lagi ko ngang sinasabi kay Ash
"keri lang yan,malapit lang naman sakayan ng jeep,kayang-kaya takbuhin"Ganun na nga ang nangyari tinakbo ko lang naman hanggang sa sakayan ng jeep,kahit na malapit lang naman ay nabasa parin ako ng ulan dahil sobrang lakas ng pagbugso nito,Nakipag-unahan na nga ako sa mga sumasakay at umupo ako sa tabi ng pintuan at baka magreklamo na naman yung makakatabi ko dahil basang-basa talaga ako.
Hanggang sa napuno na nga ang jeep,at umandar na ito sa aking tabi ay narinig ko ang isang babae na nagrereklamo.
"Ano ba yan,ang basa naman dito,pati ako nababasa. Naligo yata to sa ulan eh" maarteng sabi ng babae.
BINABASA MO ANG
ULAN: The Umbrella Guy (ONE-SHOT STORY)
Truyện NgắnIsang araw nung umuulan May isang lalaki ang lumapit sa aking kinalalagyan May dalang payong na siyang iniabot sakin Ito'y matangkad,maputi at singkit na may suot na salamin Ang kanyang pagdating ay biglaan,ang kanyang pag-alis ay kay bilis din Hind...