PANGATLO - ANG PAGBABAGO

11 0 0
                                    

Iyah's POV

Dear Diary,

Isang linggo na ang nakalipas at sa loob ng isang linggo na 'yun, napakarami kong naranasan na ayaw ko. Tulad nalang ng madulas sa cafeteria, mapahiya sa harap ni Crush, at ma indyan ng bestfriend kong hinayupak.

Pero, past is past ika nga, learn to forgive.

I'm currently walking beside the park in our village. Kaloka! English yun ah!

Marupok man sainyong paningin, nagmumuni muni parin kung ano ang gagawin.

Boom, rhymed!

Sa isang linggong nakalipas may maganda rin namang nangyari sakin, tulad nalang ng magtatapos na ko ng year na 'to at with honors pa.

Sampu kaming honors sa section namin and I'm glad na natawid namin ng maayos yung school year na'to kahit na may mga nangyari cheating just to get higher grades.

I'm against with the cheating thing, ang tunay na matalino, utak ang inaasahan. Hindi ang pandadaya.

I don't really know kung ano man yung dahilan and I really don't want to judge them.

Tatlo lang ata kaming nakapasok ng with honors ng walang ginagawang cheating o pandaraya.

Pero tulad nga ng sinabi ko kanina, past is past and learn to forgive.

1 week nalang recognition na, and 1 week ko nalang rin makikita si Crush, and after that 1 week, bakasyon na. Then next school year, iba na mga kaklase ko.

Nakakainis, ayoko mang umalis, pero di naman pwede.

I'm turning grade 9 next school year, and also section 1 na. Mas pressure at mas kailangang magsipag.

Pero ang pinakanakakainis sa lahat, kaklase ko na si Luc.

Bakit nakakainis? Hindi ko na siya crush, I hate him! Pinaasa niya lang ako. Nagchachat kami, ramdam na ramdam ko yung coldness pero I'm still fighting for my feelings. Nakakainis lang na pinaasa niya lang ako kahit na ganun na yung pagtitiis na ginawa ko.

Then I'm seeing posts on the facebook posted by him. If I'm not mistaken it's Profoundly?

Where you can say or ask what you want to the person, anonymously.

Yun nga nga, nakakakita ako ng posts na sinasagot niya like..

"Hi crushy!"

Reply : PM is the key.

Like what the f diba? Kasi ako na matagal ng may gusto sakaniya at nagtitiis sakaniya na nakakachat niya ko tas di niya ko nagustuhan. Pano pa yung mga anonymous lang na di mo naman alam kung good looking.

Well, di ko naman sinasabing maganda ako but I'm pretty kung maayusan. Simple lang, may kaartehan rin sa katawan at may pagka attitude, pero keri lang naman pagnaka close moko.

So balik tayo dun sa 1 week nalang bakasyon na. Diary! Anong gagawin ko sa bakasyon? I'm planning to do something stupid panaman, and I feel sorry for them.

-

RECOGNITION DAY

Here I am, on-time naman ako nakarating, I think maaga pa nga eh. Di na kami masyadong nag-ayos except kay Jesica, my friend. Nalate tuloy siya ng 5 minutes I guess? Buti nalang di pa nagstart.

After 2 minutes, pinapila na yung mga with honor students to the hallway para mag march with their guardian.

Nauna yung mga grade 7 na may dalawang section which is Amethyst and Aquamarine. Then finally grade 8.

Nauna ang section 1 which is Adelfa, they do have so many honors, makasali kaya ko sakanila or makasabay in grade 9?

Nang matapos na magmarch ang Adelfa, our section is next. Bougainvillea.

Bougainvillea, where legends are born.

Well, automatically naman na naka by surname siya so nauna si Princess which is the top 2 in our class, sumunod si Nickson and I don't know what's his ranking pero nasa 7 ata siya. Next is Frida, matalino and maganda siya pero napabarkada nasa rank 9 ata siya. Next is Rean, she's the current top 3 in our class. Next is Zyrene, nasa 10 ata. Then Roch, rank 6. Next is Sunshine, I don't really know but I think 8. Then me, the top 1 in class. Yes I'm proud.

Sobrang proud kong naglakad with my mom, but I don't know, hindi ako makachin up, I'm just happy and proud of myself.

Sumunod na si Jesica, the current top 5 in our class. And Bea the current top 4 of the class.

After grade 8 ofcourse the grade 9 with the sections of Azure, Beige, Crimson and Ebony.

Naging madali lang ang daloy ng recognition namin, saglit lang din siya kasi sabit lang ng medal sa stage, picture tas baba na.

-

Bakasyon

(Dito na papasok yung lahat ng sumunod, puro kathang isip ko nalang - author)

Unang araw ng bakasyon, walang magawa.

Pagkagising, toothbrush, hilamos, cellphone.

Ano pabang iba? Wala naman akong kachat kasi di ako friendly. I mean, di ako nang a-approach ng isang tao.

Fudge, mas gusto ko nalang mag-aral ng mag-aral kesa sa magbakasyon.

S'yempre kayo gustong-gusto niyo ng bakasyon, while me? Hating it.

Psh, gusto ko maggala with a friend, yes, just a friend, not friends.

Maybe I can contact Love.

Calling Love..

[Hello?]

"Hey Love, it's me---"

*boogsshh*

"Ano bayan! Call you later."

Napatingin ako sa lalaking bumunggo sakin. Pero natulala nalang ako kasi ang gwapo niyaaaa!

Dream guy!

"Sorry miss, di kita nakita nakatingin kasi ako sa baba." sabi niya. "Nasaktan ka ba?"

"No! It's okay, sanay naman akong nasasaktan."

"Wews, got to go miss."

Hmp! Suplado, joke lang yung kanina na dream guy.

Tinignan ko lang siya while running away. Siguro may pupuntahan talaga siyang importante at hindi dapat siya malate. But I guess he's already late.

Love,
Iyah❤️

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng MARUPOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon