Unang hakbang
Finally! Nakamove-on na din ako sa loob ng isang taon! Alam kong masyadong matagal yan. Pero anong magagawa ko? Minahal ko ng todo yung gagong lalake na yun eh!
Pero ngayon, HAHAHA(sabay ngisi)... Sisimulan ko ang malademonyo kong revenge sa lalakeng yun!
By the way, andito nga pala ako sa school ngayon. Unang araw ng pasukan! As usual, makikita ko yung pagmumukha ng gagong yun!
Napakainosente ng mukha niya, yung lalakeng nerd kung titignan! Matalino siyang tao, pero para saakin... Bobo siya! Kasi sinayang niya ang isang tulad ko!
Nakakapang-akit yung mata niyang singkit na tinatakpan ng kanyang eyeglasses. Hindi talaga ako makapaniwalang niloko niya ako! Ang angelic ng pagmumukha niya at kahit na titigan siya ng ilang beses, hindi mo masasabing manloloko siya.
Pero, yucks! Sa ilalim ng napakainosent niyang mukha, ay may nakatagong kademonyohan!
Infact, mas masahol pa sa demonyo! Mapanggap siyang tao eh! Kala mo ang bait- bait! Pero yun pala... HAHAHA! Gago!
Speaking of! Naglalakad siya ngayon sa gate mag-isa. At madaming laman ang bag niya na sa tingin ko ay puro libro ang laman.
Tsss. Studious?! I don't care! (sabay ngisi). Pareho lang kaming may magaling na utak! Pero ang tanga ko rin eh no?! Napaniwala at nabulag ako sa lalakeng katulad niya!
Eto na siguro yung perfect time para masimulan ko na ang aking revenge!
Habang abala siya sa paglalakad, sakto namang nakita ko yung bestfriend ko na kakapasok lang sa gate.
So ang plano ko, kunware yayakapin ko siya! Pero ang totoong yayakapin ko ay yung bestfriend ko! Hahaha... Pero imbes na frenny ang isisigaw ko, ay yung endearment namin nung kami pa ng gago kong ex! Hahahha...
"Hubby! I miss you!" (sabay buka sa mga kamay ko para yakapin siya)
Nakita ko na napataas siya ng tingin saakin kaya naman, nagulat siya sa bigalaang pagsulpot ko! Mukhang di niya ako napansin kanina! Hahahha.. 'Nagulat ka pa! Kala mo ikaw lang ang hubby ko?' Hahahaha.. (gusto kobng sabihin ngunit binalewala ko nalang)
Ang alam niya, siya ang yayakapin ko kasi kitang-kita ko yung pagkagulat sa mga mata niya. At ng isang hakbang nalang ang layo namin sa isa't-isa, dumiretso ako sa bestfriend ko!
Sa boy bestfriend ko... na pinagseselosan niya noon! Hahahha..
Nakita ko sa mga mata niya na nagtataka siya! Sige magtaka ka pa! Isipin mo na, kami na nung lalakeng pinagseselosan mo noong mga panahong 'tayo' pa!Niyakap ako pabalik ng boy bestfriend ko! Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang mga mata niyang nakatingin ngayon saamin.
Hahhaha.. Perfect! Yan ang gusto ko! 'Mamatay ka sa kakatingin saamin! Gago!' Gusto ko yang sabihin sa kanya pero baka mahalata ako, kaya naman ngumisi nalang ako!
"Oh wifey! Kala ko ba, di ka papasok ngayon?" natatawang sambit ng boy bestfriend ko. Sabay bitiw sa yakapan namin.
Alam niya na ang plano ko, kaya naman imbes na frenny ang itawag niya saakin ay napagdesisyonan naming yung endearment nalang namin ng gago kong ex ang call sign namin!
Bago ko pa masagot yung tanong ng boy bestfriend ko ay nakita ko na sa gilid ng mga mata ko ang pag-alis niya.
Hahahaha... Buti nga sayo! Gago!
"Hubby!" sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig ng gago kong ex!. "First day of school eh, baka may mga assignments na naman tayo! Alam mo naman na hindi uso ang paglilinis dito sa school natin atsaka alam naman na nila yung mga pangalan natin kaya di na natin kailangan magpakilala pa. Unless, may bago tayong classmate." sagot ko sa bbf ko." Oo nga naman! Mukhang ayos yung acting natin sa ex mo ah! natatawa niyang sabi. Sigurado ka bang di ka minahal nun? Kung makatingin satin kanina, parang gusto niya tayong suguring dalawa eh! natatawang sambit nito.
"Naku,naku frenny! Wag mo akong biruin ng ganyan! Wag kang magpapaniwala dun kasi mukha lang siyang mabait pero ang totoo, demonyo yun!" nakangisi kong sagot sa bbf ko.
"Hayss, ikaw talaga! Halika na, at baka malate pa tayo sa klase natin" sambit nito.
"okay".
BINABASA MO ANG
My Revenge
Teen FictionHe broke my heart. He give me a pain. He hurts me so much. He is the one and only man that I loved. But at the end, he broke my heart. I want a revenge! A revenge that gives him, so much pain! Be ready my enemy! ...