Chapter 2

11 0 0
                                    

Nakatitig siya sa akin!

Habang tinitignan ko sa  isang malaking bulletin board kung saang section at saang room ako papasok, nahagip ko ang isang matang kanina pa ata ako tinititigan!

Agad akong lumingon sa taong yun, at naningkit ang aking mga mata ng makita ko ang gago kong ex!

Wtf! Bakit ako tinititigan nito?! Tumingin ako sa likod kung may tao pa ba ngunit  wala talaga!

So ako nga  ang  tinititigan niya kanina! Tumaas ng bahagya ang aking kilay at  saka ko siya tinignan pabalik. Ngunit agad rin siyang nag-iwas ng tingin, kaya naman pinabayaan ko nalang.

Hayss.. Makapasok na nga dito sa room! As usual nasa first section na naman ako! Nakakasawa na din minsan itong mga mukha ng mga classmate ko! Mula grade 7 hanggang ngayong grade 10 ko, sila na naman ang makikita ko!

Haysss...  Anong magagawa ko? Eh magagaling sila eh. Wala rin namang kaso yun saakin dahil mga mababait naman kami.

Oopsss! Noon lang pala ako mabait! Pero ngayon, mabait nalang sa mabait!(sabay ngisi).

By the way, my name is 'Maria Xiamara Samantha Valdez' . You can call me "Samantha". At dahil maganda ang pangalan ko, dapat napro-pronounce  ng mabuti yung 'H' sa SamantHa!

Gusto niyo bang malaman yung pangalan ng ex kong gago?! Hahaha.. Tawagin niyo nalang siyang 'gago' tutal bagay naman sa kanya yun!

Haysss..  His name is  'Stanford Kein  Guilford' or you can call him, "Gagong   Kein'! Ang gwapo ng pangalan pero yung ugali! Mukhang tae!  Hahhahaa..

Mygod! Anong oras na ba?! Mage-eight o'clock na ng umaga, pero wtf! Wala pa yung teacher?!

" Hi Samantha! Balita ko hiwalay na kayo ni Stanford ah! " nakangising pangbati saakin ng isa sa mga backstabber kong  classmate.

Tinignan ko siya ng pataas hanggang pababa, saka ako ngumisi ng plastic sakanya.

"Oh  Shania! Ikaw pala. Alam mo girl, gumanda ka! Grabe.. Sobrang gumanda ka!  Yung feeling na halos mabali lahat ng ulo ng mga taong titingin sayo kapag titignan ka nila!
plastic kong bati sa kanya. Like duh! Sino siya para makialam sa lovelife ko. Porke  nalaman niya na hiwalay kami ng ex ko! Nakikipag-batian  ngayon saakin ng ganyan?! Mas na- appreciate ko pa sana kung naggoodmorning nalang siya saakin.

"Oh thank you! Alam ko na yan, alam ko namang since birth na akong maganda! nakangiti niyang sambit saakin.  So, totoo bang hiwalay na talaga kayo ni Stanford?  Tanong  niya ulit saakin na may kasamang plastic na ngiti.

Yucks! Anong sabi niya kanina? Mukhang nabingi ako sa sinabi niya kaninang 'maganda na daw siya since birth'! Wtf! Saang parte naman ng mukha  niya ang maganda? Eh mukha nga siyang porn star sa make-up niya ngayon eh!  Ang kapal-kapal ng lipstick, kala mo naman bagay sakanya!

Imagine! Yung suot niya ngayong damit, kulang na lang makita yung mala- 'Mia Khalifa' niyang boobs!
Tapos yung  pants niya! Ang lalaki ng butas  sa may bandang hita, at may butas pa sa may bulsa!  Buti sana kung style lang! Eh mukhang yung maliit na butas na style ng pants niya ay pinalaki  niya hanggang sa makita na yung kaluluwa niya!

" Ah si Stanford! Oo, break na kami. Ang saya saya ko nga nung nagbreak kami eh... Kasi  wala ng pipigil sa mga gusto kong puntahan at sa mga gusto kong kainin. Na hindi ko napupuntahan at nakakain nung  kami pa." nakangisi kong sagot sakanya.

" Talaga? Balita ko kasi, di ka pa daw nakakamove-on sa kanya?" natatawa niyang tanong sa akin.

Tangina mong babae ka! Kung pwede lang kitang iuntog sa kinauupuan ko ngayon, ginawa ko na. Kaso baka sabihin niya mamayang guilty ako eh. Where in fact, hindi naman!

" Sino naman nagsabi sayo niyan  Shania? , halata kasing fake news eh. Kung ako sayo,  sasampalin ko yung nagpabalita sayo niyan." mukhang seryosong sabi ko sakanya.

"Bakit nakamove-on ka na ba talaga?" nakangising tanong niya.

"Offcourse yes! Ako pa! Ang dali-dali lang kayang magmove-on! Alam mo shania, kung ikaw hindi ka pa nakakamove-on sa ex mo, ishe-share ko nalang sayo yung mga ginawa ko para makamove-on ako sakanya".  pekeng ngiti ko sa kanya.

"Talaga?"  halos pabulong niyang tanong.

Napangisi ako sa tanong niya. Boom! Lumabas rin ang totoo mong pakay saakin! Hindi ka pa pala nakamove-on sa 3 years mo ng ex ah! Hahahahaa... Kung tanga ako, mas tanga kang babae ka! Uto-uto ka rin eh! Hahhahaa... Hindi kita tutulungang makamove-on gaga!

"Ang totoo niyan, hindi ko alam  kung  paano talaga ako nakamove-on eh. Basta bigla-bigla nalang nawala yung pagmamahal ko sakanya. Kaya siguro, hindi pa ngayon yung panahon para makamove-on ka. Hintay-hintay ka pa. Baka magugulat ka nalang, nakamove-on ka na pala".  Plastic kong ngisi sa kanya.

Pasalamat nga siya at maganda pa yung sinabi ko eh...Hayss, pagkatapos kong sinabi yun, ngumiti lang siya sakin at nagpasya ng umupo sa kanyang upuan.  Tss, buti nga sayo!

Haysss.. Makaalis na nga, since kanina pa  hindi dumadating yung teacher namin, tutal 5 minutes nalang second period na. Kaya  pupunta na ako sa susunod na subject namin.

My Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon