Natapos na din ang isang buong araw sa Seijin Academy. Sa wakas makakaranas din ako ng kapayapaan. Mag-isa lang ako sa bahay, dahil si Kuya may sariling condo unit dito sa condominium ng school kasama niya yata yung mga loko loko niyang kaibigang nagpasan sakin kaninang recess.
Pagkadismiss ng prof namin agad akong tumakbo papalabas ng classroom ng biglang bumungad sa akin si kuya, muntik ko na siyang matamaan ng pinto.
"Lil sis I'm taking you somewhere, you need to come with me. I already asked permission to your, I mean OUR mom. Walang tao sa bahay so pumayag siya, naiwan mo din yung susi mo so you have no choice but to come with your handsome brother." Dirediresto niyang sabi sa akin.
Fudge! Yung susi ko, anak ng tokwa naman! Naiwan ko pa...tsk akala ko pa naman kapayapaan na ang bubungad sa akin makalabas ako ng pintuang ito, ang aking PINAKAMAMAHAL na kuya lang pala. I guess I have no choice but to go with them.
Lumabas kami ng High School Building at naglakad pa ng kaunti. Nakarating kami sa parking lot. Madaming bulaklak at iba pang halaman na magandang tanawin habang naglalakad. Nagkwekwentuhan sila kuya habang kami ay naglalakad. Madami din ang patingin tingin sa amin...lalo na sa akin. Tumigil kami sa tapat ng isang matte black na audi, kotse ni kuya. Pinasakay niya ako dito at sumakay naman sa kani-kanilang kotse ang kanyang mga kaibigan. Puro mamahalin at pormado ang kotse nila. Napakalaki ng kabuoan ng campus na ito kaya medyo malayo din ang nilibot namin para marating ang condo nila. Lumipas ang ilang minuto at narating na namin ang condo nila. Maganda ang pagkakatayo nito, moderno at mukhang elegante ang dating. 10 floors and condo nila Kuya. May sensor ang pintuan kaya agad itong bumubukas kapag may tao. Pumasok na kami sa loob at binati sila ng mga guard. "Goodevening sir!" Masayang bati ng guard sa amin. Pinindot pa ng isa pang guard and elevator para sa amin. Malaki ang elevator at gawa ito sa glass. Di ko na napansin at nakarating na din kami agad sa 10th floor. Hindi ako kumikibo, dahil unang una wala na akong gana para pumunta dito...gusto kong umuwi at magpahinga sa bahay mag-isa.
"Lil sis! Hey! Pstt! Tulala nanaman...Tsk!" Tawag ni kuya sa atensyon ko.
"Waeyo?" Walang emosyon kong sagot.
(*waeyo* = why)"Were here...come inside Palli!" Sagot niya naman.
(*palli* = faster)Napakalaki ng unit nila! Sala palang ang aking nakita, ngunit malaki na ito para sa kanilang lahat. Kompleto din ang gamit. Maganda din ang interior design ng unit. Nagpakulay pa sila ng walls. Matte black at may white na furnitures yung unit kaya mukhang elegant talaga. Pero...nasan ang kwarto nila?
"Lil sis! Let's go to my room." Utos ni kuya.
Sinundan ko lang siya...namangha ako ng biglang nag-open ang ang isang dingding...parang s-secret passage.
"Yung sala...yan yung largest room sa 10th floor, parang suite room. Kapag sa left ka pumunta nandon yung room nung apat. (Jin, Hoseok , Taehyung, Jungkook). Normal room lang yan kaya mas maliit kumpara sa sala. Dito sa side ko nandyan yung room nung dalawa (Jimin, Yoongi) at isang visitor's room where you cand spend the rest of the night. We're here...here's my room." Kwento ni kuya habang naglalakad.
Maganda ang pagkakagawa ng kuwarto niya, pinatanggal din pala nila ang kusina kaya maluwag ang itsura. Tanging cr at bedroom lang ang natira.
May asong bumugad sa akin pag pasok ko sa kwarto niya. Ano kaya pangalan mo?
"Min Min!" Napatingin ako kay kuya ng tawagin niya ito.
"He's my doggie, Min Min!" Sabi niya ng pangalan ng aso na tila bang nabasa niya ang utak ko.
"Min Min!" Tawag pansin ko sa aso.
Lumapit siya sakin at hinimas himas ko siya.
"You never told me you have a dog." Sabi ko kay kuya.
"You never asked, nor talked to me for like 10 years?" Ngisi niya at sinabi ito sakin.
10 yrs? 10 yrs na pala kami di nag-uusap.
I was 5 yrs old when we last talked. Well it was his fault anyways.
BINABASA MO ANG
One of The Boyz
FanfictionLumipat ako sa Seijin Academy at doon ko nakilala ang pitong lalaking pinagtitilian tuwing sila'y dadaan...sila nga ba ang sisira ng buhay ko? O sila ang bubuo nito?