Chapter 7

7 0 0
                                    

Unique's POV

"Nak gising na may pasok ka ngayon." sabi ni mama.

Pagkarinig ko ng mga salitang iyon iminulat ko agad ang aking mga mata, nanatili akong nakatitig sa aking kisame.

"Jules." bigkas ko.

*beep* *beep*

Napalingon ako sa gilid ko kung san naka patong ang cellphone ko saka ko yon kinuha.

From: Badjao
/Tol gising kana ba?/

Hindi na ako nag reply dahil napag desisyunan ko ng bumangon at tumungo sa cr para simulan ang aking araw.

@School

Kasalukuyan akong nasa library dahil wala pa sila Blaster, Zild at Badjao, ng mapansin kong may magandang dalagang iniluwa ang pintuan ng silid na ito.

"Jules." bulong ko sa sarili ko.

Nakita niya ako kaya naman agad siyang ngumiti at mukhang tutungo sa pwesto ko dahil ako lang rin naman mag isa.

Jules' POV

"Sige mag kita nalang tayo uli sa classroom wala pa naman yung Prof natin eh thank you." sabi ko sa kaklase ko.

Nasa hagdan na ako ng makita ko si Unique na pumasok sa library sa katabing building nitong kasalukuyang kinalalagyan ko.

Napag desisyunan kong puntahan siya dahil mukhang wala pa yung tatlo.

Tamang tama pag bukas ko ng pintuan agad kong nakita si Unique napansin ko namang nakatingin siya sakin kaya naman nginitian ko siya, pero bakit parang kinakabahan na siya ngayong papalapit nako? hmm.

"Uy ikaw lang mag isa?" tanong ko.

Shet ang bobo ng tanong mo Jules malamang mag isa siya wala yung tatlo nakalimutan mo bang matalino si Unique? ano ba yan nakakahiya.

Ngumiti muna siya bago sinagot ang tanong ko.

"Ah oo wala pa yung tatlo inaantay ko." sagot niya.

"Ah pwede bang makiupo para naman di ka mag isa." tanong ko uli.

"May choice pa ba ako?" sabat ni Unique.
"Andyan kana eh." pahabol pa nito.

"Ay ganon ba sorry." napapahiyang sabi ko.

"Joke lang sige maupo ka." biro nito.

"Salamat." sambit ko.

Unique's POV

Isang oras na kaming nandito ni Jules sa library dahil nauna na sa klase si Badjao at Zild, si Blaster naman nasa canteen at ang klase naman namin ni Jules ay mmya pang 1:00 pm.

Pinagmamasdan ko ang kanyang mukha habang panay kwento siya medyo madaldal ang isang to' ilang beses na ba namang nasaway ng librarian eh psh.

"Eh ikaw? bakit ka nag stop?" tanong niya.

"Hindi mo na kailangan malaman." sagot ko.

"Hala sorry na invade ko ata privacy mo." pag papaumanhin niya.

Nagulat ako nung unti unti niya ng niligpit ang gamit niya at akmang tatayo na ng hawakan ko ang kamay niya.

Napalingon siya roon kaya agad ko ring binitawan ang kamay niya.

"San ka pupunta?" sabi ko.

"Pupunta sana ng canteen nag text si Blaster eh wala raw siyang kasama." sabi nito.

"So iiwan mo ako?" tanong ko.

"Hindi naman sa ganon gutom narin kasi ako." sagot nito.

"Joke lang sige samahan na kita." sambit ko.

Kinuha ko ang librong bitbit niya knina at dinala ko iyon na ikinagulat naman niya.

"T-teka Unique, nakakahiya naman, ako nalang nalang mag bibitbit niyan." uutal utal na pahayag nito.

"Ako na." pag mamatigas ko.

"S-sige." pag sang ayon nito.

Blaster's POV

Ang tagal naman ni Jules.

"Ate isa pa nga pong burger with double patty po sana hehe." sabi ko sa tindera.

Habang inaantay ko ang order ko naalala ko nanaman yung araw na lumabas kami nila Badjao at Jules, nung kumakain kasi kami nakita ko tlaga na magkasama si Unique at Zild hindi ko alam kung anong meron dahil hindi ko pa naman nakakausap si Zild or maski si Unique tungkol doon, nag tataka lang kami ni Badj dahil wala namang naka set na lakad nung araw na yon kaya nga naging libre kami ni Badj na sumama kay Jules.

"Lalim ng iniisip ng lutang namin ah?" sambit ni Unique.

"Ahe bat andito ka? magkasama kayo ni Jules?" nagtataka kong sabi.

"Ah oo ter, nasa library kasi kami knina." sagot ni Jules.

"Ay ganon ba? mga di nag aaya, ayaw paistorbo no?" tanong ko kay Unique.

"Uy umayos ka nga, lutang ka talaga eh."
sabi ni Unique.

"Joke lang." sabay tawa ko.

Halatang hindi kumportable si Jules na kami lang ang kasama kaya naman tinext ko na si Badjao na bumaba dito sa canteen para masaya hahaha.

Jules' POV

Ayaw parin mawala sa isip ko yung ginawa ni Unique earlier, alam kong hinawakan niya lang yung kamay ko pero parang may iba lalo na nung tinanong niya kung iiwan ko ba siya? ang weird lang talaga.

Nasa harapan ko na silang apat ngayon, never kong na imagine na makakasama ko sila sa iisang school at magiging kaklase ko si Unique.

"Lalim ng iniisip mo ah?" tanong ni Badj.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Zild.

"Namumutla ka ata?" tanong ni Blaster.

"Ah okay la---

Badjao's POV

Kanina ko pa napapansin na hindi okay si Jules kaya naman tinanong na namin siya kaso bago pa siya makasagot na okay siya..

Nagulat kaming tatlo nung mabilis siyang nasalo ni Unique, hinimatay si Jules kaya naman tumawag si Zild ng nurse para asikasuhin siya.

Ang mga tao sa paligid ng canteen ay nag bulung bulungan imbes na tumawag ng tulong.

"Hala Jules gumising ka." sambit ni Blaster.

"Jules! Jules! Jules!" panay tawag ni Unique.

"Malapit na yung tulong!" sigaw ni Zild.

At ayun nga dinala na si Jules sa nurse room, lahat kami nag aantay na magising siya ngunit ang taranta samin ay hindi mawala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

From His Fan to His GirlfriendWhere stories live. Discover now