Chapter 1

32 0 0
                                    

"Mga ilaw sa daan!"

Lahat ng mga tao masayang nakikisabay sa alon ng tugtugin ng apat na binatang nasa maliit na entablado ng Route 196.

Samo't saring damdamin ang nangingibabaw ng gabing yun na kung tawagin ba ng iba ay memorable.

Nasa gitna ang isang dalagang nakangiting nanunuod sa performance ng apat na binatang nasa kanyang harapan.

Yung ngiti niyang napaka ganda para sa isang dalaga na animo'y inaantay silang bumaba mula sa entablado at lapitan siya.

Kinakabahan na masaya ang dalaga, hindi niya na namalayan na sumasabay narin pala siya awit.

Jules' POV

"Mundo'y magiging ikaw.."

Ang sarap talaga nilang panuorin sobrang nakakawala ng stress speaking of stress babalik na pala ako sa school next week parang ayaw ko pang matapos tong bakasyon, well wala naman talaga akong ginawa ngayon bakasyon nanuod lang alo ng nanuod ng gigs nila.

Gusto niyo bang malaman kung sino tong bandang tinutukoy ko? Osige ipapakilala ko sila.

Yung lalaking nasa drums yun si Christian a.k.a Badjao the cutest drummer in town balita ko siya ang eldest sa banda pero he's one of the fluffiest at ang cutie pa ng tawa niya.

Yung lalaking nasa lead guitar yun si Blaster tulad ng name niya napaka kakaiba din ng isang to' kahit ano atang hawakang gitara neto eh halimaw sa galing eh.

Yung lalaking nasa bass guitar yun naman si Zildjian a.k.a Zild balita ko naman siya ang Tita ng banda napaka sophisticated ng style and halimaw rin sa entablado ang isang to' at best friend siya ng pinsan kong si Barbara kaya nga ata sa kanya ipinangalan yung isa nilang kanta na "Hey Barbara" birthday gift ni Zild sa kanya.

And last but not the least yung lalaking naka salamin na parang may bunot sa ulo yun naman si Unique napaka mysterious ng personality niya sa interviews naman nila hindi siya ganong masalita eh pero halimaw rin tumugtog yan at ang boses niyan ay sobrang sarap pakinggan sa tenga, gusto ko pa siyang makilala dahil talagang curious ako.

At sila lang naman ang IV OF SPADES
Ops bakit IV of Spades? hindi dahil apat sila ah? IV of Spades kasi ung card na nakuha ni blaster sa wallet ng kapatid niyang magician dun nasulat yung una nilang set list nila sa practice kaya naman naging ganon ang name ng banda nila ang astig diba?

"Oy! ang lalim nanaman ng iniisip mo dyan!" sabi ng pinsan kong napaka sungit.

"Sorry na may naalala lang ako." malungkot kong sambit.

"Ano nanaman ba yun Julene?" pangunguwestiyon ni Barbara sakin.

"Barbara, pano kung mahal niya pa talaga ako? na joke lang yung break up namin?" tanong ko.

At ayun nga binatukan ako ng pinsan kong baliw.

"Aray naman!" pagsusungit ko.

"Ayan dapat lang yan sayo shunga ka nanaman kanina nakangiti ka tas ngayon malungkot ka!" sermon ni Barbara.

"Eh sige na hindi na sorry na." sabi ko.

"Basta ienjoy nalang natin tong gig na to IV Of Spades na yung nasa harap mo oh! isipin mo nalang na hinaharana ka nila!" sigaw ni Barbara.

"Nasasabi mo lang yan porket dedicated yng kanta nilang Hey Barbara sayo!" sagot ko.

"Well." pagyayabang ng pinsan ko.

At tinapos namin ang gabing puno ng magulong kwentuhan.

"Oh dad bat gising kapa po?" sabi ko kay Dad.

"Hinihintay talaga kita nak." sabi ni Dad.

"Ano pong meron?" sabay beso ko kay Dad.

"You know what tomorrow nalang natin pag usapan okay? umakyat nalang kayo ng pinsan mo at mag pahinga na." sabi ni Dad.

"Sige po dad good night po." sambit ko.

"Good night den po tito dad." sabi ni Barbara.

Habang nakahiga ako sa kama ko napaisip ako dahil ilang araw nalang babalik nako ng school panibagong adventures nanaman.

Habang lumalalim ang gabi hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

From His Fan to His GirlfriendWhere stories live. Discover now