Enjoy reading, mga bhiebhie's
Caine
Simula nang magwalk out si Isabela sa hotel room ko that time ay hindi ko na siya nakita pa. Sinundan ko siya kahit sobrang sama ng pakiramdam ko pero hindi ko na siya inabutan. Kinabukasan, bumalik na din ako ng Manila kahit hindi pa tapos ang shooting. Alam naman nila na masama ang pakiramdam ko kaya pumayag na sila na mauna na akong umuwi.
Pagdating ko sa bahay namin ay hindi ko na siya nakita. Wala namang nagalaw sa mga gamit nito. Pero ilang araw na ay hindi pa rin siya umuuwi dito sa bahay.
Sinubukan ko siyang puntahan sa opisina nito pero nakaleave daw siya. Pinuntahan ko din ito sa bahay nila pero lagi itong wala.
Ang ginawa ko na lang ay inabangan ko na ito hanggang sa makauwi siya.Nang makita kong papasok ang sasakyan nito sa bahay nila ay agad akong lumabas at pumasok na sa gate na pinasukan ng sasakyan nito. Pqgkababa pa lang nito ng sasakyan ay agad ko siyang niyakap mula sa knayang likuran. Sobrang namiss ko siya pero tahimik lang itoat hindi man lang gumagalaw sa kinatatayuan nito.
"Please, let's talk, Asawa koh." pakiusap ko dito. Nanatili lang siyang walang imik. "I can explain everything. Wala akong ginagawang masama. She just came to help me. Walang namamagitan sa'min ng babaeng 'yon. Please believe me." pagsusumamo ko.
"I don't need your explanation, Caine. Our deal is broken and you must stay away." malamig nitong saad sa akin.
"No. Hindi pa tapos ang ugnayan natin, Asawa ko. Just let me explain. Ipapaliwanag ko sa'yo ang nangyari. Ikaw lang ang babae sa buhay ko. Please, believe me." mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya pero nanatili itong nakatayo lamang.
"Bitaw." isang salita lamang ang binigkas nito pero maraming kahulugan.
Umiling ako, "I can't, Asawa koh. I just can't let go. Let me explain."
"Nothing to explain, Caine. I have no time for this today. Just please, hayaan mo na muna ako." nakikiusap na sambit nito.
"Give me a little time to explain. Hindi ako nagloko. She just help me. I promise." pagpapaliwanag ko.
"Are you done? I heard enough, Caine. Let go. Marami pa akong gagawin and it doesn't include talking to you. Just wait for the papers, Caine. Wala na dapat tayong pag usapan pa. Maliwanag ang usapan natin noon. But you broke it. Let's face it, Caine." parang piniga ang puso sa sinabi nito.
"No, Asawa ko. We need to talk and clear things between us. Nagsisimula pa lang tayo, Asawa koh. I made a mistake. But please, pag usapan natin ito." pakiusap ko. Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako habang nakayakap sa kanya. Sinubsob ko ang mukha ko sa leeg nito.
"Wala na tayong pag uusapan pa, Caine. Get lost. Ayoko nang makita ka. You broke it and nothing to fix." agad nitong kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya. Dahil mas malakas ako ay hindi nito natanggal ang pagkakayakap ko sa kanya.
Pinilit ko siyang iniharap sa akin. Nang maiharap ko na ito sa akin ay nakita ko ang walang emosyon nitong mata. Hinawakan ko ang magkabilaan nitong pisngi at hinaplos ito.
"Sorry, Asawa ko. Please... Let's fix this. Ayokong mawala ka." puno ng pagsusumamo ang pakiusap ko. Umiling lamang ito sa akin at hindi na muling nagsalita pa. Nang inilapat ko ang labi ko sa labi nito ay hindi siya tumugon. Doon nawasak na nang tuluyan ang puso ko.
"Mahirap ba sa'yong pakinggan ang paliwanag ko, Asawa ko? I didn't do anything. That girl you were saying is our medical team at inaalalayan lang niya akong humiga dahil masama ang pakiramdam ko at nahihilo ako. You see it in a wrong way, Asawa ko. Please... hindi kita niloloko. Kahit kausapin mo pa 'yong babae na 'yon." pagpipilit ko pa ngunit nanatili itong tahimik.
BINABASA MO ANG
My Midnight Marriage FOUR SISTERS SERIES III [Publish by IMMAC PUBLISHING]
RomanceFour Sisters Series #3 Isabela Macabagbag- isang matapang at hinahangaang abogado sa buong bansa. Unti-unti na itong nakikilala sa larangan ng abogasya dahil sa galing nitong ipanalo ang lahat ng kasong hawakan nito. Paano kung dumating ang lalaking...