Umalis na lang ako at nag cutting classes. Kasi akala ko true friend ko talaga si Cherry.
Pero hindi pala..Ang tanga tanga ko grabe..
Umuwi na lang ako sa bahay at pinuntahan si mama sa kusina..
"Ma.."
"Ano?!"
"Ma, wala na ako sa school ko.."
"Ano?! Ayan kase! Ang bobo-bobo mo! Bakit ka naalis ha?! Nangbully ka ha?! Ang panget mo na nga ang sama-sama mo pa!"
"H-hindi ma, ililipat ako ni Principal Hogwarts sa school na walang mang iinis sa akin.."
"Tsk..Sana nga! Para hindi ka na uuwi ng amoy kamatis! Tsk."
Inamoy ko sarili ko, oo nga..Amoy kamatis ako. Tumakbo ako sa banyo at naligo. Kase naman eh, mga kaklase ko kase..
Pagkatapos ko maligo, umupo ako at nanood ng t.v, aaminin ko. Mayaman kami..Kinuha ko yung cellphone..Maggfafacebook ako..
Pia Rosales
1 minute ago
Lilipat na ako ng school bye na sa school ko.. isa ka na lang sa aking bangungot.
Like●Comment●Share
In less than a minute may naglike na dito at comment..Hindi ko nalang pinansin at nanood na lang uli ng tv tapos ay may narinig akong message nofication na saaking phone..
Cassey Villamor●active now
Cassey:
Masaya akong umalis ka na..Kase hindi ka bagay sa school na yon. PANGET!
Hindi ko nalang siya sinagot..Tiningnan ko nalang ang nofication ko at nakita ko
Cherry Ocampo and 50 other people comment on your status.
5 minutes ago
Cherry Ocampo and 35 other people like your status.
8 minutes ago
Sinilip ko ito at hinanda ang sarili, alam ko na kasing puro mga masasamang bagay ang sasabihin nila na.eto na nga, andami ko ngang nakitang bash comments
Edi umalis ka! Panget!
4 minutes ago
Isa ka rin sa aming bangungot! Hahaha!
3 minutes ago
No one cares! Mabuti ngang umalis ka na FREAK!
2 minutes ago
Fuck u Pia!
2 minutes ago
Alis ka na ngalang panget. Ugly Creature.
2 minutes ago
Tama umalis ka na nga.Tsupee!
1 minute ago.
Halos maluha ako sa mga pinagsasabi nila. Ang gaganda nga masama naman ang ugali.
Pero may nakita akong isang comment na gumulat saakin..
Paulo Reyes
Wag niyo nga siya I-bully!
1 minute ago
Pasikat lang siguro 'to siya? Wala naman akong kilala na Paulo Reyes sa School ah?
Pagkatapos kong magisip may narinig akong sound..may message ata ako!
Tiningnan ko yung facebook ko at nakita sa message ang Paulo Reyes na pangalan.. inopen ko ito at tiningnan ang sinabi niya.
Paulo Reyes●active now●
Paulo:
Hello miss! Saan ka ba mag-aaral niyan?
Aba! Secret baka I-rape mo pa ako..Pero sige sasabihin ko na since may BodyGuard naman sa school siguro..
Pia:
Sa Faith East University.Bakit?
P.S: Hindi ako Nag-aaral sa FEU haha!
Pagkatapos kong sumagot ay biglang may tumahol sa banyo..Si Coqo, yung poodle dog ko <3
Binuksan ko ang pinto ng banyo at agad agad tumakbo palabas si Coqo. Tumawa ako at bumalik na sa bed kung asan ang cellphone ko.
Paulo:
Wala lang.. Sa Faith East University din ako Nag-aaral. Gusto mo sabay na tayo pumunta sa School? Saan ka ba nakatira?
Aba! Stalker na 'to ah! Pero mabait naman 'to siguro.
Pia:
Sa Eastern Time Village. Ikaw?
Ngayon ako naman magtatanong! (EVIL LAUGH)
Paulo:
Secret!!
Wait Ano?! Ikaw tinanong mo ako kung asan ako nakatira tapos ikaw ayaw mo sabihin?!
Paulo:
Hinde joke! Nakatira ako sa isang condo.. tabi lang ng bahay mo! Three Hearts condo.
Pia:
ahh ok.
Paulo:
Sige kain muna ako ng tangahalian. Nice to meet you Pia!
Pia:
Same to you, Paulo.
Tabi lang pala ng village namin? Ayyy..Ako rin, gutom na. Sige kain na rin ako.
Pagdating ko sa baba nakita ko si Ate Sarah, kapatid ko. Pero parang hindi kami magkapatid kase naman sabi nila Panget ako at maganda siya. 3 kaming magkakapatid. Si ate Sarah, Ate mabel at ako.
Si ate Sarah..panganay sa aming 3.maputi , sexy, flawless, chinita, pero hindi siya maarte, mabait siya, pinagtatanggol niya ako kapag may umaapi saakin.
Si ate Mabel..Medyo maarte, medyo maiitim, always naka denim, papalit palit ng kulay ng buhok, ngayun yellow buhok niya at may pink na high light..sexy, always akong hinahatid sa school.
"Good aftie! Baby bunso!"
"Good afternoon ate sarah! Si ate Mabel?"
"Si Mabel? Nasa school pa eh..Bakit?"
"Wala lang..."
"Upo ka na."
"Salamat teh."
"I heard you are going to transfer to a different school?"
"Oo ate."
"Why?"
"Sabi kase ni Principal Hogwarts na marami na daw nadedetention dahil sa pambubully saakin."
"Di ba dapat lang yon?"
"Oo nga eh teh."
"Ok..Off-topic..I bought you some shorts, dress, make ups and tshirts."
"Bakit? Ano bang meron?"
"Sabi ni papa ibili daw kita.. Wag mo muna daw susuoutin. Sa Birthday mo May suprise daw si papa sayo."
"At ito ayyyy?"
"Edi kung sinabi ko hindi na 'yon suprise!"
"Hahahaha..pero 3 months pa." December 15 pa bday ko eh."
"You need to wait baby bunso.."
"Ok.."
"O sige na umakyat ka na don..Since, tapos ka na kumain. "
"Ok bye teh!"
"Ok. Baby bunso"
Umakyat na ako sa taas at humiga gusto ko kasi matulog pa...Since late ako natulog kakagawa ng assignments ng mga nag papagawa..
Gud aftie noon PiaBuddies! ^_^
BINABASA MO ANG
The Revenge of Ms.Panget
Teen FictionDati ako ang inaapi ngayon kayo naman ang aapihin ko -Pia The Revenge of Ms.Panget Part 1: The Past Enjoy.