Pagdating ko sa loob, naglaro agad ako ng bump car..pero nagtaka ako, bakit walang sumasakay e ang rami namang bump car? Nakatingin lang sila saakin? Ano ako artista?
Nakikita ko na nga yung isang bata umiiyak na dahil gusto sumakay ng bump car kaso sinusuway siya ng nanay niya..
"Huwag nga muna ngayun baby! Pagkatapos na niya, tingnan mo nga itsura niya o baby! Baka maging ganyan ka rin!" Sabi ng nanay habang sinusuway ang anak.
"Hi baby bunso! O! starbucks yung paborito mong flavor!" Sabi ni ate sarah
"Chocolate chip cream!"
"Hahaha oo bhe!"
"Kapatid niyo yan? Bakit ang layo ng itsura niyo sa kanya?"
"Oo nga, kapatid niyo ba talaga niyo yan?"
Humarap si ate Mabel sa kanila at inirapan ang mga tao..
"Ano Po ba ang pakealam niyo?! Bago niyo husgahan kase ang ibang tao bakit hindi niyo tingnan ang itsura niyo!?"
Napaiyak ako sa reaction ng mga tao...
"Ang panget kase talaga ng kapatid niyo eh!"
"Wala ka na don! Palibhasa hindi niyo alam pinagdadaanan ng tao! Duhhh!"
Pinagdadaanan? Anong pinagsasabi ni ate mabel? Ako ba yon?
"Mabel, tama na tara na nga.."
Hinila ako ni ate sarah pati si ate mabel hinila niya rin.
Tapos na ang bonding namin binigyan ako ni ate Sarah ng 1500 pesos para daw pang-uwi. Dumaretso na ako sa Tri-Square Mall Garden kung saan yung meeting place.
Pagkatapos kong makarating sa garden umupo ako sa bench na malapit sa isang fountain.
Tinext ko si Paulo at tinanong kung asan na siya.
Pia Rosales:
Asan kana?
Paulo Reyes:
Nandito na ako sa may Tri-Square hallway.
Pia Rosales:
ok ano kulay ng damit mo?
Paulo Reyes:
Red tshirt na may white stripe. Naka jeans.
Pia Rosales:
Ok ako naka pink tshirt at naka leggings.
Paulo Reyes:
Ok.
Pagkatapos ng ilang minuto nakita ko na siya..Si Paulo ang gwapo niya..Ang Hot
Emeged! *___*
And Omg napansin niya na ako palapit na siya!!!
"Ikaw ba si Pia Rosales? "
"Ahh..ehh..Oo. ikaw ba si Paulo Reyes? "
Tumango siya..Ang gwapo niya talaga nakakainlove siya! Halos may konting pagka-daniel padilla ang mukha tapos ang katawan ay Jake cuenca! Weeeh!! Artistahin lang ang peg! Hahaha!
BINABASA MO ANG
The Revenge of Ms.Panget
Dla nastolatkówDati ako ang inaapi ngayon kayo naman ang aapihin ko -Pia The Revenge of Ms.Panget Part 1: The Past Enjoy.