CHAPTER V

19.4K 451 84
                                    

Sa pangalawang pagkakataon, nagising siya na wala na ang kasama sa kwarto. Lumuwag naman ang paghinga niya. Sinipat niya ang orasan at may dalawang oras pa siya para magayos para sa pagpasok sa opisina.

Humiga muna siya at nagmuni-muni.

Naalala niya nung tinuhod niya ang pet ni Rico dahil pinipilit siya nitong halikan. Ika nga niya, walang nambabastos sa kanya na hindi nagbabayad ng malaki.

Pero itong si Lexie. Nagawa na nitong halikan siya ng dalawang beses at 'kalabitin' ang kanyang nananahimik na V.

Bakit hindi niya magawang kasuhan ito o kaya naman ay paslangin at palabasing nadulas ito habang hawak ang patalim? Bakit ang lakas ng loob nito? Una, babae ito at walang babae na 'nangangalabit' ng kapwa babae unless tiborsha ito. Pangalawa, hindi sila magkaibigan o magkakilala at kahit pa alin sa dalawa ang estado nila, wala itong karapatang manghalik.

At bakit gumaganti siya ng halik? Bakit hindi niya magawang tumanggi?

Ipinasya niyang maligo na at mag-ayos. Maloloka siya pag nagisip pa siya.

--

"Good morning, be." Nakangiting bati sa kanya ni Rico.

Hala!! 'BE' daw???

Napahawak siya sa dibdib dahil sa sinabi niya. Shocked na shocked talaga siya!! Over!!

Gusto niyang masuka, hindi ng rainbow kundi putik. Kung makatawag ng be, parang humithit lang. Lakas maka-jejemon. Mukhang makakadalawa ang pet nito.

"Be mo mukha mo! Wag mo ko kausapin Rico. Baka maumbagan kita diyan. At andito ang mata ko, hindi diyan sa dibdib ko." Sabi niya at tinakpan ang sarili. May damit siya pero sa xray vision ni Rico, para siyang walang saplot at samahan mo na rin na nakabukaka. Ang manyakis talaga, matalas ang mga mata. May damit ka pa pero hubad ka na sa paningin nila.

"I'm sorry to I do on the elevador with you. I thought we are in loves with you and me. Me and you is in love with each other." Kitang-kita niya ang pagsirit ng dugo sa ilong nito dahil sa pag-eenglish. Hindi talaga lahat nabibiyayaan ng lohika sa pageenglish. Pero in fairness to him, he was is tries. Pwe! Ano ba yan, napapagaya na ako. Pero sana wag na kasi masakit eh. Masakit sa tenga. Masakit sa baga. At masakit sa ulo. Nakakatuyo ng dugo.

"Jusko. Saan mo nakuha ang english este-- ideya na yan? Sinabi ko na sayo ever since na wala tayong chemistry o kahit pa P.E. Hanggang friends lang tayo, Rico. Wag ka na umasa." Sabi niya. Alam niyang ang rude ng sinabi niya pero yun na ang last resort niya. Hindi kasi ito makuha sa santong pagpapaliwanagan kaya ito na lang.

"Is this ends of the relationship of the you and the me?" Nanlulumong sagot nito. Talagang pinanindigan na nito ang pageenglish at pinanindigan din siya ng balahibo. Sakit talaga. Tumitibok na ang gums niya dahil sa sinabi nito na ingles. Tsk.

Love And Lust (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon