Prologue

59 8 16
                                    

When everything collapsed and the world has fallen, humanity must have courage to survive this entirely new planet. Everyone must be smart for them to not be deceived. In this new era, humans are left with one option where choosing is the only alternative for them to be alive.

Anong gagawin ko kung ako na ang susunod sa lista? Sana hindi na lang namin nakikita ang alagad ng Diyos at demonyo, edi sana mapayapa ang buhay namin ngayon. Pero kung hindi naman sila nagkatawang-tao ay masyadong nakakatakot ang activities ng demonyo. Okay lang samin kung hindi namin nakikita ang mga Anghel dahil ligtas kami sa kanila, pero kung hindi rin naman nagkaroon ng physical body ang mga demonyo ay hindi matatapos ang mga exorcism sa iba't ibang bansa.

Nagtatrabaho lang naman ako ng marangal at hindi nananakit ng kapwa, pero bakit ako ang napili ng GBC na paglaruan?! Sa pagkakatanda ko ay wala akong kahit na anong ginawa para mabaling sa akin ang atensyon nila. Virgin pa naman ako, hindi ako nanonood ng porn o kahit na anong movie na may sexual intercourse. Cartoons lang ang pinapanood ko pero bakit!

I'm a good friend to my friends and a great friend to my best friend. Pero bakit ako? Lord bakit ako?

"We're here to help you, Mariela," malumanay na paliwanag sa akin ng isang anghel na naririto sa interrogation room.

Sila na ang nagsilbing police ng aming mundo, ang demonyo naman ang gumagawa ng krimen. Totoo, sila ang gumagawa nito, demonyo nga diba. Mga walang magawa sa buhay. Kung bakit ba naman kasi pumayag si Michael, ang Archangel of Greater Good Elites, na magkasabay sila ng mga demonyo na gawin ang trabahong matagal na nilang ginagawa, hindi sana magkakaganito ang mundo.

Hindi sana magkakaganito ang letcheng buhay ko!

Umismid ako at hindi siya pinansin. I know I'm rude, but I just want a peaceful life where God is the only one monitoring my actions. Hindi ko sila kailangan. I've been living my whole life without anyone interrupting nor controlling me or any of my decisions, isn't that obvious enough for God to not command His angels to disturb me?

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. Hindi ko siya pinansin at patuloy na nanahimik. Kapag hindi ako nagsalita they'll let me go right? Oras na hindi ko sila kausapin, lalo na ang demonyong humila sa akin dito ay sigurado akong pakakawalan nila ako. If I show them I'm not interested of them helping me on something, they will surely bug off.

Muntik na akong sumigaw nang may sumipa sa pintuan ng pagkalakas-lakas. Marahas itong bumukas dahil sa impact na kagagawan ng lalakeng maangas na nakatayo sa labas. Nakapamulsa ito at madilim ang kanyang mukha nang tingnan ko.

Inirapan ko siya at humalukipkip. Ayan na, magsisimula na ang totoong interrogation. Kapag hindi ko sila kinausap ay sigurado akong pakakawalan nila ako and I will go back to my old boring, but at the same time fun, life.

"I told you Elijah, she's not that good to handle unlike the others," says the demon as he walk towards us and stand beside the angel before crossing his arms.

Hindi ko siya pinansin. Ano ba kasi ang nagawa ko para maisama sa listahan nila? Hindi naman ako sumusuway sa 10 commandments dahil simula ng magbago ang patakaran sa Langit at Lupa ay hindi naging madali para sa iba ang hindi sumunod sa utos ng Diyos. Madami ang napunta sa Purgatory of Sinners, ang nagsisilbing presinto ng mundo, nung lumabag ang karamihan ng mga tao sa kanila.

Oras na hindi ka sumunod, siguradong maghihirap ka para makabalik sa dati mong pamumuhay.

Everyone is scared to go to that prison, dahil iba ito sa normal na kulungan na nakasanayan ng mga tao. Hindi ito basta-bastang papasok ka lang sa isang selda at ikukulong ka lang for how many days or years depende sa kasalanan na nagawa mo. Sapagkat oras na magkaroon ka ng mabigat na kasalanan, mabigat din ang iyong parusa.

Vati Cornu: A New WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon