Chapter 2 (Isang Matinding Flashback Part 1)

21 1 0
                                    

Period: Galil Joey Monrado at the age of 21. 4th year collge student.

Intramurals na naman. Actually this will be my last intramurals before graduating. Akalain mo yun napagtiyagaan ko tong school ko ng apat na taon. Hahah

I can’t believe it. Mag-aala-una na ng hapon pero hindi pa rin ako nakakapaglunch dahil sa pagtatrabaho dito sa booth namin.

Tama kayo kahit college na kami eh may mga booth booth pa kaming nalalaman at dahil kettle corn kami sa org. namin, napagpasyahan naming gumawa ng marriage booth hashtag kalandian. Hahah. Sobrang init pa talaga eh paano ba naman nandito sa field ang booth.

Tapos di pa ako makapaglunch kasi ang daming nagpapakasal. 

Simple lang naman ang trabaho ko dito. Ako ang tigkolekta ng bayad, in short ako ang cashier. (Parang ang talino sa Math eh no? Hahaha)

Ito ang naassign sa aking trabaho kasi sabi nila di ko daw kayang manghuli ng student. Asus! Kaya ko naman eh pero bahala na sila. Nakakapagod kayang tumakbo kaya ok na tong CC, collect and change.

Ang lalandi talaga ng mga babaeng yun oh. Puro gwapo ang tinitirang pakasalan ah. Kainis lang bawal kasi magpakasal ang worker na katulad ko. Bad trip!

Ui ang pogi ni Kuya oh. Tangkad tangos ng ilong ang puti! Pangpocketbook!!! Hay!! Sana makahanap na ako ng prince charming tulad ng sa mga pocketbook na hinahanap ko.

Nagdodrool pa ako kay kuyang pogi ng may biglang magbayad. Psshh.. kainis, samok!

 ”Ate, pahanap naman po sa kanya oh, gusto po siyang pakasalan ng kasama ko.” Sabi ng babae sabay abot ng phone na may picture ni boy. Aba pogi si Boy ah…

“Di ba high schooler kayo?” Tanong ko. Iba na talaga panahon ngayon, high school pa eh kettle na. hahah. (BTW, kettle came from the bisaya word “katol”. In tagalong makati. Pero para sa amin ang meaning nun ay haliparot o malandi kaya kettle corn) hahah

Nagnod yung babae. “Opo” tinanggap ko na yung bayad nila at tinawag ko yung isa kong kasama para hanapin yung si boy pogi.

Katulad ng ibang school, may high school at college department kami, nasa iisang compound lang pero iba ng building at ang area. Open lang siya at walang harang kaya pwede pumunta ang collge sa high school at vice versa.

“Oh. Erza, hanapin mo daw yang boy na yan!” sabi ko doon sa nanghuhuli ng boylets. Binigay ko sa kanya ang phone para Makita niya ang picture.

“Pogi nito Galil ah! Makakachancing na naman ako sa pogi. Bwahahaha!” Kettle talaga tong mga kasama ko kahit high school student eh minomolestiya pa. Kaya gustong-gusto manghuli. Hahahah

“Kettle ka talaga! Kunin nay an kasi nakagown na yung bride niya”. Sabi ko.

May twist ang marriage booth namin kasi hinuhuli ang gusto mong pakasalan tapos iba-blindfold. Saka lang aalisin ang blindfold kapag nasa altar para may surprise effect. Hahahah Nakakatawa nga yung reaction ng mga lalaking bakla ang bride kasi gulat na gulat sila. Hahaha

Nahuli agad ni Erza si boy pogi. Ang galling niya talaga!

In fairness, mas pogi si boy sa personal. Hindi naman siya nagulat or anything. Nakisakay nga talaga si boy eh. May pabeso-beso pa. Mukhang chickboy kasi sanay sa mga kalandian.

Nagawi ang tingin niya sa akin. Nasa tabi kasi ng altar yung table ko eh. Cashier diba?

Hulaan niyo anong ginawa niya noong nakatingin siya sa akin.

Kinindatan lang naman ako. Napakalapad ng ngiti niya. Ang batang ito! Walang respeto! Ate na niya ako pero makakindat eh. Inisnob ko siya. Narinig kong tumawa siya.

Teenage DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon