Pleassseeee. Support niyo po itong unang one shot story ko. Comment po kayo at vote. Please.
-------------------------------------------
Unang araw pa lang ng klase magkasama na kami ni Jared (ja.red). Siya yung lifetime bestfriend ko simula yata nung Kinder 2 magbstfriend na kami.Hindi kami nagsasawa sa isa't-isa noh!Love ko kaya siya. I mean love like a friend.
Si Jared Stiga yung dakilang suporter ko kapag sumasali ako ng mga katangahan things.Siya yung love na love ko pero 'di ko masabi,kasi baka magbago yung pakikitungo niya sakin.
---------------
Sa classroom
"Hoy Jamie" sigaw ni Jared sakin. Ako nga po pala si Jamie ang "BESTFRIEND" ni Jared.
"Oh bakit ka andito? 'Di ba 7 Gilbert ka?" tanong ko sakanya.Eh kasi sa lagi kaming nakikita ng bagong teacher namin na magkasama kaya ayun pinaghiwalay nila kami ng section.
"Noon lang yun. Ngayon 7 Star na ako" sagot niya.
"Paanong...." 'di na niya ako pinatapos at nagsalita na siya.
"Malakas ako noh" sabi niya sakin sabay suntok sa braso ko."-_-"
"Aray naman!" sigaw ko sakanya sabay batok. Parang magkapatid na rin kasi kami eh.
"Aray ah Hindi naman yun masakit ah?" pagdadahilan niya sabay himas sa batok niya.
"Gusto mo try ko sa'yo?" pagpipilosopo ko.
"'Wag na! Alam ko na style mo!"sagot niya sakin sabay pisil nung ilong kong napakapango. " -.- "
"Upo ka na nga!" sabi ko sakanya.
------------------------
"Hayy salamat. Libre mo ulit ako bukas ah?"sabi ko sakanya.Tapos na kasi klase namin eh.
"Gusto kong magditch!" sabi ni Jared.
"Ano kamo?" pahuulit ko sa sinabi niya.
"Sabi ko........Ang ganda mo!" pang-aasar niya " -.- "
"Che! Sige asarin mo pa ako!Babatukan ulit kita!" pagtataray ko.
"Totoo naman ah?" sabi niya ulit.
Babatukan ko na sana ulit siya nang bigla niya akong hinila palabas. Eme! Ang bilis niyang tumakbo!
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sakanya ng hingal na hingal.
"Basta sumama ka na lang" nakalabas na kami ng gate nung tumigil siyang tumakbo.
"Sasama naman ako ah? Bakit kailangan pang tumakbo?" hingal na hingal kong tanong sakanya.
"Baka ayaw tayong palabasin nung guard eh!" sagot niya naman, na kahit isang "hayy kapagod" man lang hindi siya nag reklamo.
--------------------
"Bakit tayo magdi-ditch?" tanong ko sakanya nung makarating na kami sa playground.Dun kasi yung laging tambayan namin pag nag di-ditch kami eh.
"Ah so ayaw mo nang magditch?"tanong niya sakin ng nakapamewang.Aba'y parang bakla!
"Unang pasok pa lang naman kasi eh! Magdi-ditch na tayo?" tanong ko.
"May sasabihin lang akong importnate sa'yo" sagot niya.
"Ano?" tanong ko.
"'Wag kang mabibigla ah?" sabi niya sakin.
"Oo" sagot ko naman.
"Aalis na ako :'(" sabi niya ng napakalungkot
"Linoloko mo ba ako?" tanong ko sakanya ng naiiyak.
"Sorry....." sincere niyang sabi.
"Gagong 'to linoloko mo 'ko noh?" tanong ko sakanya sabay suntok sa braso niya.
"Hindi.Bukas na kami aalis"
"Bakit hindi mo agad sinabi sakin?Tsaka unang day pa lang ng class ah?" tanong ko skanya.
"Yun na nga eh! Unang day pa lang ng pasukan kaya aalis na kami bukas" sagot niya.
Tuloy-tuloy na tumulo yung luha ko.Hindi ko mapigilang umiyak eh.Hindi ko pa nga kasi nasasabi yung nararamdaman ko.
"Jamie....Eto talaga yung importanteng sasabihin ko sa'yo" pahabol niya.
"Akala ko ba....." hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla siyang nagsalita.
"MAHAL KITA JAMIE!" sabi niya sakin sabay yakap.
"O___O" ganyan yung itsura ko nung sinabi niya yun. Pareho pala kami ng nararamdaman?
"MAHAL DIN KITA JARED!"
*THE END*
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Bestfriend (One Shot Story)
Roman pour AdolescentsUnang one shot story ko po to! Pleasee. Vote and comment! Thanks