—
Aʟʟ ᴍʏ ᴡᴏʀᴋs ᴀʀᴇ ᴄᴏᴘʏʀɪɢʜᴛᴇᴅ ᴜɴᴅᴇʀ ᴛʜᴇ Cᴏᴘʏʀɪɢʜᴛ, Dᴇsɪɢɴs ᴀɴᴅ Pᴀᴛᴇɴᴛs Aᴄᴛ 1988. Tʜɪs ɪɴᴄʟᴜᴅᴇs ᴀʟʟ ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀs, ᴘʀᴏʟᴏɢᴜᴇs/ᴇᴘɪʟᴏɢᴜᴇs ᴀɴᴅ ᴀssᴏᴄɪᴀᴛᴇᴅ ᴄᴏɴᴛᴇɴᴛ. Aɴʏ ᴜɴᴀᴜᴛʜᴏʀɪᴢᴇᴅ ᴄᴏᴘʏɪɴɢ, ʙʀᴏᴀᴅᴄᴀsᴛɪɴɢ, ᴍᴀɴɪᴘᴜʟᴀᴛɪᴏɴ, ᴅɪsᴛʀɪʙᴜᴛɪᴏɴ ᴏʀ sᴇʟʟɪɴɢ ᴏғ ᴛʜɪs ᴡᴏʀᴋ ᴄᴏɴsᴛɪᴛᴜᴛᴇs ᴀs ᴀɴ ɪɴғʀɪɴɢᴇᴍᴇɴᴛ ᴏғ ᴄᴏᴘʏʀɪɢʜᴛ. Aɴʏ ɪɴғʀɪɴɢᴇᴍᴇɴᴛ ᴏғ ᴛʜɪs ᴄᴏᴘʏʀɪɢʜᴛ ɪs ᴘᴜɴɪsʜᴀʙʟᴇ ʙʏ ʟᴀᴡ. ©2019 ʙʏ @sihuniverse. Aʟʟ ʀɪɢʜᴛs ʀᴇsᴇʀᴠᴇᴅ
POPULAR ( BOOK 2 ): FRIENDS
──────────────────────
Chevonne's
Hinihintay ko si Dongpyo sa labas ng classroom nila na mag uwian kasama ko yung bestfriend ko na si Seunghun. 181 cm height nito. Tangkad ng bestfriend ko ano?
Sa totoo lang this year hindi na kami magkaklase ni Dongpyo kaya ako naghihintay.
"Ang tagal naman ni dongpyo" inip na inip na sabi ni Seunghun.
"Sa canteen nalang natin siya hintayin hindi naman siguro matao ngayon doon kasi tapos na ang klase diba? Sa kanila nalang naman na hindi at tsaka doon ka narin maglaro ng Identity V mo" Pagkasabi ko yun agad naman niya ako hinila papuntang canteen. Bastusing kapre yan basta basta nalang ako hinila hindi naman halata na larong laro na siya. Pumuwesto kami sa may dulo tapos siya? Nag simula naman siya maglaro at ako naman tinext ko na siya na sa Canteen nalang mag kita.
Maya maya lang...bumulong na si Seunghun sa akin "Andito na si dongpyo, sabihin mo na ang gusto mong sabihin sa kanya" agad naman siya tumayo at binati niya si Dongpyo.
"Bestfriend doon muna ako maghihintay sa may pinto para hindi ako makachismis"
"Hindi okay lang yan pre dito ka nalang" Sabi ni dongpyo at tinanggihan naman niya agad yan at pumunta na siya sa may pinto ng canteen which is malayo sa amin. Ningitian naman ako ni dongpyo pero ako? Seryoso lang ako nakatingin sa kanya.
"Sorry napahintay kita yung teacher namin kasi sinermunan kami ang gugulo raw namin"
"Ayos lang...ang totoo nan may sasabihin talaga ako sayo" kaya mo ito chevonne...sasabihin mo lang yan...kailangan masurprise siya sa sasabihin ko.
"Ano yun? Hays may sasabihin rin ako sayo" sabi niya at bigla naman ako nakaramdam ng kaba.
"ikaw muna...ano sasabihin mo?" tanong ko sa kanya na may halong kaba dahil sa itsura niya, iba yung aura ngayon na para bang anytime maiiyak na siya.
"Ano?? Sabihin mo na pyo"
"Gusto ko lang sabihin na...makikipaghiwalay na ako sayo. Gusto ko na itigil lahat. Kasi..." Ano...gusto na niya itigil....
"Kasi ano??? Bakit pyo?"
"Ang totoo nan may iba na talaga akong nagugustuhan pero wala akong planong manligaw or what at tsaka gusto ko muna mag focus sa sarili ko...kailangan ko ayusin sarili ko at alam kong gusto mo rin mag focus sa sarili mo-" hindi ko na itinuloy yung sasabihin niya dahil hindi ko naman talaga gusto yung sinasabi niya.
"Oo, nawawalan na kasi ako ng time sa sarili ko so friends?" Sabi ko sa kanya kahit sa loob loob ko para akong sinaksak ng ilan beses sa sobrang sakit. Nag offer siya ng handshake at tinanggap ko naman yun.
"Friends"
Nung sabay kaming tatlo naglalakad palabas ng school, tumigil na yung jeep which is sasakyan ko bago ako sumakay ng jeep bigla ako niyakap ni dongpyo at binulong niya sa akin na "Salamat sa lahat" ngumiti ako sa kanya. "Salamat rin bye sa inyo ni seunghun ingat kayo sa pag uwi" sabi ko at sumakay na ako sa jeep. Kung hindi ka lang nakipaghiwalay sa akin Dongpyo sasabihin ko sana sayo na 1st honor ako sa klase namin. Isusurprise ko sana sayo yun kaso ako ang nasurprise sayo. Hays.
At eto nga ang nangyari kung paano kami naging magkaibigan ulit.
—
BINABASA MO ANG
Friends | Son Dongpyo
Short Story"Ganito ba ang friends? tinuturing ako na parang hangin sa paningin mo" 「 Popular | Son Dongpyo book 2 」 S: 08 ╱ 03 ╱ 19 E: 08 ╱ 05 ╱ 19