—
"May favor ako sayo, sana pagbigyan mo ako sa gagawin ko." Tinignan lang niya ako. Hindi ko na hinintay yung reaksyon niya nung nilapitan ko na siya at hinila ko batok niya. Madiin ko siyang hinalikan. Pagdikit palang ng labi ko sa kanya ramdam na ramdam ko na yung sunod sunod ng pagtulo ng luha ko.
Miss na miss ko na talaga siya...
Nabigla siya sa mga ginawa ko pero mas kumalabog ang dibdib ko nung hinawakan niya yung bewang ko at unting unti niya sinagot yung halik ko. Walang kumakalas sa amin. Pero maya maya lang tinulak ko siya nung kinapos na ako sa paghinga.
"Ayun. Final na ito! Promise Dongpyo mag momove on na talaga ako sayo. Sorry ah? Ikaw parin kasi eh pero wag kang mag alala tulad ng sinabi ko mag momove on na talaga ako sayo. Paalam." Sabi ko at aalis na sana ako nang hawakan niya yung braso ko.
"Sinong may sabing umalis ka na?"
“ako...dongpyo masaya na ako na pinansin mo ako ngayon. Thank you sa lahat lahat" sabi ko sa kanya at pinipilit kong tanggalin niya yung hawak niya sa braso ko pero nagulat ako nung bigla niya ako hinila palapit sa kanya, at niyakap niya ako ng mahigpit.
Pero mas nagulat nalang ako sa sinabi niya...
"Sabon...sorry dahil pinakawalan kita, sorry dahil nagsinungaling ako na meron akong nagugustuhan..na kahit wala naman talaga at ikaw lang naman ang mahal ko...Chevonne, ikaw lang. Ikaw lang ang mahal ko."
—
BINABASA MO ANG
Friends | Son Dongpyo
القصة القصيرة"Ganito ba ang friends? tinuturing ako na parang hangin sa paningin mo" 「 Popular | Son Dongpyo book 2 」 S: 08 ╱ 03 ╱ 19 E: 08 ╱ 05 ╱ 19