—
Dongpyo's
Naglalakad na ako nun papasok ng gate nung nagchat si Yuvin sa akin pagkabasa ko na may planong umamin si Minhee kay Chevonne ay agad akong tumakbo tngina naman kasi ang haba ng hallway papasok ng university.
Nung dumating ako doon. May elevator naman pero kasi maraming taong nag aabang kaya mas pinili ko nalang na gumamit ng hagdan.
This time...kahit kinakailangan kong layuan o iwasan si Chevonne. Wala na akong pake kung anong posibleng mangyari basta...hindi lang siya mapunta kay Minhee.
Sa totoo lang si Yohan naman talaga dapat makakasama ko sa university na papasukan ko pero nung nangyari ito sinadya ko talaga mag aral dito para bantayan ko si Chevonne na kahit nasa malayo ako. Andito rin naman course ko eh at tsaka andito rin naman mahal ko.
Isang akyatan ko nalang ng hagdan bago ako makarating nang rooftop nang nakita ko si Chevonne na naglalakad paakyat ng hagdan.
"Chevonne!!" Tawag ko sa kanya tumingin naman siya sa direksyon ko at agad akong lumapit sa kanya. Kitang kita mo sa reaksyon niya na nagugulat siya. Sino ba naman hindi magugulat na ngayon ko lang ulit siya pinansin.
"B-Bakit? Dongpyo?" imbis na sagutin ko siya hinawakan ko yung braso niya at hinila ko siya papunta sa may locker which is nasa may ground floor pa. Layo ng narating namin diba? Syempre para hindi na talaga siya makapunta kay Minhee.
"Bakit mo ba ako hinihila? at tsaka hangin lang naman ako sa paningin mo diba? bakit bigla mo nalang ako pinapansin?" Sunod sunod niyang tanong sa akin nang saktong may dumaan na dean nang dahilan kung bakit ko siya tinulak papasok ng Janitor's room at agad kong sinarado yun. Asar ba't ngayon pa kasi dumating yung dean na yun.
"Nag tatanong ako sayo pero hindi mo naman sinasagot yung nga tanong ko sayo. Ah oo nga pala ganito pala yung friends, hindi nagpapansinan. Oo nga pala hindi pala sa lahat ng pagkakataon palaging nagpapansinan diba?"
"Chevonne..."
"May favor ako sayo, sana pagbigyan mo ako sa gagawin ko."
—
BINABASA MO ANG
Friends | Son Dongpyo
Storie brevi"Ganito ba ang friends? tinuturing ako na parang hangin sa paningin mo" 「 Popular | Son Dongpyo book 2 」 S: 08 ╱ 03 ╱ 19 E: 08 ╱ 05 ╱ 19
