Selos?

26 3 0
                                    

Carlos' POV

Umaga na pala. Monday na. Pero bakit parang excited na excited ako pumasok? HAHAHA. Makaligo na nga.

Teka. Parang may naalala ako. Nabanggit nga pala ni Ryan na may gusto siya kay Carly noong nagkakakwentuhan kaming magbabarkada last week.

-- *flashback*

"Dude gano na ba kayo katagal magkakilala ni Carla?" sabi ni Ryan na parang interesado ata tong mokong na to?

"Di ko alam kung gaano na katagal eh. Pero ang alam ko simula bata kami magkakilala na kami dahil sa parents namin." sabi ko sa kanya

"Ah ganun ba? Ano bang hilig ni Carla?" bat ba tanong ng tanong to tungkol sa bestfriend ko?! at may hawak hawak pang ballpen at papel

"Hilig niya? Madami. Kumain. Matulog. Mangulit. Maglaro ng basketball at volleyball. Tumugtog ng piano. Kumanta. Magba--" di pa ko tapos pinutol agad niya sasabihin ko -_-"

"Teka lang tol. Dahan dahan lang. nililista ko eh. Masyado kang mabilis" ano? bakit naman niya ililista?

"Teka nga rin tol. Bakit ba ang dami dami mong tanong tungkol sa Bestfriend ko? tsaka bakit kailangan mong ilista lahat ng sasabihin ko tungkol sa kanya?" nagulat ako sa sinabi ko

"Wait nga lang. Chill lang kayo mga dudes. Ryan, sabihin mo na lang kasi kay Carlos. Wala namang masama eh. Tsaka isa pa bestfriend niya yun. Malay mo matulungan ka pa niya." sabi ni Alex na parang cool na cool lang. Siya kasi sa barkada namin yung easy easy lang pero pagdating sa studies seryosong seryoso tsaka gwapo din yang tol namin. Pero teka nga. Ano ang kailangan nila sabihin sa akin?

"Ha? Saglit nga lang. May kailangan ba akong malaman?" nakakainis ha para akong tanga na walang kaalaman sa nangyayari

"Dude ano kasi eh. Kasi ano. Ah eh. Gusto ko kasi na uhmm. Gusto ko kasi magpaturo ng mga power moves mo sa basketball. Yun. Yun nga. Hehe" Wtf? Bakla ba to?

"Bro ano ka ba. Napaka-torpe mo naman. Walang torpe sa barkada natin. Ano ka ba" kitams. easy easy masyado si Alex

"Okay. eto na nga eh. Kasi ano. *inhale exhale*  Dude. Ano kasi. Gusto ko kasi yung bestfriend mo eh. Iba kasi talaga pag nakikita ko siya eh. Alam mo yung parang nagsloslow motion yung paligid ko pag nakikita ko siya. Dude. Tulungan mo naman akong manligaw sa kanya oh? Sige na dude. Kahit na hindi niya ako sagutin agad. Basta mabigyan niya lang ako ng chance okay na. Plea--"

"Yun lang naman pala eh. Sure. Liligawan mo lang pala si Carly." nagulat ako sa sinabi ko kaya

"Ano?! Liligawan mo ang bestfriend ko?!" napasigaw tuloy ako di ko alam kung bat ako nagkakaganto pag bestfriend ko na ang pinaguusapan

"Ah eh. Oo sana ^_^ Pero kung ayaw mo kong tulungan. Okay lang din. Pero I'll assure to you na mafa-fall siya sakin ;) " Aba yumayabang na agad tong lalaking to

"Okay okay. Hindi ako ang magdedesisyon kung pwede mo siyang ligawan okay? sakanya mo itanong yan. PERO dadaan ka muna sa butas ng karayom para makuha mo ang bestfriend ko. AT kung makukuha mo man siya. Wag na wag mo siyang sasaktan kundi ako ang makakalaban mo bro." seryoso kong sabi sa kanya. Pero lahat ng sinabi ko totoo yun at galing talaga sa puso ko.

"Oo naman Bro. Salamat! Sisimulan ko na next week ang damoves ko. HAHAHAHAHAHA" Wag ka muna magpakasaya Ryan Enriquez dadaan ka muna saakin bago mapasayo ang bestfriend ko.

-- *end of flashback*

Dinaanan ko na si Carly sa kanila at baka malate pa kami. Sayang naman yung record ko no. Wala pa akong tardy slip.

"Carly kamusta naman tulog mo?" tanong ko naman sa kanya pagka baba namin ng sasakyan. tahimik kasi kami sa sasakyan eh

"Okay naman. Medyo inaantok pa ko eh. Napuyat kasi ako kagabi." hala. baka mamaya sumakit ulo ng bestfriend ko

"Ha? Ah eh baket naman nagpupuyat ka? Alam mo namang masama magpuyat diba? Baka mamaya sumakot ulo mo niyan eh" kelan pa ko naging ganto? O_o

"Ano ka ba Carlytos. Hahahaha! Okay lang ako no. Nagtext kasi si Ryan kagabi. Tapos humaba yung convo namin and hindi ko namalayan na gabi na masyado. Nakakalibang kasi siyang kausap eh. Ang cute niya pala no. Tsaka ang sweet niya *^_^* " tinotoo niya talaga ang panliligaw kay Carly?

"Ahh. Oo. Haha" Wala akong masagot sa kanya eh kaya yan nalang

"Araay! Baket mo ba ko binatukan? Carly naman eh." Ang sakit nun ah. bigla bigla bang nambabatok tong babaeng to?

"Ikaw kasi eh. Hahahaha! Nagseselos ka ba kay Ryan? Hahahaha! Ano ka ba. Ikaw pa rin ang bestfriend ko no. Hinding hindi kita ipagpapalit no. :P " Haay. nakahinga naman ako ng maayos dun

"Hi Cye (Kay)! Kamusta tulog mo? Kumain ka na ba? ^_^ Uy bro nanjan ka pala." panira naman tong Ryan na to nagmomoment kami ni Carly eh at aba may tawagan na agad sila

"Okay naman. Napuyat nga lang ako dahil sayo. Hahaha!" mukhang masaya siya ah? ano kaya pinagusapan nilang dalawa?

*KRIIIIIIIING*

"Uy Rye una na kami ha? Baka kasi malate kami. Mamaya nalang ulit. Byee! ^_^ " Rye? Cye? ang jeje ng tawagan nila

Kanina pa kami nandito sa room at parang wala akong maintindihan sa nilelesson ni Ma'am. Parang ngayon lang ako naging slow eh. Hindi kaya tama nga yung sabi ni Carly na nagseselos nga ako?

"Carlytos. Uy. Carlos!" tinatawag pala ako ni Carly at snack na pala di ko man  namalayan

"Ha? Sorry. Baket Carly?" Sabi ko sa kanya

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa nakatulala jan ah? Tinatawag ka kanina ni Ma'am di ka naman sumagot. May problema ka ba?" ang ganda pala talaga ni Carly no?kahit na halatang halata na nagaalala siya maganda parin siya.

"Okay lang ako. ^_^ Tara punta na tayong canteen." gutom na kasi ako eh di ako nakakain kaninang umaga dahil sa naalala ko

"Uy Cye! Snack niyo na ba? Tara libre na kita. =^_^= " Simula na nga ata ng Damoves ni Ryan Enriquez. Mas matanda nga pala samin si Ryan ng isang taon kaya graduating na siya this year. Kung maitatanong niyo lang. Pogi si Ryan. Matangkad. Maputi. Matangos ang ilong. May pagka chinito. May dimples at mayaman pa. Mabait din siya sa babae dahil siguro sa puro babae ang kapatid niya. Kaya may tiwala naman ako sakanya.

Nasan na si Carla at Ryan? *hanap-hanap-hanap-hanap*  Ayun. Nakita ko din sila. Naka upo sila sa bench. Puntahan ko na nga sila at may training pa kami nila Ryan sa basketball

"Ahmmm. Cye? Pwede ba magtanong?" sabi ni Ryan na parang di siya mapakali

"Ano pa nga ba ang ginagawa mo? Hahaha. Pero sige. Ano ba yun? Wag lang tungkol sa math ha? Hihihi" aba nakuha pang magbiro neto. Lalapit na sana ako ng biglang

"Carla Jayme De Leon. Pwede ba kitang ligawan? Please give me a chance to show to you how much I like you." seryoso ba talaga si Ryan?!

"Seryoso ka ba jan Rye? Ano kasi eh. Alam mo namang naka-focus ako sa studies diba. And uhm--"

"I'm not asking you to answer me agad. I'm just asking for your permission kung pwede kitang ligawan. Just give me a chance. Please?" mukhang sincere naman tong mokong na to.

Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Pero parang sinasabi ng puso't isipan ko na ayaw kong marinig yung sasabihin ni Carly kaya tumakbo nalang ako papunta sa court para magpractice nalang. Selos ba itong nararamdaman ko? Pero siguro hindi. Kasi hanggang bestfriend lang naman kami ni Carly eh.

*end of Carlos' POV*

--

Haba ng update. Wieeee. HAHAHAHA. Sana po wag kayo magsasawang basahin. Hihi. Vote and support po. :">

Forever Inlove With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon