Prologue

50 5 0
                                    

Masaya magmahal. Sobrang saya. Lalo na't malalaman mo na ika'y mahal din niya. Pero sabi nga nila "Love is blind" Hindi ko alam kung maniniwala ako sa katagang iyan. Pero ang alam ko, nabubulag ako kapag nagmamahal ako. Kaya kung minsan nasasaktan.

Mahirap magmahal. Lalo na kung ika'y mahuhulog at alam mo namang wala ring sasalo sa iyo. Di ko alam kung katangahan ba ang tawag dun. O sadyang pag tumibok na ang iyong puso wala ka na talagang magagawa kundi sundin ito.

Hindi ko nga alam kung bakit hindi pwedeng turuan ang puso sa kung sino ang gusto mong mahalin, kahit na gawin mo ang lahat para tumibok ito sa taong gusto mo. Haay. Masyadong komplikado ang pag-ibig. Napakadaming seremonyas para makahanap ka ng taong mamahalin. O baka naman nasa tabi mo lang siya at hindi mo lang napapansin dahil sa sinasabi ng isip mo na hindi pwede.

Mas matimbang pa rin ang puso kahit na ang utak ang nagpapasunod sa lahat ng parte ng iyong katawan. Hinding hindi mo pwedeng diktahan ang puso sa kung sino ang mamahalin mo dahil kusa nalang itong titibok para sa taong mahal mo. Basta ako. I'm FOREVER INLOVE WITH YOU...

Forever Inlove With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon