BANGKA

117 3 0
                                    

Ako'y naglalayag magisa
Destinasyo'y walang kasiguraduhan
Pagkat hindi mahanap ang kasiyahan
Sa mundong ginagalawan
Ako muna'y lilisan

Ikaw sa isla ay natanaw kong nagiisa
At ako'y mistulang tinatawag mo pa
Sagwan ko ay ikinabig
Papalapit madali sa iyong bisig
Ang iyong labi ay nakangiti
Ngunit ramdam ang pagiisa at dalumhati

Sa akin iyong inilathala
Ang madilim mong mundo at walang tala
Ako'y nalungkot at napaisip
Binulong saiyong mga tenga
"simula ngayon ay di ka na magiisa"

Ikaw ay tumayo at sa bangka ay sumakay
Sinabing tayo ay aalis at maglalakbay
Tutungo sa lugar na masaya lamang tayo
Ang sayo ay sakin, ang sakin ay sayo

Hiniling sa mga bituin na sana ay ganto na lamang
Panghabang buhay at wala nang hahadlang
Hiniling sa Diyos ng karagatan
Sa dulo ng paglalayag ay masilayan
Minimithi kong saiyo lamang na kasiyahan

Agos ng tubig ay walang hinto
Pagibig na alay sayo ay mas lamang pa sa ginto
Sa byaheng ito ikaw ay aking minahal
Ang bangkang ito ang simbolo ng pagmamahal
Ang paglalayag natin ay relasyon
Relasyon pinatibay ng mga alon

Bakit ang takbo ng dagat ay bumibilis
Mistula yata ang bangka ay lumilihis
Ikaw ay nilingon at aking tinanong
Kung ako'y mahal mo handa ka bang sumugal at sumuong?

Habang paglalayag natin ay tumatagal
Bakit tila nanlalamig ka na, mahal
Tayo ba ay papadako sa antarktika
Kung gayon damit panlamig ay ipaghahanda kita

Habang ako ay patuloy sa pagsagwan at pagkabig
Ikaw ay tila lumilisan na sa aking mga bisig
Yakap at halik ay di na nagniniig
Tila sa aking mga kwento'y hindi ka na nakikinig
Kawalang pake lamang ang binibigkas ng iyong bibig

Paglubog ng ating bangka ay papalapit na
Paglisan mo sakin ay inaasahan ko na
Ang puso ko ay lumalaban
Ngunit ang isip ay pilit tinuturuan
Kung ako'y totoong minahal din ikaw ay lalaban
Sapagkat paglalayag natin ay hindi basta lamang parausan
Ito ay paglalayag na walang tigil at walang katapusan

Ang bangkang ito ang simbolo ng pagmamahal
Kung hindi aalagaan hindi rin magtatagal
Sakay ng bangka mga pangarap ay binuo
Ngunit sa paglubog nito ay sya rin ang pagguho

Sa pagkawala ng bangka ako ay nalunod
Sa iyong paglangoy ay hindi na nakasunod
Sana pagdating mo sa iyong isla ako ay maalala
Buhay ko ay isinantabi upang ikaw ay isalba.

BANGKA (Spontaneous Tagalog Poem) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon