The Chase and You
Written by Kath_shelijah~Chapter 1~
11 years ago. . .
"Dito tayo, yaya. Laro tayo dito." sabi ko habang hinihila yung manggas ng damit na suot ni yaya Melly patungo sa park.
"O sige sige. Basta behave lang ikaw at huwag magkukulit." sagot naman sakin ni yaya. Tumango ako bago pumunta sa seesaw.
Umupo ako at nagduyan-duyan kaso ang hina kasi walang tumutulak. Tatawagin ko na sana si yaya ng biglang may tumulak sakin ng malakas kaya nadapa ako at umiyak.
Tinignan ko kung sino yung tumulak sakin at isang tabachoy na lalaki. Mukha siyang siopao sa sobrang puti at taba. Pero nakakainis siya kasi tinulak niya ako.
"Hoy, bata di mo ba alam na akin tong seesaw na to?!" ang bully niya.
"Ha?! Umalis ka nga diyan! Ang pangit-pangit mo na nga, lampa pa." sigaw niya sakin na lalong nagpaiyak sakin. Di naman ako pangit sabi ni mommy at daddy.
"Ahh pangit, pangit, pangit!" panunuya niya sakin at right on time may biglang sumigaw sa kanya at may humila sakin papunta sa likod niya.
"Hoy Richard bawal mag-bully dito. Lalo na kung babae yung pinapatulan mo!" sigaw nitong lalaki. Pinagtatanggol niya ba ako? Akala ko sasali rin siya samin eh.
"Ano namang pakialam mo?!" sagot ni taba. I'll call him taba since yun naman talaga siya.
"Diba sabi nila kapag pinatulan mo yung isang babae, bakla ka?! Bakla ka ba?!" sabi ni Mr. I-don't-know-who.
"Grr, hindi ako bakla!"
"Hoy mga bata bakit kayo nag-aaway?!" nakita ko si yaya na may bitbit na strawberry ice cream. "At naku, Erine anak, okay ka lang ba? Sinong umaway sayo?!"
"Okay lang po ako, yaya. Nadapa lang po ako pero okay lang po ako." sagot ko. Binigay sakin ni yaya yung strawberry ice cream bago bumaling sa dalawa.
"Mga bata sinong umaway kay Erine?" mahinahong tanong ni yaya. Natakot naman si taba habang si Mr. I-don't-know-who, tinuro si taba na nakayuko.
Huminga ng malalim si yaya tsaka pinagsabihan si taba na masama ang mag-bully at kung ano-ano pa na hindi ko na narinig dahil may humila sakin at pinaupo ako sa pinakamalapit na bench. Ini-stretch niya yung binti ko at sumakit yung sugat ko sa tuhod. Si Mr. I-don't-know-who pala to.
Ngumiti siya sakin, "Hi, ako nga pala si Jacob Aljay. Ikaw si Erine, right?"
Tumango ako at ngumiti sa kanya, "Erine Janessa Salvador. Salamat pala kanina ah."
"Okay lang yun, masama naman talaga yun eh. Friends na tayo ah?" sabi niya. Ang bait pala talaga niya.
"Okay po."
"Sige, teka lang ah, bibili lang akong tubig dun sa may tindahan." tapos may tinuro siya na tindahan.
"Okay po."
Tumawa siya ng mahina tsaka ginulo yung buhok ko. Tumayo siya at tumakbo papunta sa tindahan. Pinagpatuloy ko naman yung pagkain ng ice cream nang mapansin kong ang dami ko na palang tulo ng ice cream sa dress ko. Tin-ry kong alisin yun gamit yung kamay ko pero lumaki lang siya.
"Oh."
Napatingala ako at nakitang binibigay sakin ni Aljay yung panyo niya. Tinanggap ko yun at pinahid sa dress ko na natuluan. Nag-dry lang siya pero okay na rin yun.
"Lilinisan muna natin yung sugat mo ha?" tanong niya. Tumango ako sa kanya at binuksan na niya yung takip nung water bottle at unti-unting binuhos sa sugat ko.
"Masakit ba?" tanong niya habang hinihipan yung sugat ko.
"H-hindi na."
"Hmm." yun lang response niya. Tsaka niya pinagpatuloy yung paglinis ng sugat ko.
Nakita kong may dinukot siya sa bulsa niya at kinuha yun. Band-aid pala yun pero iba yung design niya kesa sa mga pang-karaniwang band-aid. Kumunot yung noo ko sa pagtataka.
"Eto yung band-aid ko. Lagi ko tong dala just in case na masugatan ako. Pero mukhang mas kailangan mo to kaya ibibigay ko na to sayo." paliwanag niya habang binubuksan yung takip nun tsaka niya nilagay sa sugat ko.
"Eh di wala ka na? Sorry." sabi ko.
"Okay lang yun. Marami pa naman niyan sa bahay eh. Tsaka don't be sorry hindi mo naman kasalanan na inaway ka ni Richard eh."
Ngumiti ako sa kanya nang bigla niya akong halikan sa ckeeks ko. Nginitian niya ako lang at sinabing ang cute ko daw.
Ngumiti lang ako sa kanya habang may kung anong sumasayaw sa tiyan ko at umiinit ang magkabila kong pisngi.
YOU ARE READING
The Chase and You (First Love Series #1)
Teen Fiction"Can you still heal this breaking heart of mine with your love?" - Erine Janessa Salvador •°•°• |Kath_shelijah|