The Chase and You
Written by Kath_shelijah~Chapter 2~
9 years ago. . .
"Shhh, tahan na Kate. Hindi magugustuhan ni Blue kung makikita ka niyang umiiyak dahil sa kanya." pag-aalo sakin ni Aljay habang hinahagod yung likod ko.
Namatay kasi yung alaga kong aso na 4 years ko nang inalagaan. Namatay siya dahil sa katandaan. Binigay iyon sa akin nang 5 years old ako na malaki na siya.
"P-pero wala na si Blue. Wala na akong pet dog." umiiyak na sabi ko. Wala na akong kayakap pagtulog, wala nang gigising sakin, at wala nang magtatanggol sakin.
"Eh nandito naman ako eh." sabi niya na nagpatigil sakin umiyak. Tiningnan ko siya, hinihintay kung ano pa ang susunod niyang sasabihn.
"Diba sabi ko sayo bestfriends na tayo, kaya kung ano yung problem mo problem ko na rin. Pero lagi mong tandaan na nandito lang ako lagi. Kaya wag na ikaw umiyak." sabi niya tapos pinahid niya yung mga luha ko.
"Gusto mo laro tayo kasal-kasalan para hindi ka na malungkot?" aya niya.
"Sige sige, kaso saan naman tayo maglalaro?"
"Eh di dito na lang." sabi niya habang ngiting-ngiti sakin. Tumibok na naman puso ko ng mabilis.
"Sige patulong tayo kay daddy pag-ayos." sabi ko.
"Sige. Tara."
Tapos pumasok kami sa loob ng bahay. Tinawag namin si daddy kung pwede tulungan niya kami sa pag-ayos kasi maglalaro kami ng kasal-kasalan. Sinabi pa ni Aljay na maglalaro daw kami para hindi na ako malungkot at umiyak. Gusto niya raw akong makita na laging nakangiti. Dahil dun sa sinabi niya pumayag si daddy.
°•●~●~●•°
Nandito kami sa bakuran namin, naglalaro. Tapos na kaming maglaro ng kasal-kasalan. Parang magic nga eh, hindi na ako nalungkot."Kate, gusto ko paglaki natin ikaw pa rin yung bride ko. Gusto ko ikaw lang." bigla niyang sabi sakin.
"Okay, Aljay." sagot ko.
"Basta dapat paglaki natin gusto pa rin natin ang isa't-isa. Pakakasalan kita para hindi ka na mag-isa at malungkot." Sabi niya habang naka-upo sa lap ko. Nakita kong may kinuha siya sa gilid niya tapos nang iangat niya yung kamay niya flower pala yun.
"Para sayo, Kate. Promise paglaki natin marami na yung flower na ibibigay ko sayo at promise ko rin na paglaki natin, ikaw yung magiging bride ko." sabi niya tapos binigay sakin yung flower. May kung anong sumasayaw sa tiyan ko tapos parang may kung anong masaya sa puso ko.
"Kung magpapakasal tayo paglaki natin saan mo gusto?" tanong niya.
"Masyado ka namang atat, Aljay. Pero kung ipa-plano mo na gusto yung simbahan dito para lagi nating maalala yung mga memories nating dalawa dito paglaki natin." sagot ko.
"Okay, ano naman gusto mong bahay? Yung may terrace?" tanong na naman niya. Halatang atat na siya.
"Atat na atat ka, Aljay ano? Pero sige gusto ko yung may terrace sa taas para maamoy ko pa rin yung simoy ng hangin. Pero saan naman tayo tatayo ng bahay?" tanong ko. Wala akong pakialam kung maraming magbabago paglaki namin basta masaya kami ngayon.
"Saan mo ba gusto? Dito ba?"
"Hmm, sa Manila na lang para mapabago naman sawa na ako dito eh." mahina kaming natawa dahil sa sinabi ko.
"Eh yung gown mo?" tanong na naman niya. Hay naku.
"Hmm, gusto ko simple lang eh basta mahaba na color white tapos may mga design na butterflies sa gilid ng gown tapos sa may bandang leeg. Kaya mo ba yun?"
"Kayang-kaya, basta para sayo. Tutuparin ko yun paglaki nating dalawa." sabi niya.
"Okay. Promise?" tapos nilahad ko yung pinky finger ko sa kanya. Hand gesture ng pag-pa-promise.
"Promise." tapos nilahad niya rin pinky finger niya at nag pinky promise kaming dalawa. Nakangiti kami sa isa't-isa nang nilapat niya ulo niya at hinalikan niya ako sa noo.
Yun yung unang pangakong binitawan niya na hinding-hindi ko malilimutan at hindi ko rin alam kung matutupad pa ba.
YOU ARE READING
The Chase and You (First Love Series #1)
Teen Fiction"Can you still heal this breaking heart of mine with your love?" - Erine Janessa Salvador •°•°• |Kath_shelijah|