Chapter 23 : Is this the end?

14 0 0
                                    

***

“Oh Tyler! Nanjan kana pala? Eh bakit nagpapabasa ka sa ulan? Eh teka nasan si Tyra? Sinundu ka nya ah? Baka daw kasi nandyan kana at walang payong.”

“Ma? Sya ang nag prepare nito lahat?” Tinignan nya lahat ng inihanda naming sa garden nila, pati yung candle sa table , mga balloons.

“Oo, idea nya lahat yan kanina pa yun pagod , mula umaga nagbake na sya ng cake, nag grocery para sa mga ihahanda sayo at bumili ng ireregalo sayo, eto pa nga yung card oh , kanina nya lang daw nya yan ginawa , ang ganda nga eh oh. Eh teka nasan na ba si Tyra?”

“Ma…”sabay umiiyak sya, niyakap nya ang Mommy nya.

“Bakit ka umiiyak? Nasan na si Tyra?”

“Ma? Pupuntahan ko lang si Tyra” agad syang tumakbo papalabas ng bahay nila, at pumunta samin.

“Tita Emily, Good evening po, pwde ko po ba makausap si Tyra?”

“Teka Tyler? Ano ba talaga ang nangyare? Pag dating nya dito sa bahay iyak ng iyak , ayun at nagkulong sa kwarto.” Tanong ni Daddy sa kanya, sinabe nya ang lahat ng nangyare kanina. Nagalit sa kanya si Daddy, at si Mommy ay naiinis kay Macy.

“Tyler! Mali ang ginawa mo! Alam mong may girlfriend ka diba? Alam mo bang kanina pa abala yang anak ko kaka asikaso sa birthday mo, para lang sumaya ka? Tapos ganito lang maabutan nya? Ha?” napasigaw si Daddy sa kanya.

“Popsy, tama na yan, oh uminum ka muna na ng tubig!.”

“Mabuti pa at umuwi kana Tyler, hindi ka din nya kakausapin.”

“Sige po Tita, sorry po” umiiyak si Tyler habang palabas ng bahay namin.

***

Dumaan ang ilang buwan na wala kaming communication ni Tyler, dahil sa nangyare. Pati sila Mommy at Mama ni Tyler ay ganun na din. Ngayon ang araw ng Graduation namin, finally magiging College student nako.

“Anak, are you ready? Nakaayos na kaming lahat. Tara na at bumaba ka na dito” tanong ni Mommy sakin.

“Yes Mom, pababa nako.” Umupo ako sa kama iniisip ko panu kung magkita kami ni Tyler, sabagay nagkikita naming kame dati pero hindi ko sya pinapansin. Kaya ko to, tama na yung nangyare. Just move on Tyra!

Palabas na kami ng gate para sumakay sa kotse, nakita ko na palabas din silang pamilya sa gate nila.parang wala lang kaming nakita. But my Mom and Tita, were okay. Hindi lang sila ganun na kaclose hindi tulad ng dati.

Nakarating na kami sa School, lahat ng mga graduating students ay pumunta kay Tyler para magpapicture, madaming roses ang nabigay din sakin. Graduating ceremony na, ako ang Valedictorian, sinabitan ako ng Gold medal. Si Tyler naman ay Salutotorian silver medal sa kanya. Sabay kaming umakyat ng stage. Parang wala man lang namagitan samin, para ngang hindi kami magkakilala eh, pero halata kong gusto nya kong kausapin. Picture taking with the Board members, and other staff of our school.  Nag speech din ako pati si Tyler.

“Anak! Im so proud of you!” sabe ni Mommy sakin.

“Thanks Mom” parang hindi ako Masaya sa natanggap ko, hindi ko parin maalis sa isipan ko si Tyler.

“So anak? Anung kukunin mong course?” tanong ni Daddy sakin.

“Pinag iissipan ko pa po, pero medical course ang kukunin ko.” Sagot ko okay Daddy.

After the graduation  ceremony dumeretso kami sa isang kilalang restaurant. Dun kami nagcelebrate nandun ang mga other relatives ko. Masaya naman din kahit papano, medyo nakalimutan ko din si Tyler kahit saglit. Marami akong natanggap na regalo, puro gadgets. Ipad 3, DSLR and Iphone 4s. Natapos ang araw nayun, sa wakas.

***

“Popsy, may naisip ako. Ba’t di kaya tayo lumipat ng bahay? Diba? Matagal tagal na rin naman tayo ditto. Gawin nalang natin tong bakasyunan, anung naisip ko?” tanong ni Mommy kay Daddy.

“Oo nga no? sige magbihis ka at pupunta tayo sa Forbes Village.”

“Talaga Popsy? Sige hintayin mo ko dyan. Salamat Popsy” sabay kiss ni Mommy kay Daddy.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko nakita ko si Mommy nagmamadaling pumasok sa kwarto nya.

“Thea? Anung nanyare?” tanong ko kay Thea habang nagbabasa sya ng book.

“Si Mommy, gusto ng lumipat ng bahay. Sa Forbes pa ata tayo titira.”

“Lilipat? Baket naman?”

Biglang labas ni Mommy sa kwarto nya.

“Kase anak matagal tagal na din naman tayo dito. At para makalimutan mu na din si Tyler. Diba? Ang ganda ng naisip ko.” Tumingin si Mommy sakin at nag snap.

“Mommy?”

“Magbihis na kayo ni Thea sumama kayo para makapili na tayo ng bahay.”

Nagbihis na kami ni Thea, ano pa nga bang magagawa namin kundi sumunod nalang.

1 hour din tinagal ng byahe papuntang Forbes Park. Sobrang ganda nito, ang mga bahay ay parang kagaya sa ibang bansa. Sabi ng kausap ni Daddy karamihan sa mga nakatira ditto ay ang ga negosyante, artista at ang mayayaman. May model house silang pinakita samin. May gawa na din na bahay, bibilihin nalang. Ang ganda nito, modern house, more on glass parang full house. May 5 bedrooms ito, may garden,pool, may music room, little library, dressing room at higit sa lahat malaki ang kitchen. Nagustuhan agad ito ni Mommy.

“Popsy ito nalang ang bilin mo.” Sabi ni Mommy

“Oo nga Daddy, may little library pa at music room. Sige na daddy?” pagmamakaawa ni Thea kay Daddy.

“Okay fine. Ito na yung napili ko.” Sabi ni Daddy sa kausap nya.

“Sir it cost 30 million, are you sure Sir?” tanong nung lalaki.

“Okay, bukas ko nalang tayo mag usap. Salamat.”

“30 million Daddy? Sure kana ditto?” tanong ko ka Dad.

“Why not? Maganda ito at nagustuhan ng kapatid mo lalo ang Mommy mo, malapit dn ito sa University na papasuka mo.

“Ano ka ba anak, wag kang mag alala sa prize ng bahay, napag ipunan na ni Popsy yan, diba Popsy?” tanong ni Mom kay Dad

“Oo naman Honey, kaya Tyra its okay. Ano let’s go? Tumingin tayo ng mga furnitures para ditto.”

“Sige Popsy, bibili ako ng madaming kitchen utensils.”

“Mommy dib a hindi pa naman sira yung mga gamit sa kitchen?”

“Alam mo Tyra maganda bago lahat iiwan na natin yun dun.”

Okay, kahit kelan talaga si Mommy. Pumunta kami ng Mall, para mamili ng mga furnitures. Nagpabili ako ng new bed at ganun din si Thea, mala prinsesa ang pinabili ni Thea. Bumili si Daddy ng sala set, malaking book shelves, instruments, dinning table, refrigerator, flat screen TV , 5 airconditioner at isang malaking aircon para sa sala at marami pang iba.Si Mommy as usual mga pang bake nya ng cake, at mga high tech na gamit sa kitchen. Malaki ang nagastos ni Daddy, dahil lahat ng bagong kagamitan para sa bagong bahay ay bumili sya.

“Tyra and Thea? Wala ba kayong nakalimutan ipabili? What about books?”

“Ahm Dad saka nalang po tayo bumili pag nakalipat na.” sabi ko kay Dad

“Oh sige kayo bahala. Okay lets go home.”

Naka uwe na kame ng bahay, inayos ko na rin ang mga gamit ko, nag impake nako ng mga damit ko at iba ko pang mga gamit.

“Ate, alam na ba nila kuya Tyler na lilipat tayo?” tanong ni  Thea sakin

“Hindi ko lang alam, pero siguro hindi pa.” Napatahimik ako saglit, aalis kame ng hindi nya alam, at wala pa kameng maayos na pag uusap sil\mula ng birthday nya. Hindi ko man lang narinig ang paliwanag nya.

“Oh ate? Napatahimik ka?”

“Wala! Wag mo kong intindihin! Matulog ka na nga!” sagot ko kaya Thea.

“Okay Fine! So sungit!” bulong ni Thea

A Smart Love by Queenielyn LedesmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon